Hannah Nicole Villareal "Sigurado ka ba sa nakita mo, Reiber?" 30 minuto na mula nang nagsimulang kausapin ni Ma'am Sisa si Reiber, at hindi pa rin sila natatapos hanggang ngayon. Mariing tumango si Reiber, sabay tumuro sa building ng Grades 8 at 10. "'yon po 'yung ginigiba ng mga tao sa nakita ko." Imbes na hindi maniwala si Ma'am Sisa ay mas nagkaroon pa ito ng interes sa nakita ni Reiber. "Tell me. Ano pang mga nakita mo?" "Anino ng sampung tao, kulay puti at itim na flag, s-si Sir William." Nag-alangan pang sabihin ni Reiber ang pang-huli. "Tingin mo ba maniniwala si Ma'am Sisa?" Katabi ko ngayon si Basang. Umiiral nanaman ang pagiging pasaway niya kaya hindi siya tumutulong sa paglilinis, bagkus ay nakikinig pa siya sa pinag-uusapan nila Reiber at Ma'am Sisa. "Hindi sila magtatagal sa pag-uusap kung hindi naniniwala si Ma'am Sisa.
Read more