All Chapters of The Borrowed Husband Collection: Chapter 51 - Chapter 60
77 Chapters
The Ardent Husband - Chapter 5
The Ardent Husband - Chapter 5Ang meriendang inihain ay isa palang early dinner dahil five-course meal ang dumating sa kanilang mesa. Gayunman, hindi nagprotesta si Honey. Ayaw rin niyang matapos ang masasayang sandali kahit na ito ay nakaw lang.Panay ang kuwento ni Robert ng mga nakakatawang anekdota. Sa pagnenegosyo o sa pakikipagsosyalan man. Observant ito at interesanteng kausap. Matalas ang isip at sensitibo sa maraming bagay.Lalong nadagdagan ang paghanga niya para sa binata nang malamang isa rin itong active environmentalist."Lahat tayo ay may responsibilidad sa ating kalikasan," pahayag nito. "Dahil tayo ay bahagi rin ng kalikasan."Tumangu-tango siya bilang pagsang-ayon. Pakiramdam niya ay medyo umalon ang paligid kaya napapikit siya. Ilang kopita ng alak na ba ang nainom niya? Hindi na niya alam.Ipinilig niya nang bahagya ang ulo. Ngunit lalo lang siyang naliyo. Nahalata siya ng
Read more
The Ardent Husband - Chapter 6
The Ardent Husband - Chapter 6Hindi na nakauwi si Honey ng gabing iyon. Halos magdamag silang nagniniig ni Robert. Makakatulog sila sandali. At magigising na nagsisimula na naman ang isang maalab na pagtatalik.Tila walang pagkatighaw ang uhaw ni Robert.At tila wala ring pagkasawa sa pagiging martir si Honey.Kahit na palaging ang pangalan ng ibang babae ang numunulas sa bibig ng mangingibig, patuloy lang siya sa pagbibigay.Paano'y sa gayong paraan lamang siya makakaamot ng ligaya.Nang sumikat ang araw sa silangan, nakadilat na siya pero wala pa ring tinag sa pagkakahiga. Ayaw niyang maistorbo ang lalaking natutulog habang nakayakap sa kanya.'Paano si Honey?' Iyon ang tanong niya kay Robert kagabi.'Malalaman mo ang sagot kapag bumalik siya.' Matalinhaga ang sagot ng lalaki.Ngayong tapos na ang mga hibang na sandali ng pagnanasa, inaasahan ni Honey na manunumbalik na
Read more
The Ardent Husband - Chapter 7
The Ardent Husband - Chapter 7Nagpumilit siyang umuwi nung gabing iyon. At kaya lang pumayag si Robert ay dahil sa pangako niya na sa susunod ay hindi na uli uuwi dahil lilipat na siya para manirahan sa townhouse.Ipinahayag niya ang desisyon nung kumakain na sila ng masarap na hapunang niluto niya habang nanonood ang lalaki."Kailangan kong magpaalam kay Inay, Robert. Ayaw kong mag-alala ang pamilya ko," wika niya.May bumadhang pagkabigla sa mukha ng lalaki. "Sasabihin mo sa kanila ang tungkol sa atin?" tanong agad nito.Maliksi siyang umiling kahit na medyo humahapdi na ang kalooban. Ayaw niyang lokohin ang sariling pamilya pero wala siyang opsyon."Uhm, magsasabi ako na magbabakasyon sa bahay ng ilang kaibigan," paliwanag niya. "Papayag naman sila.""Good." Tumangu-tango ang lalaki at muling nagpatuloy sa pagkain. "Ang sarap mo talagang magluto, Honey. Parang may ginagamit kang magi
Read more
The Ardent Husband - Chapter 8
The Ardent Husband - Chapter 8Katulad ng sinabi niya, pumayag nga ang kanyang Inay nang magpaalam siya na magbabakasyon. Hindi ito nagtatanong pero parang humihingi ng paliwanag ang mga mata ng butihing matanda.Ayaw na niyang magdagdag ng kasinungalingan, pero hindi niya kayang tiisin ang pagkalito at pagtataka ng ina."May celfone naman po ako, Inay. Matatawagan ko po kayo ng madalas," wika niya. "A-at babalik din po ako agad--kung hindi ko magustuhan ang probinsiya ni, er, Dollie." Maliksi siyang nag-isip ng pangalan ng kaibigan. Pinili niya iyong nasa Japan pa."A, si Dollie pala ang kasama mo," sambit ni Aling Modesta. Para bang nagluwag ang kalooban. "O, e, kailan pala siya dumating galing sa Japan? Hindi ba't may kontrata pa siyang tatlong taon pa nung umuwi ka?"Hindi napigil ni Honey ang mapangiti dahil humanga sa malinaw na memorya ng kanyang ina."Matandain ka pa rin talaga, Inay,"
Read more
The Ardent Husband - Chapter 9
The Ardent Husband - Chapter 9Nagmistulang 'honeymoon' ang sumunod na dalawang linggo para kina Honey at Robert. Palagi silang magkasama. Halos hindi na pumapasok sa trabaho ang lalaki. Nang mag-alala siya para sa kabuhayan nito, tumawa lang. Para bang ikinatuwa ang malasakit na ipinakikita niya."Hindi naman ako maghihirap agad-agad kung sakaling malugi ang kumpanya ko, Honey," panunudyo nito. Nangingislap ang mga mata. Nakatawa ang mga labi."Iiwan mo ba ako kung mamumulubi ako?" Medyo seryoso na ang tono nito habang nakatitig sa mukha niya. Inaabangan ang kanyang reaksiyon.Hindi siya nagpadalus-dalos sa pagsagot. Tinitigan niya ng tuwid ang lalaki habang nagsasalita."Marunong akong magbanat ng buto, Robert," ang malumanay na pahayag niya. "H-hangga't hindi mo sinasabi, hindi ako aalis sa piling mo," dagdag niya. Bahagya nang gumaralgal ang tinig.Natigilan ang lalaki. Tila ninamnam ang ka
Read more
The Ardent Husband - Chapter 10
The Ardent Husband - Chapter 10Ang nag-aalalang mukha ni Aling Modesta ang unang nakita ni Honey nang magbalik ang malay-tao niya."I-inay..." sambit niya."Oh, salamat sa Diyos, nagkamalay na ang anak ko!" bulalas nito habang ginagagap ng dalawang palad ang isang nanlalamig na kamay niya."Teka't tatawagin ko pala ang doktor," wika nito matapos hagkan ang isang maputlang pisngi niya."D-doktor?" ulit niya, napapamaang. "H-hindi ko kailangan ng doktor, Inay," pigil niya rito."Anak, kagabi ka pa namin dinala dito sa ospital," ang malumanay na paliwanag ng magulang. "Hanggang ngayong buong maghapon ay wala kang malay."Atsaka pa lamang napuna ni Honey ang kapaligiran. Maputi ang kisame at mga dingding. Pati na ang mga kurtina sa bintana at ang pintura ng pinto.Agad siyang nakabawi sa pagkabigla dahil may naalala."S-si...Robert po?" Tigib sa pag-aalinlangan ang pagaw na ti
Read more
The Contract Husband - Chapter 1
The Contract HusbandSYNOPSISNaranasan mo na bang umibig? Paano kung malapit ka na palang mawala ngunit ni minsan ay hindi pa tumibok ang iyong puso sa ngalan ng pag-ibig?Si Franchesca ay hindi makahinto sa pagluluksa para sa mga magulang na naaksidente nang dahil sa kanya. Palagi niyang hinihiling na sana’y makapiling na niya ang mga mahal sa buhay.Ngunit nang matupad ang gusto niya, bigla namang nagising ang puso niya at humiling na sana’y maranasan namang umibig. Saan siya maghahanap ng lalaking papayag na magpakasal sa kanya kahit sa loob lang ng dalawang taon?Si Carlo ay pinamanahan ng isang kumpanyang malapit nang bumagsak. May gustong magbigay ng tulong pero kailangan muna niyang ibigay ang sarili sa isang babaeng nahihibang sa kanya. Ngunit nang si Franchesca na ang nag-alok ng tulong—at ng kasal, ni hindi sumagi ang pagtutol sa isipan niya. Nahulog kasi nang buung-buo ang puso niya…How can he love someo
Read more
The Contract Husband - Chapter 2
The Contract Husband - Chapter 2Pero ngayong may kaparusahan na ang kanyang pagkakasalang iyon, puwede na siguro siyang magsaya. Para may maibaon naman siyang masasayang alaala sa kanyang pagpanaw."M-mag-party tayo dito sa bahay," suhestiyon niya. "Gusto kong makita at makasama ang mga kaibigan ko. Gusto kong makakilala ng ibang tao."Halatang ikinatuwa ng matandang babae ang sinabi niya. Magkaharap na sila dahil lumipat ito sa katabing sofa."Naku, pihong matutuwa sina Senyor Fernan at Senyora Augusta!" bulalas nito. "Alam kong nalulungkot sila habang patuloy sa pagluluksa at pananahimik ang tahanang ito."Huminga muna siya ng malalim bago binanggit ang tungkol sa asawa nito. "Si Manong Pido? Matuwa rin kaya siya?"The reply she received had no hesitation. "Siyempre, iha. Magpapaluto ako ng paborito niyang putahe para kung sakaling dumalaw siya ay may nakahanda para sa kanya."Ginagap ni Franchesca ang kulubot na kamay. Hinagkan ni
Read more
The Contract Husband - Chapter 3
The Contract Husband - Chapter 3Bahagyang nagulat ang kausap sa pabirong tono niya. Ngunit nakabawi rin ito agad. "Lagi namang masarap ang tulog ko dahil lumalamig na ang panahon." May idadagdag pa sana ito ngunit biglang kumuriring ang telepono sa salas. "Sandali't sasagutin ko lang 'yon," paalam nito.Tumango siya bago sumimsim ng mainit-init na gatas. Tumanaw siya sa di-kalayuang hardin na nakalatag sa harapan at tagiliran ng malaking bahay. Mapupuno na naman ng mga taong nagkakasayahan ang bahaging iyon.Tumingin siya sa langit. Huwag lang sanang uulan sa gabing iyon. Gumawi ang paningin niya sa dingding na may ornate carvings bilang palamuti. Nasa kabila niyon ang maluwang na ballroom. Puwedeng magkasya ang may isandaang katao doon kungsakali.Sana, magustuhan ni Carlo Sanvictores ang bahay niya...*     *     *"Sir, narito na po ang laman ng inyong mailbox," wika ng sekretarya ni Carlo. Pumikit
Read more
The Contract Husband - Chapter 4
The Contract Husband - Chapter 4Sumigla si Franckie matapos matanggap ang sagot ni Carlo Sanvictores sa e-mail. Sinubukan lang niyang gawin iyon. Hindi inaasahan ang mabilis na pagtugon nito."Inay Chedeng, aalis ako. Bibili ako ng isusuot ko sa party. Gusto n'yong sumama?" Natagpuan niyang abala sa pagpapalinis ng hardin at pagpapaayos ng mga halaman ang matandang babae. "May isusuot na ba kayo?""Oo naman, iha. Hindi naman ako palaalis kaya marami pa akong mga bagong bestido. Kuu, huwag mo akong intindihin. Ang sarili mo na lang." Medyo sanay na ito sa bagong relasyon nila. "Este, may kasama ka ba?"Tumango siya. "Kasama ko si Diday." Binanggit niya ang pangalan ng katulong na dalaga pa. "Ang drayber namin ay si Ipyong.""O, sige, mag-ingat kayo, ha?"Tumango uli siya at ngumiti. "Pipilitin naming umuwi ng maaga," pangako niya para maibsan ang nababasang pag-aalala sa kanya ng kausap."Salamat, Frankie," pahabol pa nito habang papa
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status