All Chapters of The Borrowed Husband Collection: Chapter 31 - Chapter 40
77 Chapters
The Wily Husband - Chapter 15
NANG pumanaog uli si Ysrael, nakaayos na ang lahat.Nakapag-settled down na sina Dionisio at ang iba pa niyang tauhan."Senyorito Ysrael, nakahanda na po ang hapunan," pahayag nito nang makita siya."Salamat, Dionisio." Namataan niyang nakatunganga si Manong Udong sa isang sulok."Manong, halinakayo sa kumedor. Kayo ang bisita ko," aya niya rito. "O, bakit parang namumutla kayo?"Nagkamot ng ulo ang matandang lalaki. "E, m-medyo nga, Sir Ysrael. Nakakagulat naman kasi. Ang dami-dami mo palang utusan."Kumurba pataas ang makakapal na kilay niya. "Ano naman ang nakakagulat?""Sa kastilyo, higit sa isang daan ang mga utusan ni Senyorito," sabad ni Dionisio.Dito lumipat ang tingin ni Ysrael. Sumenyas ang mga mata niya kaya agad na tumikom ang bibig ng mayordomo."Kastilyo?" ulit naman ng matandang lalaki. "May kastilyo ka, Sir Ysrael?""Er, hindi akin talaga, pamana lang ng mga ninuno ko sa akin."Impressed pa
Read more
The Wily Husband - Chapter 16
GULAT na gulat ang dalaga. Kitang-kita iyon ni Ysrael. Hindi nito inaasahan na magiging gayon siya kapangahas."Hindi ko gusto ang ginagawa mo, Ysrael! Ang mabuti pa, itigil mo na ang kalokohang ito. Lumabas na tayo dito!" pahayag nito sa aristokratikong tono."Ikinalulungkot ko, mahal na prinsesa. Hindi ko mapagbibigyan ang kahilingan n'yo," panunudyo niya.Nakangiti siya habang pinapanood ang pagkokontrol ng dalaga sa sarili. Nakahanda siya sa pag-atake nito ngunit nabigo siya sa inaasahan. Tumalikod ang babae sa kanya at lumapit sa lamesa. Kumuha ito ng isang mansanas na pulam-pula.Nakangiti na rin ito nang muling humarap sa kanya. Iniaalok ang mansanas. "Tatanggapin ko ang apology mo," wika nito, "kung kakagat ka rito."Nag-alangan si Ysrael. Alam niyang tinutukso siya ng babae."Ayaw mo?" Kunwa'y nagdamdam ang babae. "Ilang beses mo na akong binibigo, Ysrael.""Ganyan ka rin sa akin, Lorelei," salo niya. "Pero kakagat ako."
Read more
The Wily Husband - Chapter 17
HUMINTO sa paghakbang si Ysrael nang mapagtanto niyang sukol na siya.Bakit ba ako tumatakas? pang-uusig niya sa sarili.Bumuwelta siya pabalik."Have you change your mind?" untag ni Lorelei."No," wika niya, pa-tiimbagang. "You'd better stop this lunacy, Lorelei. Hindi mo magugustuhan kapag napilitan akong matukso sa 'yo," pagbabanta niya.Bumadha ang aprehensiyon sa maamong mukha ngunit sandali lang iyon."You're the most contradicting man I've ever met, Ysrael. Nung una tayong nagkita sa kastilyo mo, napaka-presko mo. You wanted to take me up to your bedroom," pagkukuwento nito. "Pero ngayong binibigyan na kita ng pagkakataon, umaayaw ka naman."Umupo uli si Ysrael sa silyang pinanggalingan. Pormal ang ekspresyon niya. "Can't you forget that unfortunate incident?" buntonghininga niya.Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. "Hindi na siguro. Mahirap makalimutan ang unang impresyon.""Can't you even try?" May himig na ba n
Read more
The Wily Husband - Chapter 18
KUNTENTO pa si Ysrael sa natamong tagumpay kaya hinahayaan lang muna niya ito sa mga pagsusungit ni Lorelei sa kanya, pagkatapos ng maikli at simpleng kasalan. Pareho silang nakaputi dahil dinalhan rin siya ng maisusuot ni Dionisio.Maliksing nakagawa ng koronang bulaklak at rose bouquet ang mga dalagang katulong. Ang mga binatang tauhan naman niya ang gumawa ng arko na yari sa bulaklak.Sa hardin na nasa harap ng mansiyon idinaos ang kasal.Maaliwalas ang kalangitan at mahalimuyak ang dagat ng mga bulaklak sa paligid. Para bang nakikisaya.Ang naging mga saksi sa kasal nila ay sina Nana Desta at Manong Udong."Naipalipat ko na ang mga gamit mo sa master's bedroom, Lei. Ngayon naman ay ang mga gamit ni Ysrael ang inaayos ng mga katulong," pahayag ni Nana Desta habang nanananghali sila.Pilit lang ang ngiti at tango ni Lorelei. Samantalang si Ysrael ay wala nang pagsidlan ng kasiyahan."Inanyayahan ako nina Dionisio sa mini-villa. Doon
Read more
The Wily Husband - Chapter 19
TUMATAWA si Lorelei ngunit nangangatal siya sa pinaghalong takot at excitement. Dahil alam niya kung ano ang mangyayari sa sandaling magkita uli sila ng lalaki. Aangkinin na siya ni Ysrael nang buung-buo... Naghahabol siya ng hininga nang makarating na siya sa silid. Nahagip agad ng mga mata niya ang mga kumot na pinagdugtung-dugtong na gagamitin sana sa pagtakas. Wala na siyang ganang tumakas. Para ano pa? Pag-aari na siya ni Ysrael. Pinakasalan na niya ito. Pumiksi siya. Ayaw niyang ng tinatakbo ng isipan. Napahinto siya sa harapan ng dressing table. Bakit mo ba iniwan ang lalaking iyon sa itaas? tanong niya sa babaeng nasa salamin. "Hindi ka ba natatakot na baka kunin ni Ysrael ang Sea Rose Jewels?" tanong niya sa sarili. Ang tutoo, parang sinusubok niya ang lalaki. Aaminin na niya ngayon na kaya siya nag-aalinlangan sa katapatan ni Ysrael Ravago ay dahil isa itong plamboyanteng jewel collector.
Read more
The Wily Husband - Chapter 20
KAKABA-KABA si Lorelei habang nagbibihis kinabukasan ng gabi.Ngayon magsisimula ang pagsasama nila ni Ysrael bilang mag-asawa.Aywan kung kailan niya natiyak ang tunay na damdamin para sa lalaki.Nabura na ang lahat ng repulsyon na nadama niya para dito nung una. Ang tanging natira ay ang kahalong pagnanasa.Na nabahiran pa ng pag-ibig.Umiibig na nga ba talaga siya kay Ysrael?"Kailan?" sambit niya habang nakatitig sa magandang mukha ng babaeng nasa salamin.Hindi siya makapaniwalang si Lorelei Cortez ang repleksiyon na nasa harapan niya."No, she's Lorelei Ravago now," bawi niya, pabulong pa rin.Hinipo ng mga daliri niya ang bahagi ng dibdib at leeg, paakyat sa isang teynga.Pamaya-maya, halos wala sa loob, binuksan ng mga daliri niya ang jewelry box na pinaglagakan ng Sea Rose Jewels pansamantala."Gusto kong bigyan mo ako ng sapat na lakas ng loob para ihayag ang pag-ibig na nadarama ko," anas niya, p
Read more
The Impatient Husband - Chapter 1
The Impatient HusbandSYNOPSISAng naglalakad daw nang matulin ay madalas na natitinik nang malalim. Ganito rin kaya ang mangyari kay Eliza nang pumayag siyang magpatangay sa apurahang pagpapakasal kay Rafael?Marry in haste, repent at leisure… Falling in love at first sight should not be followed by getting married at first chance! What if the first flush of attraction faded? What if you and the person you wedded were not compatible?*     *     *The Impatient Husband - Chapter 1"Congratulations, Eliza!" bati ng mga kaibigan sa dalagang candle artist. "You're made!  At last!" dugtong ng teacher niya, si Maestro Gordon.Eliza was blushing but she still smiled at her group charmingly. Hindi siya sanay maging sentro ng atensiyon but she managed to enjoy the moment."O, ready ka na bang harapin ang mga admirers mo?" t
Read more
The Impatient Husband - Chapter 2
The Impatient Husband - Chapter 2Sanhi marahil ng iniinom nilang white wine na itinerno sa lutuing manok, naging matabil ang kaibigan at chaperon ni Eliza na si Lani.Palibhasa, mahilig naman talagang magluto ito. In-interview nito si Pierre nang maki-umpok uli sa kanila."Paano nagiging ganito kalambot ang manok? May inilalagay bang meat tenderizer?"Pierre was instantly enthusiastic. "You want to discover a secret of mine? Come to my kitchen, my lady," anyaya agad nito.Tumingin muna si Lani sa dako ni Eliza. Tumindig lang nang walang nakitang pagtutol sa ekspresyon niya. "Excuse me," anito sa kanilang dalawa ni Rafael, bahagyang nakangiti."It's okey," tugon ng lalaki bago pa siya nakahuma. "Enjoy yourself, Lani."Nang mapag-isa sila sa mesang bilog, parang naging masikip ang lugar nila dahil nakatutok na naman sa kanya ang buong atensiyon ni Rafael Torres."More wine?" alok nito nang manatili siyang tahimik.Um
Read more
The Impatient Husband - Chapter 3
The Impatient Husband - Chapter 3Natutop ni Eliza ang gawi ng kanyang dibdib na tumatahip habang nagpapatuloy sa pagtungo sa kusina.Namataan niya ang ina sa kumedor.  "Mama, tutulungan ko na po kayo diyan."Umiling ang kanyang Mama.  "Huwag na, anak.  Harapin mo na lang ang iyong bisita.""Hinayaan ko na lang po muna kay Papa si Mr. Torres, Mama.  Tutal, nagkakatuwaan naman ang dalawa dahil pareho yatang mahilig sa chess."Nanlaki ang mga mata ng may edad na babae.  "Naku!  Talaga 'yang Papa mo.  Awatin mo na agad 'yon at baka hanggang hatinggabi ay ma-monopolized niya ang bisita mo.  Hala ka!"Ngumiti lang si Eliza.  "Ang Mama naman.  Hayaan na lang po muna natin si Papa.  Tutal, kailangan pa naman nating mag-asikaso ng pagkain, di po ba?"Pinandilatan siya ng kaharap nang may maalala.  "Bakit naman hindi mo man lang binanggit na may darating ka palang panauhi
Read more
The Impatient Husband - Chapter 4
The Impatient Husband - Chapter 4"Ooh!" Napaungol muna si Eliza bago nakapagsalita uli.  "O-oo.  Magpapakasal na ako sa iyo,"  sambit niya, halos pabulalas.After her hoarse acceptance, Rafael had made a small miracle in the preceding wedding preparations.  Para bang walang kahirap-hirap sa paghahanda ng lahat ng mga detalye sa isang kasalan."Nag-iisang anak ka, Eliza.  You deserve to be married in church,"  pahayag ng lalaki na ikinatuwa naman nang husto ng mga bibiyenanin.Puting traje de boda ang binili mula sa isang exclusive boutique.  It was very expensive but Rafael didn't even bat an eyelash as he paid for it.  Para bang sanay na sanay nang bumili ng mamahaling damit para sa babae..."I've made reservations for our reception in the hotel where I've been staying."Naliliyo si Eliza sa dami ng mga bisitang nagawang imbitahin ng mga magulang, in such short notice.  Halos punuin ang sim
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status