All Chapters of HOLD ME, EX-CONVICT : Chapter 41 - Chapter 50
235 Chapters
CHAPTER 40
KAAGAD na napasimangot si Yesha nang maramdaman niyang mag-vibrate ang cellphone niya. Kaagad naman niya iyong inabot at saka mabilis na sinagot. Sa dating bahay nila siya nanatili ngayon. Ayaw niyang umuwi ngayon sa bahay ni Shawn dahil ayaw niyang umiyak ulit. Kakatapos lang niay roon at ayaw niyang magtago ulit para lang pakawalan ang halo-halong emosyon na kumukulong sa kan'ya ngayon roon.Malapit na rin naman ang pasukan nila kaya mapapadalas na lang din ang pagkikita nila ni Shawn. Sisiguraduhin niyang hindi sila nito halos magkikita kahit na nasa iisang bahay. At sisiguraduhin di niyang magagawa niya ng maayos ang trabaho niya kahit na nasa ganoon silang sitwasyon."Hello?" inaantok niyang tanong mula sa kabilang linya. Ni hindi nga niya tiningnan kung sino ang tumatawag e!"Yesha..." sapat na ang baritonong boses nito para mapatayo siya at mawala bigla ang kan'yang antok. Takang inilayo niya ang cellphone mula sa pagkakalapat sa kan'yang tainga saka tini
Read more
CHAPTER 41
KATULAD ng araw na hinihintay niyang huwag dumating ay dumating na nga. Hindi siya halos mapakali habang nasa loob ng taxi. Nanginginig ang tuhod niya sa hindi malamang dahilan. Ayaw naman niyang humarap dito na mukhang kinakabahan pero mukhang ganoon nga talaga ang mangyayari. Kahit anong libang ni Yesha sa sarili, hindi pa rin niya maiwasang mangamba. At isa pa pala... bakit ba nawala sa isipan niya na sahuran na pala ngayon.Maghaharap at maghaharap sila ni Shawn. Sana pala nag-inarte na siya noong una pa lang na bigyan siya ng credit card kung saan iyon ang gagamitin niya para kuhanin ang sweldo niya.Bakit ba kasi hindi niya iyon naisip noon?"Bayad po kuya." kaagad naman inabot ng driver ang bayad niya. Siya naman ay mabilis na bumaba. Iisipin pa lang niya na magkakaharap sila. Gusto na niyang lumubog sa lupa.Para siyang tangang nagdahan-dahan papasok sa loob ng gate at todo ingat na huwag iyon gumawa ng ingay.Ayaw niyang malaman ni Shawn n
Read more
CHAPTER 42
SIGURO KUNG mayroon mang pinaka-corny na usang CEO na kilala si Yesha, iyon ay si Shawn. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin nagsi-sink in sa isipan niya ang lahat ng pinagsasabi ni Shawn. Hindi niya alam kung ano ba amg nakain nito para magkaganito ngayon. Hindi niya alam kung bakit sa dinami-rami sa isang boss na hindi pa maintindihan ang ugali siya napunta. A CEO and a boss. "Say... something," usal nito ngunit wala naman siyang makapa na tamang salita na sasabihin dito. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niya. "Yesha..." "Sandali naman! Hindi naman ganoon kadali mag-isip ng sasabihin, 'no!" Hind tuloy niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Halo-halo na, dinaig pa niya ang pagkain na halo-halo sa gulo ng nangyayari. "I just want to make sure that you'd clearly understand what am i saying." Napapatantiskuhan niya itong tiningnan. "Gusto mo ba ako?" walanghiyang tanong niya sa lalaki. Ayaw niya ng mixed signals. Gusto niya diretsahan. Gusto lang din niya
Read more
CHAPTER 43
PARANG tanga na nakatanga siya kay Shawn na abala sa paghahain sa kan'ya ng umagahan. Simula kasi kagabi ay sinabi ng lalaki na pagsisilbihan siya nito at liligawan. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na ang isang Shawn Rios... manliligaw na niya.Nahihiya siya sa mga nakaraan niya. Nahihiya siyang nalaman nito ang pangarap niya dati. Baka mamaya isipin nito na pera lang ang habol niya sa lalaki."Eat up!" napakurap siya nang mahinang kalampagin ni Shawn ang lamesa. Sabay silang natawa sa ginawa nito."T-thank you,"Tinitigan siya ng lalaki saka naupo sa tapat niyang upuan."Nahihiya ka ba?" he grinned. Yesha looked away while Shawn laughed. "Nahihiya ka nga.""No, hindi ah. Bakit ako ang mahihiya? Dapat ikaw. Bakit ako ba ang umamin sa 'yo?" anas niya na ikinatigil naman ng lalaki. Siya tuloy ang napangiti nang malawak. "nahihiya ka ba Shawn Rios?" balik asar niya sa lalaki. Akala niya mahihiya ito pero imbes na lumayo ay may in
Read more
CHAPTER 44
MAAGANG gumising si Yesha dahil ngayon ang first day of the class niya. Excited siya na kinakabahan. After years, she's here again. Trying to pursue her dreams. She would do everything she could just to be a successful person someday despite of everything she'd faced."Are you excited?" Shawn asked her. She was busy cooking their breakfast. Alas d'yes pa naman ang pasok niya pero gusto niyang makapaghanda na. Para siyang bumalik sa pagkabata. Na-miss din tuloy niya ang mga panahong palagi siyang sinasamahan ng mama niya sa eskuwelahan kasi iyakin siya. "Sobra, pero kinakabahan ako. Major subject pa naman ang first day."Tinawanan lang siya ni Shawn kaya naman itinuon na lamang niya ang atensiyon sa pagluluto. Marami silang fronzen foods na binili kaya naman hindi na siya nagtaka na puro bacon, hotdog, at tocino ang umagahan nila. Well, she was the one who requested it all."Kaya mo 'yon. Unang araw pa lang naman. Hindi pa naman yata kayo papahirapan..." nakangis
Read more
CHAPTER 45
"KINAKABAHAN ako." Napasimangot si Yesha nang tawanan siya ni Shawn. Hindi niya alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya. Para kasi itong mapupugutan ng hininga kakatawa."Nakakainis ka naman Shawn, e!" reklamo niya rito pero mas lalo lang itong tumawa. Kanina lang pinagtatalunan nila yung load, tapos ngayon ito na naman ang lalaki sa pang-aasar sa kan'ya. "Ubusin mo kasi muna 'yang laman ng bibig mo bago ka magreklamo hahahaha."Inirapan niya ito at wala sa sariling tinakpan ang bibig. Nawala sa isipan niya na kumakain pala siya ng donut. Hay naku! Hindi na talaga siya magtataka kung bigla siyang manaba dahil sa dami ng pinapakain sa kan'ya ni Shawn.Hindi pa nga siya natutunawan ay umu-order kaagad ito ng makakain niya. Sabi pa naman nila mananaba ka kapag nasa tamang tao ka na. Mukhang hindi pa siya nananaba, nakikita na niya si Shawn bilang tamang tao para sa kan'ya."Basta kapag kinakabahan ka, mag-text ka lang sa akin. Kapag break mo, you can cal
Read more
CHAPTER 46
SINIMAGUTAN ni Yesha si Shawn na panay ang asar sa kaniya. Kwinento kasi niya sa lalaki ang nangyari at pati ito tuwang tuwa sa nangyari. Inasar lang naman kasi siya ng mga kaklase niya na maging muse at hindi lang 'yon. Pati mga professor niya ay sinabihan na kaagad siya na kukunin siyang representative ng department nila kapag may mga beauty pageant.Wala naman siyang problema sa pagrama at sa mga tanungan doon dahil danas na danas na niya iyan noon sa baranggay nila. Ayaw lang niya makakuha ng masyadong mraming atensiyon. Well, she's not attention seeker at all."Ang ganda naman po kasi..." pagpapatuloy ni Shawn ng asar sa kaniya. Hindi na lamang niya pinansin ang lalaki. Ito pa ang nagpumilit na magkwento siya tapos ngayon ito ang numero unong nang-aasar sa kan'ya. "Alam kong maganda ako Shawn Rios. Matagal na. Kaya mo nga ako nagustuhan e."Ang kaninang malapad na ngiti ng lalaki ay biglang nawala. She wonder why. "Ano? Tahimik ka ngayon 'no?" pang-aasar ni
Read more
CHAPTER 47
"MAAA!" masayang sinalubong niya ang kan'yang ina. Hindi niya pinansin si Shawn na abala sa pagpaparada ng sasakyan. "Yesha, anak! Napabisita ka, hindi mo man lang ako tinawagan." sinimangutan siya ng kan'yang ina at bakas sa boses nito ang pagtatampo."Surprise nga ma e, ikaw talaga huhu. Na-miss po kita." niyakap niya ang kan'yang ina at hinalikan ito sa pisngi. Natuon naman ang mata nito sa kasama niya kaya hinarap din niya si Shawn. "Hello po, tita." bati nito sa kan'yang ina. Pero dahil iba ang ibig sabihin niyon sa kan'ya, kaagad siyang nag-iwas ng tingin dahil nag-init ang kanyang pisngi."Pasok kayo, hijo. Hindi man lang kayo nagpasabi sa akin. Ipinagluto ko sana kayo." sabay silang pumasok ni Shawn sa loob. Ang ina naman niya ay abala sa pagluluto kahit na ilang ulit na niya itong pinigilan. Balak niyang ipagluto mamaya ang ina ng hapunan kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ang hayaan ito. Nami-miss na rin naman niya ang luto ng kaniyang mama.
Read more
CHAPTER 48
MAAGA silang gumising dahil magsisimba sila ngayon. Si Shawn ay nagdesisyon na sa lapag na matulog. May sapin naman ito kaya hindi rin naman nahirapan ang lalaki. Nang magising siya ay wala na ito sa loob ng silid kaya naman mabilis siyang bumangon para maligo. Simpleng pambahay lang muna ang isinuot niya dahil mag-aalmusal pa naman sila."Good morning, people!" bati niya sa mga ito nang makbaba. Naabutan niyang nagluluto ang dalawa. Si Shawn ang katuwang ng kan'yang ina. Kahit nag-eenjoy pa siyang panoorin ang mga ito at inistorbo niya niya at mabilis na umupo.Kuumuha siya ng isang hotdog at pinapak lang iyon. Hindi niya alam kung bakit natutuwa siya sa isiping balang araw ay ipagluluto rin siya ni Shawn.Ang lalaking ito ang makakatuwang niya. Gigising sa umaga na katabi ito, maghahanda ng pagkain, maglilinis ng bahay, at kasama niyang bubuo ng pangarap niyang pamilya. Pero hindi pa naman niya pwedeng ibigay ngayon ang matamis niyang oo."Good morning,
Read more
CHAPTER 49
DAYS had passed. At ang araw na hinihiling niyang huwag dumating ay dumating na. Abala sila ngayon ng kan'yang ina sa back stage. Si Shawn naman ay naroon na sa labas nakaupo. Sa may harap talaga puwesto ang lalaki para raw makita siya nito nang buo."Kinakabahan ako, ma." bulong niya sa kan'yang ina. Tinawanan lang siya nito saka pinisil ang kamay niya. Nag-hire pala si Shawn ng make-up artist kaya naman hindi siya namroblema. May taga ayos din naman siya.Walang nakakaalam kahit na sino sa mga kapitbahay nila noon na narito siya at sasali ulit. Napagpasyahan din naman nila ng kan'yang ina na dito na lang muna sa dating bahay nila magpalipas ng gabi."Huwag kang kabahan. Isipin mo na lang na sila-sila pa rin naman ang manonood sa iyo." alam niya kung ano ang tinutukoy ng kan'yang ina pero hindi naman iyion ang pinoproblema niya kung 'di si Shawn. Nanonood ito ngayon at sana lang hindi mawala sa isipan niya ang mga ginagawa niya. "Ma, katulad ng dating gawi, sa
Read more
PREV
1
...
34567
...
24
DMCA.com Protection Status