Lahat ng Kabanata ng Moonlight Warriors (Tagalog): Kabanata 41 - Kabanata 50
93 Kabanata
Chapter 32.2
HINDI pa rin lubos makapaniwala si Aimen na kaharap niya ngayon si Calista na buong akala niya ay ilang buwan ng patay. Hindi maalis-alis ang mga mata niya rito habang nakaupo ito sa sofa karga-karga ang anak na si Morgan. Wala pa ring kupas ang ganda nito kahit pa isa na itong ina ngayon.Ang mas lalo pang nagpagulat sa kaniya ay ang mga isiniwalat nito tungkol sa mga nangyari sa buhay nito noon sa Montgomery at sa mga nangyari nang gabing namatay rin ang mga umampon dito sa kan'ya."Can you take care of my Morgan, Aimen?" biglang tanong sa kaniya ni Calista nang hindi man lang inaalis ang tingin sa anak.Nagulat siya. "W-what do you mean?"Tiningnan siya ni Calista. Nagmamakaawa ang mga titig. "Pwede ko bang iwanan sa'yo ang anak ko?"Napalunok siya at nag-alangan. "H-ha?"Batid ni Calista ang pag-aalinlangan ni Aimen. Hindi rin naman kasi madali ang hinihingi niyang pabor.Umusog siya palapit kay Aimen at hinawakan ang kamay nito. "Ikaw lang kasi ang naiisip kong pwede kong pag-iwan
Magbasa pa
Chapter 33.1
"I TOLD you to dodge it, Marcus!" natatawang sigaw ni Calista kay Marcus nang muli niyang tamaan ang mukha nito ng hawak na espadang yari sa patpat. "Isang buwan na tayong nagsasanay how come na hindi mo pa rin ma-anticipate ang mga susunod kong galaw?"Inunat-unat ni Marcus ang leeg at nginisihan siya. "Pinagbibigyan lang kita, Calista. Huwag kang masyadong makampante."Tinawanan lang ito ni Calista. "Whatever you say, Marcus."Binitawan ni Marcus ang hawak na patpat at hinubad ang suot na t-shirt dahilan para malantad ang upper body nito. Hard and mascular."Mas gusto ko pang kabisahin ang mga skills ko bilang isang lobo. Mas madalas makipaglaban sina Henry sa anyong lobo kaya sa tingin ko mas mainam kung mas sasanayin mo ang mga kakayahan mo bilang isang lobo. Kailangan natin silang tapatan, Calista."Umikot ang mga mata niya at umiling-iling. "I will fight them in my human form, Marcus. In that way, mahihirapan silang mahulaan ang mga ikikilos ko lalo pa't kahit paano ay may alam n
Magbasa pa
Chapter 33.2
"HUWAG kang duwag! Huwag kang magtago sa likod ng iyong balabal! Magpakita ka!" nagngingitngit sa galit na sigaw ni Marcus sa kaharap na mahigpit pa ring nakahawak sa kaniyang leeg."Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Talaga bang handa ka ng labanan si Henry ngayon?"Natigilan siya nang magsalita ito. Malalim ang tinig nito at boses lalaki.Unti-unting inalis ng lalaki ang balabal na nakatakip sa mukha. Hindi niya inalis ang tingin dito. Napakunot siya nang nalantad na ang mukha nito.Matanda na ito subalit kung huhusgahan niya ang tibay ng pagkakahawak nito sa kaniya, para bang masyado itong malakas para sa edad nito.Tumayo na nang tuwid ang matanda at tuluyan na siyang binitiwan. Walang kaemo-emosyon siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Hindi ako makapaniwalang sa katulad mo inihabilin ni Hera ang mahal na reyna." Bakas ang pagkadisgusto sa mukha nito habang nakatitig sa kaniya.Kasabay ng pagkagulat sa naging turan nito ang pagguhit ng pagkalito sa kaniyang muk
Magbasa pa
Chapter 34
"ARE you trying to get yourself killed?!" naiinis na tanong ni Calista kay Marcus nang isumbong sa kaniya ni Mang Sebastian na nagtangka itong sugurin si Henry nang pumunta ito sa bayan.Nag-iwas ng tingin si Marcus at ngumuso. "Hindi ko naman rin naituloy kaya bakit nagagalit ka pa?" sabi nito sa kaniya. Nang dumako ang tingin nito kay Mang Sebastian na nakaupo sa tabi ng pintuan ay sinamaan pa nito ito ng tingin."At nagdahilan ka pa talaga." Inirapan niya si Marcus. "Mabuti na lang at nandoon si Mang Sebastian para pigilan ka. Paano kung napahamak ka? Or worst, paano kung namatay ka? Marcus naman! Pwede bang mag-isip ka naman bago ka basta-basta gumawa ng aksiyon?"Humalukipkip si Marcus at nginisihan siya na ikinainsulto niya. "Wala rin namang kaso kung namatay ako. Mas mabuti pa nga iyon kasi makakasama ko na si Hera."Nasaktan siya sa sinabi ni Marcus. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Mang Sebastian."Sigurado ka bang magkikita kayo ni Hera? Eh kung ako ang
Magbasa pa
Chapter 35
"TANDAAN mo, mahal na Reyna kapag sinimulan na ang pagpapaputok ay iyon na ang hudyat ng simula ng paglusob natin," mahinang sabi ni Mang Sebastian kay Calista. Kasalukuyan silang nagtatago sa likod ng mga dahon at sanga ng isang malaking punungkahoy, sa bahagi ng gubat kung saan malayo sa pinagdadausan ng kasal nina Henry at Althaia.Bagama't may distansya, nakikita ni Calista kung gaano kasaya si Althaia sa pagkakataong iyon. Napakaganda nito sa suot nitong puting gown habang nakatayo sa gitna ng entablado, katabi ang asawa na nitong si Henry. Lingid sa kaalaman ng mga ito na ang ilan sa mga taong-lobo na dumalo sa kanilang kasalan ay mga kasabwat nila sa gagawing paglusob. Nakapwesto na ang mga ito sa mga itinalagang dako kung saan sila magbabantay, dala-dala ang mga armas na pagmamay-ari ng kaniyang Papa Simeon.Wala silang papatayin maliban lang kay Henry at sa pack nito lalo na kung magtangka na ang mga ito ng masama sa kaniyang buhay. Iyon ang mahigpit niyang bilin sa mga kasam
Magbasa pa
Chapter 36
"NAKABALIK na po ako, Ma, Pa," nakangiting sabi ni Calista sa kaniyang mga magulang. Naroon siya ngayon sa bahagi ng gubat kung saan inilibing ang mga ito. Kasama niya sina Marcus at Mang Sebastian sa pagbisita sa mga ito. Mabilis niyang pinahid ang luhang gumapang sa kaniyang pisngi. "Pasensya na po natagalan ako sa pagbalik.""Nasisiguro kong ipagmamalaki ka nila kung naririto sila," nakangiting sabi ni Mang Sebastian. Nasa gilid niya ito habang may hawak na sulo upang magsilbing ilaw nila sa madilim na paligid. "Maging ako'y proud sa'yo, mahal na Reyna."Tiningnan niya ang kaniyang mga kamay na may mantsa pa ng mga dugo mula sa mga kalahing nakalaban niya kanina... Naalala niya si Henry. Siya ang pumatay rito.Nakagat niya ang ibabang labi nang makita ang panginginig ng kaniyang mga kamay."Ayos ka lang, Calista?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Marcus.Tumango siya at pilit itong nginitian. "Oo, napagod lang ako.""Ang mabuti pa'y bumalik na tayo sa mansiyon at nang makapagpahinga
Magbasa pa
Chapter 37
PATUNGO sa silid ni Althaia ang isa sa kanilang mga kasambahay dala-dala ang isang tray ng pagkain. Habang papalapit na sa kwarto ng dating reyna ay gano'n na lang din ang pagtahip ng dibdib nito dahil sa kabang nararamdaman. Kilala na kasi nito ang ugali ni Althaia, masungit ito at natitiyak niya na mas dumoble ang kasungitan nito ngayong namatayan ito at napatalsik na sa pwesto.Kumatok ang katulong sa pinto at tinawag si Althaia. Ilang segundo siyang naghintay subalit wala siyang natanggap na sagot. Bilin sa kaniya ni Reyna Calista na kapag ganoon ang nangyari ay pumasok na lamang daw siya at iwanan na lang sa loob ang pagkain. Gusto rin kasi nito na siguruhin na walang ginagawa ang pinsan na ikapapahamak nito.Bago pa man niya pihitin ang tatangnan ng pinto ay may hinuha na siyang wala si Althaia sa loob dahil hindi niya maamoy o maramdaman man lang presensya nito. Sa kabila ng kutob ay tumuloy pa rin siya sa loob. Doon niya nakumpirma na tama nga ang hinala niya. Kahit saang bah
Magbasa pa
Chapter 38
Makalipas ang anim na taon...NAALIMPUNGATAN si Calista nang dumampi sa kaniyang balat ang malamig na hangin. Pupungas-pungas siyang naupo mula sa pagkakahiga at iginala ang paningin. Nagtaka siya nang makitang nagsasayawan ang kurtina sa nakabukas niyang malaking bintana. Sa pagkakaalala niya ay isinara niya iyon bago siya natulog.Nagtataka man, ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon. Tumayo na siya at lumapit sa bintana upang isara iyon subalit ilang metro na lamang ang layo niya rito nang may naaninag siyang bulto ng isang tao sa likod ng kurtina. Bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba kung kaya't hindi niya na nagawang humakbang pa."Marcus? Ikaw ba iyan?" tanong niya subalit wala siyang natanggap na tugon.Lumunok siya bago unti-unting humakbang ulit palapit sa bintana. Unti-unti niyang hinawi ang kurtina. Laking gulat niya nang biglang bumulaga sa kaniyang harapan ang galit at duguang si Henry. Nanlilisik ang ginto nitong mga mata at bago pa man siya makasigaw ay
Magbasa pa
Chapter 39
NAGTAKA si Clyde nang dumating na siya sa address na ibinigay sa kaniya ni Allen. Isa iyong restaurant. Sinilip niya ang loob mula sa glass wall. Payapa naman sa loob at mukhang wala namang nangyayaring kakaiba. Mayamaya lang ay may lumapit sa kaniyang waiter. "Magandang..." Sandaling huminto ang waiter at tumingala sa unti-unti nang dumidilim na kalangitan, "gabi, Sir," nakangiting patuloy nito. "Ikaw po ba si Captain Martin?"Naguguluhan man sa mga nangyayari at kung paano siya nakilala ng waiter ay tumango na lamang siya.Iminuwestra ng waiter ang kamay papunta sa entrance ng restaurant. "This way, Sir."Hindi siya kumilos at seryoso lamang na tiningnan ito. Mukhang napansin naman nito ang pag-aalinlangan niya dahil muli siyang nginitian nito."Ibinilin ka na po sa amin ni Sir Allen," wika nito.Bahagya nang napanatag ang kalooban niya nang banggitin ng waiter si Allen. Ibig sabihin okay lang ito. Pero... bakit naman siya pinapunta nito roon?Nang nasa loob na sila ay iginiya siya
Magbasa pa
Chapter 40
"MAGANDANG araw, Calista!" magiliw na bati kay Calista ng tinderang si Aling Corrine.Huminto si Calista sa pwesto nito sa tabi ng bangketa upang tingnan ang mga paninda nitong isda."Sariwa pa ang mga 'yan. Ano ipagbalot na ba kita?" nakangiting tanong sa kaniya ni Aling Corrine."Naku! Aling Corrine, sa susunod na lang po siguro ako bibili. Wala kasi akong dalang pera ngayon," sagot niya rito.Tiningnan siya ni Aling Corrine nang may kabuluhan pagkatapos, marahan siyang hinila at binulungan. "Ano ka ba, mahal na reyna? Kulang na kulang pa ang mga isdang ito kapalit ng tulong mo sa tribo natin."Isa si Aling Corrine sa mga nasasakupan ni Calista. Katulad ng pangarap niya noon para sa mga nasasakupan, simula nang lumabas na sila sa gubat ay unti-unti na silang nagkaroon ng normal na pamumuhay at isa na nga si Aling Corrine sa tumatamasa n'on ngayon.Nginitian niya si Aling Corrine at hinawakan ang basa nitong kamay. "But still, ang negosyo ay negosyo. Baka malugi na kayo niyan kung pal
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
10
DMCA.com Protection Status