"Wow, Ate! Para sa akin po 'to?!" gulat na bulaslas ni Mayi habang hawak ang laptop niyang nakapaloob pa sa box nito.Tipid akong tumango at binigay kay Maria ang regalo na para sa kanya. "Heto naman ang para sa 'yo, Maria. Ingatan niyo 'yan, ah.""Wow! Salamat, Ate!"Lumawak ang aking ngiti nang sabay nila akong dambahan ng yakap. Niyakap ko rin sila nang mahigpit at hinalikan ang kanilang buhok. Hindi tulad noon, hindi na sila madungis at amoy langsa dulot ng paninirahan namin sa eskwater area na kulang lagi sa tubig. Nakakatuwang isipin na ang laki ang pinagbago ng aming buhay dahil sa aking pagtanggap sa offer ni Alas sa akin.Ang anak ko kapalit ng kaginhawaan namin sa buhay.Nang kumalas sila sa akin ay hinawakan ni Mayi sa braso. "Grabe, Ate. Ang kinis mo na! Mas lalo ka pong gumanda, Ate Maia. Nakakakinis po ba ang Maynila."Mahina akong natawa dahil sa kanyang sinabi. "Ano ka ba, Mayi. Sinong hindi kikinis e lagi lang ako sa loob ng condo ng amo ko. Minsan lang ako lumabas."
Read more