“Bren–Brenda, lumaban ka.” Hawak ni Rheniel ang tiyan niya habang tinatakpan ito ng tela upang mapigilan ang paglabas ng maraming dugo. Ang kabilang kamay naman niya ay pilit inaabot ang kamay ni Brenda. Gusto niyang iparamdam dito na ang pagmamahal niya.“Ma–hal, I’m…so..rry..” Pinilit din ni Brenda na hawakan ang kamay ni Rheniel habang hilam sa luha ang mga mata nito. “Sa…kaling..hin..di..ko..na..magawang ….lu…maban, sana…lumaban…ka..pa..ra sa an..anak natin.”“No, sabay..tayong lalaban..sabay tayong lalaban, mahal. Nangako ka hindi mo na ulit ako iiwan, Brenda kailangan ka namin ng anak mo.” Pilit ni Rheniel na bumangon nang makita na pumikit na ng mga mata si Brenda. “Brenda,” muling tawag niya at gustong tanggalin ang mga nakatali sa katawan niya ngunit agad siyang pinigilan ni Rhayan.“Bro, kapit lang, malapit na tayo sa hospital.” Pinilit ni Rhayan na patatagin ang ang kilos at boses niya upang hindi panghinaan ng loob si Rheniel.Binitawan ni Rheniel ang paghawak sa tiyan ni
Magbasa pa