All Chapters of AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY: Chapter 61 - Chapter 70
83 Chapters
CHAPTER 61 - THE MADMAN
“Master,” tawag ni Conrad habang nakaluhod ito sa harapan ni Clarence. Si Brando naman nanatili lang nakatayo sa gilid niya. “Tumayo ka.” utos niya kaya tumalima naman ito at mabilis na tumayo. Sinimulan na niya ang pagtatanong rito. “Conrad, nabanggit mo sa akin noon na inutos ni Mommy na patayin si Ciara. Noong hinatid mo si Ciara sa loob ng Lying-in clinic, nakita mo ba kung sino ang dumukot sa bata?” Sandaling nag-isip si Conrad at umiling-iling ito. “Master, hindi ko na po alam ang nangyari dahil iyak lang ng bata ang narinig ko. Nang balak ko ng pasukin ang silid kung saan si Master Ciara nanganganak, bigla na lang may pumalo na matigas na bagay sa ulo ko kaya ako nawalan ng malay.” paliwanag nito. “Kilala mo ba kung sino pa ang ibang tauhan na inutusan ni Mommy upang patayin si Ciara?” “Kilala ko ang ilan master, ngunit sa dami namin, hindi ko na rin alam kung sino pa ang ibang inutusan ni Madam Leticia.” “Name them.” utos ni Clarence. Nakakuyom na ngayon ang kanyang kam
Read more
CHAPTER 62 - MOST SHOCKING REVELATIONS
“Ano ang ibig ninyong sabihin?” sabay na tanong ni Ciara at Clarence. Sandali silang nagkatinginan at muling inilipat ang tingin sa matanda. Tinitigan nito si Ciara. Noong gabing kinuna ang anak mo—" hindi muna nito tinuloy ang pagsasalita. Tila nagbago na ang isip dahil nagpakawala na lang ito ng malalim na buntong hininga at iba ang idinutong, "Ama sa ama, anak—" "Put**ng ina! Bakit hindi mo na lang kami diretsahin?" Galit na sumingit si Clarence sa pagsasalita ng matanda dahilan upang sandali itong tumahimik. Naiinis siya sa paulit-ulit na lumalabas sa bunganga nito gayung hindi naman maarok ng utak niya kung ano ang itinutumbok nito. Sandali siya nitong tinitigan. May biglang umusbong na galit sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Pasalamat ka at nandyan si Master William noong gabing tinangay ang anak mo dahil kung hindi baka hanggang kamatayan mong isumpa ang ina mo!" Madiin nitong wika sa kanya. Nagulat silang dalawa dahil sa sinabi nito. Mukhang ito na ang sagot sa
Read more
CHAPTER 63 - SHOCKING REVELATIONS PART 2
Maging si Clarence na kuyom niya ang kamao dahil hindi na rin niya matanggap na maging kapatid si Jano. “Sweetheart, calm down, kakayanin natin ‘to.” Hinalikan niya ang noo nito at niyakap. Nang kumalma na si Ciara, muli niyang binalingan ang matanda na ngayon ay nakaupo na muli ngunit waring nakatulala. “Paano nalaman ni Tito William ang tungkol sa plano ni Jano na dukutin ang anak ko?” tanong ni Clarence. “Dahil na rin sa kanyang kalaban na dating pinuno ng The Blood Mercenaries-ang kinikilalang ama ni Jano.” sagot nito. “Ibig sabihin, ang ama ni Jano ang nag-utos sa kanya upang gawin iyon?” tanong niya. Nakita niyang tumango ang matanda kaya muli siyang nagtanong. “Bakit naman niya gagawin iyon? Hindi niya kilala si Ciara, lalo naman ako. Ano iyon, naging kalaban ko rin ba siya sa negosyo na hindi ako aware kaya gusto niyang maghiganti sa akin?” may himig iritasyon ang boses ni Clarence. “Dahil pareho niya kayong kilala.” sagot agad ng matanda kaya natigilan sila at pareho na n
Read more
CHAPTER 64 - FAMILY BONDING
“Master, ako ito si Lauron, may bisita po kayo.” Pabulong na wika ng matanda sa lalaking nakahiga sa kama nito. Dahan-dahan na humarap patagilid ang lalaki at tumingin kay Lauron ng may pagtataka.“Lauron, saan ka ba nanggaling, ilang araw kitang hinanap.”“Master, kanina lang po ako umalis sa tabi ninyo, nakalimutan niyo na kaagad. Siya nga pala may bisita ako. Sila ang sinabi ko sa inyo kanina na susunduin ko sa airport kaya ako umalis.” Agad niyang kinawayan ang mga biseta upang lumapit.“Mom, tinatawag na tayo ni Uncle Lauron.” Hinawakan ni Ciara ang ina ng makitang hindi ito makalakad ng maayos dahil sa mga nanlalabo nitong mga mata habang nakatingin sa Daddy niya. Ramdam niya ang paghawak ng mahigpit ng kanyang ina sa kamay niya tila ba humihingi ito ng lakas niya upang malapitan ang kanyang ama.“Willam,” Tuluyan ng humagulgol si Amanda na yumakap kay Willam dahil sa sobrang awa rito. Nagtataka si Willam sa biglang pagyakap ng kaedaran niyang babae sa kanya. Binalingan niya s
Read more
CHAPTER 65 - ESCAPE
“Uncle Lauron, meron po ba kayo ng hidden room o, di kaya’y safe basement?” nagmamadaling tanong ni Clarence ng makarating na siya sa kubo. Abala ang lahat sa paghahain ng kanilang dapat sana ay pagsasaluhan ngunit tila hindi matutuloy dahil sa panganib na sasalubong sa kanila. Nagtataka ang lahat at sa kanya lamang naka focus ang mga mata.“Hon, Bakit? May problema ba?” nagtataka na tanong ni Ciara. Kinuha niya si Baby Adler mula sa kandungan ng Daddy Willam niya at kinarga ito.“Sweetheart, parating ang mga kalaban. Dalhin mo ang mga bata sa ligtas na lugar.”“Huh?” Nakaramdam ng takot si Ciara para sa mga anak niya. Mabuti sana kung sila lang dalawa ni Clarence ang magkasama ngayon dahil matapang siyang harapin ang mga kalaban. Ngunit sa puntong ito natatakot siya para sa kanyang buong pamilya.Inikot ni Clarence ang kanyang mga mata. “Listen everyone. We have to leave this place now, may paparating na kalaban!”Nasindak ang lahat dahil sa narinig. Ang mga tauhan nila ay nagsihanda
Read more
CHAPTER 66 - SIBLINGS (CLARENCE VS JANO)
“Master, saan diyan si Jano sa mga nakamaskara?” nalilitong tanong ni Brando habang nakatingin sa mga nakamaskara na lalaki na papunta sa kanilang direksyon. Kasalukuyan silang nasa likuran ng malaking Drum. Binuhat nila kanina ang wheelchair ni William ng mag-paulan ng bala ang kanilang kasamahan at ginantihan rin ng kanilang mga kalaban. “Hindi ko alam; pero malaman natin kapag nahuli natin sila,” sagot ni Clarence habang naghahanda upang dakmain ang limang lalaki na dadaan sa kanilang kinaroroonan. Sinadya niyang hindi barilin ang mga ito, upang mahuli nila ng buhay ang kanyang kuya Jano. Binalingan niya si William, nanatili lang itong nakaupo sa Wheelchair habang tulalang nakatingin sa kawalan. Tila unti-unti ng nawawalan ng buhay ang mukha nito. Muli niyang itinuon ang pansin sa dalawang lalaki na papalapit sa kanila. “Urgh,” “Urgh..” “What a fuck..urgh!” Nasindak ang mga lalaki ng sabay-sabay silang pinag-untog ni Clarence. Tumulong na rin si Brando upang patumbahin ang mga
Read more
CHAPTER 67 - THE TRUTH OF ALL THE TRUTH
“Crystal, ano, nakuha mo na ba lahat ng pera?” Malapad ang mga ngiti ni Crystal na binuksan ang dalawang attache case. Ang isa nito ay puno ng mga ginto at dyamante samantalang ang isang case naman ay puno ng milyones na pera.“Nakita mo ba lahat ng ito, Norkis? Mayaman na tayo!” “Talagang hindi ako nagkamali sa pagpili sa’yo, Crystal. Talagang maasahan kita.” nakangising wika ni Norkis sabay halik ng mapusok sa labi ni Crystal. “Nasaan na si Leticia?” maya’y tanong niya.“Hayun, hinayaan ko na silang dalawa ni Monica na makatakas. Kunyari concern ako, naniwala naman ang dalawa.”Napuno ng demonyong tawa ang loob ng chopper na sinakyan ng dalawa Crystal at Norkis. “Teka, paano mo sila napaniwala?” muling tanong ni Norkis.“Syempre, sinabi ko sa kanila ang lahat ng nalalaman ko ayon sa sinabi mo.” Pagyayabang ni Crystal.“Kinuwento mo lahat? Pati yung tungkol sa anak ni Leticia?”“Oo, para lalo silang magkakagulo roon. Pinahatid ko pa nga sila ng Chopper eh. Sinabi kong pinapunta si
Read more
CHAPTER 68 - FATHER AND SON
“Mas Gago ka!” pasinghal na wika ni Clarence habang dinuduro ng daliri nito ang direksyon ni Ryke. “Mas Gago ka, alam mo ba kung bakit? Dahil nagawa mong saktan ang sarili mong pamilya, sa anong dahilan, huh? Sa pagmamahal mo kay Ciara na sarili mong kapatid, o, dahil sa kagustuhan ng iyong ama?” Alin doon sa dalawa na binanggit ko ang pinaka-dahilan mo!?” “Hah, pareho! Minahal ko si Ciara kaya pumayag ako sa tang ina mo na patayin ang binhi mo. Ngunit umeksena itong matandang ‘to,” sabay tingin ng masakit sa putol na mga paa ni William at saka idinagdag. “Alam mo bang gustong-gusto kitang patayin noon? Ngunit hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit pinili ko pa na buhayin ka. Ngunit salamat sa mga paa mo, dahil napaniwala ko si Daddy na patay ka na. Masisisi mo ba ako kung wala akong ibang ginawa kundi patunayan sa Daddy ko na karapat-dapat akong maging anak niya? Simula ng magkaisip ako, siya na ang kinagisnan kong ama. Napaniwala niya ako na patay na ang aking ina at ako lang
Read more
CHAPTER 69 - PAINFUL GOODBYES
“Clarence!” Napatigil si Clarence sa kanyang paglalakad ng marinig ang tawag sa kanya ni Monica. Ngayon pa lang niya naaala na kasama pala nila ang babaeng ito. Itinuring ni Ciara na tunay na kapatid ngunit kasabwat rin pala ni Jano at Lorenz sa pagtangkang pag gahasa noon sa asawa niya. Nakuyom niya ang kamao. Umigting ang mga panga niya at pilit kinokontrol sa sarili ang galit. Hindi siya lumingon, bagkus hinintay niya ang gusto nitong sabihin sa kanya. “Clarence alam kong malaki ang kasalanan na ginawa ko kay Ciara dati. Alam kong hindi sapat ang pagbayaran ko sa kulungan ang labat ng ginawa ko, pero siguro mas nanaisin kong doon na lang din mamatay upang maging gumaan man lang ang bigat na nararamdaman ninyo.” Nagpahid ng luha si Monica. Nakita niyang hindi pa rin lumilingon si Clarence sa kanya, ngunit alam niyang hindi siya karapat-dapat na pag-aksayahan ng oras. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Maraming salamat Clarence. Pakisabi kay Ciara, humihingi ako ng tawad sa
Read more
CHAPTER 70 - LETTING GO
“Daddy, maraming salamat, dahil sayo kung bakit kasama pa rin namin ngayon si Clyde. Maraming salamat sa buhay na binuwis ninyo para sa amin. Aaminin ko, gusto kong magtampo dahil isang araw lang tayo nagkita, ngunit yun din ang araw na iniwan mo ako. Lumaki na rin ako na sabik sa pagmamahal ng isang ama Dad, ngunit naiintindihan ko kayo kung mas pinili mong samahan si Kuya Jano kaysa sa amin ni Mommy. Alam kong kahit nandyan ka, patuloy mo pa rin kaming ginagabayan ng pamilya ko.” Tinuon niya ang mga mata sa tombstone ni Jano. “Kuya, inaamin kong hanggang ngayon, galit pa rin ako sa’yo, ngunit unti-unti ko ng tinuturuan ang sarili ko na patawarin ka. Masakit lang kasi dahil ikaw, pinaglaruan ng tadhana sapagkat napunta ka sa maling tao, ngunit ako, pinaglaruan mo ang kapalaran ko, kuya. Lahat ng masakit na nangyari sa akin ikaw ang naging dahilan. Ngunit hindi kita masisisi, dahil tulad ko, naniwala ka lang din sa taong itinuturing mong pamilya. Kung meron man akong ala-ala na magaga
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status