All Chapters of The Billionaires' Secret : Chapter 241 - Chapter 250
311 Chapters
Book 8: Chapter 24-Pagkataranta
NAPABALIKWAS ng bangon si Amalia nang magising. Sa lamesa agad ni Max dumako ang kanyang paningin at hinanap ang bagay na nasa panaginip. Bakas sa mukha ni Max ang pag-alala nang mapalingon sa gawi niya. "Nasaan ang flowers ko?" Galit niyang tanong sa nagulohang binata dahil sa kanyang inaakto. Tinulak niya ito nang tangkang yayakapin siya dahil gumiwang siya mula sa biglaang pagtayo. Hindi niya maintindihan ang sarili nang gumising at hindi mahanap ang gustong makita. Kumakalam ang sikmura niya at nahihilo."Huwag mo na iyon hanapin dahil ipinatapon ko na." Pabaliwalang sagot ni Max at sinubukan muling hawakan ang dalaga ngunit bigla itong bumunghalit ng iyak. "Nagpabili na ako ng bagong bulaklak kaya huwag ka nang magalit." Pang aalo niya dito ngunit umupo ito sa sahig at parang batang naglupasay doon habang umiiyak."Ayaw ko nang galing sa taong napilitan lang bilhin, ibalik mo iyon dahil akin iyon!" Bulyaw niya sa binata hanang patuloy sa pag-iyak."Darn! What are you doing, wi
Read more
Book 8: Chapter 25-Gulo sa emergency room
"SINO po ang asawa ng pasyente?" Iginala ng may edad na doctor ang tingin sa lahat ng naroon sa labas ng emergency room."Kumusta na po siya, Doc?" hindi na inintindi ni Max kung sino ang hinahanap ng huli. "Kailangan ko po makausap ang asawa niya." Magalang na sagot ng Doctor sa kaharap."Ahm, doc," lakas loob nagsalita si Wigo. Nag-alala siya na baka mapagkamalan na tatay ni Amalia si Max at masuntok pa ito ng huli."Ikaw po ba ang asawa? Sumunod ka po—""Naku, hindi po!" mabilis na putol ni Wigo sa iba pang sasabihin ng manggagamot. Mabilis niyang itinaas ang dalawang kamay nang matuon sa kanya ang matatalim na mga titig ni Max. "Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na siya ang asawa ng pasyente." Tinuro niya si Max gamit ang kanyang nguso at mga mata ay nakatutok kay Max. Ayaw niyang gamitin ang daliri at baka biglang maabot iyon ng huli at baliin."Ohh, sorry!" Bahagyang iniyuko ng Doctor ang ulo kay Max. " Congratulation po dahil maging tatay ka na.Nagugulohan na inabot ni Max a
Read more
Book 8: Chapter 26--Pustahan
"PWEDE mo nang bitawan ang mission mo kay Amalia." Kausap ni Dexter kay Wigo.Nakahinga ng maluwag si Wigo at masaya dahil maganda ang results ng kaniyang mission kahit na nakatikim siya ng suntok sa mabagsik na dating heneral. Bukod sa bonus na makukuha ay may pustahan pa na siya ang panalo. Nakangising tinignan niya isa-isa ang mga kapustahan at mukhang mga natalo sa sabong ang mukha ng mga ito."Pambihira, bakit kasi hindi gumamit ng protection si Mareng Amalia?" nakasimangot na reklamo ni Cris habang dinudukot sa walet ang sampung libong piso. Sabi ko naman kasi sa inyo na huwag na akong isali sa pustahang ito at masama ang sugal." Segundang reklamo ni Ruel at fifteen thousand naman ang natalo sa kaniya."Hindi ko naman kasi akalaing bumigay si Amalia. Ang akala ko ay may allergies na siya sa lalaki." Kumakamot sa batok na turan ni Jay dahil siya ang naglakas loob na unang nakipag pustahan kay Wigo. Malaki ang nawala sa kaniya dahil triple ang kaniyang pusta. Si Cris naman ang hu
Read more
Book 8: Chapter 27-Talas ng dila
"ANO ang problema, Joy?" iritableng tanong ni Nam sa pinsan nang magdabog ito sa kaniyang harapan."I hate her! Bakit siya pa? Marami namang mga babaing mas nababagay sa kaniya." Maktol ni Joy sa harapan ng pinsan."Pride na lang ang umiiral sa iyo kung bakit hindi mo mabitiwan si Max. Hindi mo matanggap na isang katulad ni Amalia lang ang ipinalit niya sa iyo."Inirapan ni Joy ang pinsan dahil pinamumukhaan pa talaga siya nito. Tama ito, mas nangingibabaw ang pride sa kaniya ngayon at insulto sa kaniyang pagkababae na mas minahal ni Max si Amalia. Ang babaeng isang disgrayada at hindi pa nakakaangat sa buhay."Huwag mo nang hinataying makagawa ka ng kasalanan, Joy. Lalo mo lamang ibinababa ang iyong sarili dahil ipinipilit sa taong ayaw na sa iyo." Patuloy na paninirmon ni Nam sa pinsan.Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Joy upang mabawasan ang paninikip ng dibdib dahil sa sama ng loob. May punto naman ang pinsan, maganda siya at may pera. Dagdag pang may tinapos sa magandang
Read more
Book 8: Finale
"Sorry kung hinayaan kitang si Wigo ang kasama mo kanina papunta rito. Hindi sana mangyari ang lahat ng ito kung ako ang nakasama mo sa pagharap sa babaeng iyon."Napalabi si Amalia at inirapan si Max. Sobrang higpit pa ng yakap nito sa kaniya na para bang takot na may humablot bigla sa kaniya."Hello po, daddy!"Napataas ang kilay ni Wigo nang marinig ang tawag ng anak ni Amalia kay Max. Hindi niya alam na close na pala ang dalawa. Kita niya rin ang pagkagulat sa mukha ni Amalia habang nakatitig sa anak nito."Pumasok na kayo sa loob at mainit na dito." Anyaya ni Loida sa lahat at nagpatiuna na sa pagpasok sa bahay. Ang apo ay nagpabuhat na sa lalaking alam niyang magiging ikalawang ama nito."Hello, My Princess, are you okay?" Malambing na tanong ni Max sa bata habang hinahaplos ito sa pisngi."Takot po ako kanina, daddy, kasi may bad old woman na gusto akong kunin."Nagkapalitan ng tingin sina Wigo at Amalia dahil parang may sariling mundo na ang dalawa. Mabagal ang mga hakbang nil
Read more
Book 9: Chapter 1-Wigo's past and present
KING inang buhay 'to oh!" naibulalas ni Wigo nang makaapak siya ng tae ng baka. Naroon siya ngayon sa isang lalawigan ng Iloilo upang mag imbistiga ukol sa rapest umano ng mga hayop. "Wala na bang ibang kaso na mas malala pa dito?" Naisigaw niya sa kawalan dahil sa frustration. Muli siyang napayuko ng ulo at tiningnan ang nadumihang sapatos."Huli kang rapest ka!"Daig pa ni Wigo ang natuklaw ng ahas nang pagtunghay niya ay ulo ng baril ang nakatutok sa kanyang mukha. "Anak ng tokwa, ako? Rapest? Sa poging kong ito?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa kaharap habang tinuturo ang sarili."Tsss, kailan pa naging pogi ang rapest ng mga hayop?" tila nandidiring turan ng babaeng may hawak na baril.Naikurap ni Wigo ang mga mata nang mabanaag ng bahagya ang mukha ng babae. Gabi na nang mga oras na iyon kung kaya madilim sa kinaroonan nila. Tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw na tumatanglaw sa kanila ngayon. At dahil nakatalikod sa liwanag mula sa buwan ang babae, hindi mal
Read more
Book 9: Chapter 2-Trespassing
MULA sa kabilang kanto ay may aninong nagmamasid kay Wigo na nakatanghod sa malawak na lupain ng Hacienda Libertad. Katabi ng lupain na iyon ang malawak na farm ng pamilyang Andres."Shit!" He cursed while looking around, ramdam niyang may nagmamasid ng palihim sa kaniya ngayon. Ito rin ang pakiramdam niya noong unang araw niya sa lugar na iyon. "Ang aga naman ng malignong ito!" biro ni Wigo sa kanyang sarili. Bukod tanging siya lang ang naroon kaya ang sarili lang din niya ang kanyang kausap. Napapikit siya ng mga mata nang mapatapat ang paningin sa sinag ng araw. Ngunit naidilat niya rin agad iyon nang may mahagip ang kanyang paningin bago pa maipikit ang mga mata. Kinurap niya ng ilang beses ang mga mata upang sanayin sa silaw ng araw. Sinipat ang lugar kung saan nakita ang anino ng isang tao. "Sino po sila?""Oh darn!" Kamuntik nang mapatalon si Wigo dahil sa gulat nang may magsalitang bata sa kanyang likuran. Naudlot ang paglapit sa lugar kung saan niya namataan ang tao kanina.
Read more
Book 9: Chapter 3-Tour guide
"WIGO?" may pag-aalinlangan na tawag ni Mishelle sa binata mula sa likuran nito."Ano ang ginagawa mo dito sa ganitong oras?" Gulat at naging aroganti ang tono dahil sa gulat nang malingonan si Mishelle."Ako ang dapat na magtatanong sa iyo niyan." Mataray na sagot ng dalaga dito. Napakamot sa batok si Wigo kahit hindi naman makati iyon."Nagpapahangin ako sa biranda nang makita kitang lumabas ng gate kaya sinundan kita," bawi niya nang maalala na bisita nila ito. " Sagutin ka ng pamilya namin kung may masamang mangyari sa iyo dito sa loob ng aming lupain. Hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras dahil hindi mo kabisado ang paligid."Napatikhim si Wigo upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Walang alam ang dalaga kung sino talaga siya kaya hindi niya ito makontra. "Sorry Miss, habit ko lang ang magpahangin sa labas sa gabi kapag hindi makatulog.""I see," ani Mishelle habang tinititigan ang binata. "What happened to your clothe?" Puna niya sa dumi ng damit nito. Doon niya itin
Read more
Book 9: Chapter 4-Mapagparusang halik
"Bingi ka ba?" iritabling tanong ni Rovelyn sa lalaking kaharap. Kanina pa niya ito napansin na tila nakikinig ng palihim sa nag-uusap sa loob ng bahay. Tulad niya ay nakasuot din ito ng sumbrero kung kaya ang kissable lips lang nito ang kanyang nasisilayan. Dumoble ang iritasyong nadarama nang ngumisi ito at alam niyang sa kanyang labi ito nakatingin. Tila slow motion na itinuwid ni Wigo ang nakatagilid niyang ulo at inayos ang suot na sumbrero. Muling humulma ang pilyong ngiti sa kanyang labi nang umawang ang labi ng dalaga. "I know that I have irresistible charm, Miss." May halong katotohanan na biro niya sa dalaga nang matulala ito. Mabilis na inalis ng babae ang suot na sumbrero, na siyang bumura sa ngiting nakapaskil sa kanyang mapaglarong labi. Biglang natulero ang isipan at naisip ang tagpong nangyari isang buwan na ang nakaraan."Ikaw?" malakas na naibulalas ni Wigo na ikinatahimik bigla ng mga mga tao sa loob ng bahay. "Uhmmpp!" Nakulong sa kanyang lalamunan ang iba pang
Read more
Book 9: Chapter 5-Pagpapanggap
"MALINIS ang pagkain na ito. If you don't mind, you can eat this food and accept my present as your housemate." Basa niya sa papel na nakapatong sa itaas ng pagkain. "W?" clueless niyang basa sa isang letter bilang mapagkilanlan sa taong nag iwan ng pagkain. Hindi siya ang tipong basta na nagtitiwala sa isang tao lalo na kung hindi pa nakilala. Hindi niya rin kabisado pa ang lugar na ito kaya kailangan niya mag doble ingat.Bumalik si Wigo sa bahay na tinutuloyan dahil naiwan niya ang kanyang armas. Sinilip niya muna ang kusina bago dumiritso sa kanyang silid. "A typical brat." Nasambit niya sa kanyang isipan nang mapansin na hindi ginalaw ang pagkain na kanyang iniwan. Nakasara ang silid ng huli at hindi na siya nag-abala na katukin iyon upang tanongin. Nagmamadali siya at hindi pa ito ang oras upang magtagpo muli ang landas nilang dalawa as housemate.Agaw dilim na ang paligid, nagpanggap si Wigo na isa sa trabahador ng farm at tumulong sa pagpakain ng mga kabayo."Deputa! Maglant
Read more
PREV
1
...
2324252627
...
32
DMCA.com Protection Status