All Chapters of Ang Rebelde at Ang Sundalo: Chapter 81 - Chapter 90
102 Chapters
 CHAPTER 81
"Tang-ina mong mayabang ka! Balak mo pa akong unahan! Papatyin kita tang-ina mo!" nanginginig sa galit nasigaw niya. Nanlilisik ang kaniyang mga mata.Napapikit ako. Isinuko ko na ang buhay ko. Katapusan ko na!Bago niya iyon napaputok ay nakita kong nagmamadali si Dindo na inagaw ang baril sa kamay ng kuya niya."Anong ginagawa ninyo! Kuya! Uncle, ano ‘to? Napag-usapan natin ito, hindi ba? Bakit may ganito ha?" singhal niya sa dalawang demonyo."Gago! Tang-ina mo! Kung hindi nating unahang patayin yang babaeng sundalo na ‘yan. Tayo ang papatayin niyan. Uunahan tayo niyan at tayo ang magiging kawawa tanga!" Singhal ni Brenan. Nakipag agawan si Dindo sa baril.Nagpambuno sila. Hanggang sa nangibabaw ang lakas ni Dindo. Naagaw niya ang baril."Bakit ba lagi mong inililigtas ang buhay ng babaeng iyan?" singhal ni Brenan."Napag-usapan natin ito kuya! May plano na tayo ah. Kaya nga ako bumaba e."Tumingin siya sa uncle niya. Humihingi ng suporta sa pagpapaliwanag."Uncle, di ba malinaw na
Read more
CHAPTER 82
CHAPTER 82Tama ang direksiyong tinatakbuhan ko. Ito ang sinabi sa akin ni Cedrick dahil malapit daw ito sa main road. Makakahingi ako ng tulong sa mga dadaan na sasakyan ngunit malabo pa iyon dahil batid kong marami silang humahabol sa akin. Kabisado nila ang gubat. Tanging ang liwanag ng buwan ang tanging dinedependahan ko para makita ang tinatalunton ko. Ngunit dahil sa yabong ng mga dahon sa mga sanga ay hindi kaya ng liwanag ng buwan na ilawan ang tinatakbuhan ko. Maaring ang iba ay umikot na para salubungin ako. Ngunit kailangan kong sundin ang direksiyong ibinigay sa akin. Hinanda ko ang baril na hawak ko. Mabilis ang aking pagtakbo nang biglang may malakas na kamay na humila sa akin. Tinutukan ko siya ngunit mabilis niya iyong naagaw.Ayaw ko ng maging bihag muli pero mukhang nasayang ang pinag-isipan naming plano ng pagtakas.Huli na nang matutukan ko ng baril ang humila sa akin dahil mas maagap siyang agawin ang armas ko. Alam kong dati na siyang naroon at inaabangan lang ni
Read more
CHAPTER 83
CHAPTER 83"Saan siya nakaburol. Sasabay na ako sa'yo." Humihikbi kong tanong."Burol? Ma’am, hindi po patay si Rave, Ma’am.”"Buhay si Rave? Buhay pa siya!" Hindi ko alam kung paano ko i-express ang nararamdaman kong saya. "Dindo, narinig mo? Buhay si Rave. Buhay pa si Rave." para akong batang napapatalon sa saya.Niyakap ko si Dame.“Ipagdasal lang natin siya. Kailangan niya ng ating dasal para patuloy siyang lumaban.”“Ibig sabihin nasa panganib pa rin ang buhay niya?”Tumango si Dame. “Ilang araw na kasi siyang walang malay. Comatose siya ngayon, Ma’am. Pero buhay siya at alam kong lumalaban."Ngunit ang marinig itong buhay ay ang tangi kong matagal nang gustong marinig. Nayakap ko si Dindo sa sobrang saya. Tahimik din lang siyang yumakap din sa akin. Lumuluha ang mga mata ko ngunit tumatawa na ako. Para akong nasisiraan ng ulo. Alam kong hindi maganda ang kalagayan ni Rave ngunit ang malamang buhay pa siya ay sapat na para mas magkaroon ako ng pag-asang mabuhay siyang muli. Hangg
Read more
CHAPTER 84
Chapter 84Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga ipinakikita ni Rave na kakaiba. Hindi siya ganoon sa akin. Nang tinanong niya kung sino kami ni Dindo ay alam kong malaki ang naging epekto ng pagtama ng ulo niya sa batuhan. Kinabahan ako."Anong sinasabi mong sino ako? Chief ko, ako ‘to. Hindi mo ako nakikilala?" tanong ko."Hindi? Sino ka? Sino kayo? Ano bang nangyari sa akin? Nasaan ako?" tanong muli niya.Bago ako sumagot ay dumating na si Dame kasama ang doctor ni Rave."Dok? Hindi niya ako nakikilala. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya." Naluluha kong balita sa padating na doctor."Mawalang galang na ho muna pero puwedeng sa labas na ho muna tayo maghintay para ma-eksamin ko pa muna ang pasyente?" pakiusap ng doctor sa amin.Hinawakan ni Dindo ang braso ko. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Muli kong tinignan si Rave. Napakarami ko sanang gustong sabihin ngunit nang inakbayan ako ni Dindo palayo doon ay sumunod ang aking paa palabas sa kuwarto. Bago ako
Read more
CHAPTER 85
CHAPTER 85Wala akong magawa kundi sundin ang gusto niya. Lumingon ako sa kaniya. Napapikit siya ngunit Sheineuloy pa rin ang pagbagtas ng mga luha sa kaniyang pisngi. Masakit ang loob kong tinungo ang pintuan. Pinunasan ko ang aking mga luha bago lumabas."Dame, kailangan ka ni Rave sa loob." Nagulat man si Dame ngunit mabilis pa rin siyang pumasok sa loob.Tumingin sa akin si Dindo paglabas ko. Nagkatinginan kami ngunit hindi ako huminto. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napakabigat kasi ng dibdib ko. Gusto kong sumigaw. Lumabas ako sa fire exit. Mabilis ang aking mga paa paakyat hanggang sa rooftop ng hospital. Huminga ako ng malalim ng naroon na ako. Sumasabog ang dibdib ko. Damn!"Makakatulong kung isigaw mo 'yan para mailabas mo kung anuman ang nasa dibdib mo." Si Dindo. Sinundan niya ako hanggang sa rooftop.Humingal ako hindi sa pagod kundi parang napakahirap sa akin ang huminga.“Ilabas mo lang ‘yan. Nandito lang ako.” bulong niya nang gusto niya akong kayapin ngunit itinulak ko
Read more
CHAPTER 87
CHAPTER 86Tinanggal niya ang kamay kong nakayakap sa kaniya. Kung naalala na niya ang lahat bakit aloof pa rin siya sa akin?"Alam ko ang binabalak mong ipaalala sa akin ang lahat na gustung-gusto ko nang kalimutan. Gusto mong maniwala akong mas mahal mo ako kaysa kay Dindo?”“Dahil iyon naman talaga ang totoo?”“Talaga? Alam mo sa sarili mo, Aya na ginagawa mo lang ito dahil nakapangako ka sa akin na kahit bumalik siya ako pa rin ang pipiliin mo.”“Kailan mo pa naramdaman ang tunay na nararamdaman ko?”“Hindi na ito tungkol sa gusto ng isip mo, Aya. Ito’y tungkol na sa tunay na nararamdaman mo. Gusto mong ipaglaban natin ang pagmamahalan natin kahit alam kong may nasasaktan ng iba? Kahit alam mo sa sarili mo na pati ikaw hindi na magiging masaya? Alam kong narito si Dindo para panindigan ka.”“Inaamin ko, nandito siya para panindigan ako pero sa harap niya mismo, alam niyang ikaw ang pinipili ko.”“Iyon na nga e. Ako ang pinipili at pilit mong ipinapasok iyon sa puso mo kasi alam mo
Read more
CHAPTER 88
CHAPTER 88"Gusto mo ng patunay? Sige. Gagawin ko, sasabihin ko sa kaniya na kailangan na niya tayong palayain. Maghintay ka lang." sagot ko. Hindi man ako sigurado sa nasabi ko ngunit tinanggap ko ang hamon."Sigurado ka?" tanong ni Rave.Pinunasan ko ang luha ko. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko.Kung hindi ko gagawin ito, ang ibig sabihin lang no’n ay tama ang sinasabi ni Rave sa akin. Na si Dindo pa rin nga talaga ang tunay na nasa puso ko. Ngayon ko na kailangan ngang manindigan.“Hindi mon a kailangan pang pahirapan ang sarili mo. Tanggap ko naman na siya ang pipiliin mo.”"Hindi Rave. Patutunayan ko sa’yo. Bigyan mo ako ng kahit isang oras muna. Gusto kong lakasan ang dibdib kong gawin ang desisyong ito."“Huwag mong gawin dahil lang nasabi mo ito sa akin dala ng bugso ng damdamin. Gawin mo pa rin kung ano sa tingin moa ng makapagpapasaya sa’yo. Kung ako ang pipiliin mo, paninindigan kita, kung siya, maluwag sa dibdib kong tanggapin ang pagkatalo. Kaya gamitin moa ng puso mo s
Read more
CHAPTER 89
CHAPTER 89Tumalikod siya at naglakad sa ulan. Lumakas ang pintig ng aking puso. Parang mahihimatay ako sa nasasaksihan ko. Hindi ganoon ang nararamdaman kong tindi ng sakit kanina kay Rave. Iba kay Dindo. Ibang hapdi na halos dinudurog ang puso ko. Pinapatay ng sakit ang aking pagkatao. Natigilan ako nang marinig ko ang pagsara ng gate at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Kasabay ng malakas n buhos ng ulan ang di ko mapigilang pagbuhos ng aking luha.Ang pagsara ng gate ang siyang naging hudyat sa akin para bumalik sa aking katinuan. Basam-basa ang aking mukha sa aking luha. Nanikip ang aking dibdib. Parang sandaling huminto ang tibok ng aking puso. Tumayo ako. Kailangan ko siyang habulin. Pipigilan ko siya. Sigurado akong hindi si Dindo ang dapat mawala sa akin. Hindi ko na kakayaning muli siyang mawala sa akin. Iba yung tindi ng naramdaman kong sakit nang tumalikod siya at tuluyan na niya akong isinuko sa laban. Mabilis ang aking mga paa sa paghakbang hanggang sa paglabas k
Read more
CHAPTER 90
CHAPTER 90"Mahal na mahal kita dude. Sobrang mahal na mahal."Nilingon ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. Inilapit ko ang labi ko sa labi niya. Habang nagpapahinga kami ay sinasamyo namin ang mabangong hininga ng bawat isa.Isang oras kaming nakahiga nang magdesisyon akong kausapin na si Rave. Hindi sapat yung nakita ko kanina sa bintana. Kailangan ko pa ring isatinig sa kanya ang lahan. Bumangon ako. Nagtatanong ang tingin sa akin ni Dindo. Pagkapalit ko ng damit ay bumalik ako sa kama. Umupo ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga."Puntahan ko lang si Rave sa kabilang kuwarto. Kailangan na nga naming tapusin ang lahat.”“Kaya mo na ba?”“Kakayanin ko dahil ito naman talaga ang dapat at tama.”“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.”“Wala ka naman dapat pang sabihin. Pagbalik ko dito, maghanda ka na. Aalis tayo. Simulan na nating lumimot sa hindi magandang mga nangyari. Hindi magandang tignan na nandito tayong apat. Ikaw at tayo na nagmamahalan, si Rave at ako na ma
Read more
CHAPTER 91
CHAPTER 91Nang nakasakay na kami ng bus ni Dindo pauwi ng Tuguegarao ay inakbayan niya ako. Alam kong may sasabihin siya kasi kanina pa siya hindi mapakali."Sige sabihin mo na sa akin kung ano ang kanina mo pa iniisip." Bulong ko."Si Cedrick. Nagtetext siya. Kailangan natin siyang makuha mula sa mga dati kong kasamahan. May matayog na pangarap ang batang iyon at hindi ko siya hahayaang mapunta lang sa wala ang kaniyang katalinuhan. Naawa ako sa pinsan ko.""Iyon din ang iniisip ko. Kailangan natin siyang makuha mula sa kanila."Bago kami tumuloy ng Tuguegarao ay dumaan na muna kami ni Dindo sa Gamu para formal na pagre-resume ko sa aking trabaho. Iniwan ko na muna siya sa bus station dahil hindi ko naman siya puwedeng isama hanggang sa loob ng aming headquarter. Kinamayan at binate ako ng aming commanding officer sa matagumpay naming laban nang nakaraan. Maaring maitatas na ang ranggo ko sa susunod na taong kung magtuloy-tuloy ang matagumpay na pakikisagupa namin sa mga rebelde. No
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status