All Chapters of ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO: Chapter 201 - Chapter 210
258 Chapters
Chapter 103.2
"Bakit mo nga ako tinititigan?" muling tanong nito sa kaniya dahil hindi niya nasagot ang tanong nito kanina. Ngunit sa halip na sumagot ay nag-iwas na lamang siya rito ng tingin at hindi sumagot, hindi niya rin kasi alam ang isasagot niya rito sa totoo lang.Paano ba niya sasabihin rito? O sasabihin nga ba niya? Hindi ba masyadong nakakahiya pag nagkataon? Pero kung pipigilan niya iyon ay baka mabaliw siya."Uhm, ano kasi…" Muli siyang tumingin sa TV at pilit na naghanap ang isang pinakamagandang dahilan para tigilan siya nito. "Sa tingin ko lang medyo katulad ka ng lalaking bida sa TV." sabi na lamang niya."Kung ganun ay may problema na ang mga mata mo." sabi sa kaniya bigla ni Lucas.Sasabihin sana ni Annie rito na tama na dahil artista ang mga iyon at mga sikat. Kahit na gwapo si Lucas ay hinding-hindi siya magiging artista, sasabihin niya sana ngunit pinigil niya ang sarili niya. Hanggang sa ilang sandali pa ay narinig niya ang tinig nito bigla. "Tingnan mo nga ang mukha niya.
Read more
Chapter 104.1
"Lucas, ano bang ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Annie at pagkatapos ay halos hindi makahabol rito. Kulang na lamang ay madapa na siya dahil sa bilis ng paglalakad nito. Ang kinakatakot niya ay baka masubsub siya. Idagdag pa na hinihila siya nito pataas ng hagdan."Dahan-dahan lang Lucas. Baka madapa ako." sabi ni Annie rito ngunit hindi ito naman ito nakinig sa kaniya at nagtuloy-tuloy pa rin sa paghila sa kaniya. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na itong tumigil sa tapat ng kanilang silid at dali-daling hinila siya papasok ng silid. Pagkasara nito ng pinto ay mabilis siya nitong idiniin sa likod ng pinto.Nanlalaki naman ang mga mata niyang napatitig rito. Nalilito, kung ano ang balak ni Lucas sa kaniya."Init na init ako." bulong nito na namamaos ang tinig at habang nakatitig sa kanyang mga mata. Napalunok naman si Annie dahil rito at halos pabulong na sumagot."Kung ganuon, bubuhusan kita ng tubig." sabi niya rito."Hindi na kailangan." sagot naman nito sa kaniya at pagkatapos
Read more
Chapter 104.2
"Talaga ba?" nang-iinis na tanong nito sa kaniya. Umagang-umaga ay nagawa pa nitong asarin siya."Oo naman." mabilis niyang sabi rito."Sabi mo e." Hinawakan ni Lucas ang kanyang kamay at bigla na lamang nitong inilapit sa bibig nito at hinalikan. "Kung ganun, sabihin mo sa akin ngayon kung sino ang mas gwapo, ako o ang lalaking bida sa pinapanuod mo kagabi?" bigla-bigla nitong tanong sa kaniya.Napakunot naman ng noo si Annie at biglang napabuka ang kanyang bibig upang sagutin ang tanong nito.“Pag-isipan mo munang mabuti ang magiging sagot dahil pwede kitang parusahan sa magiging sagot mo.” sabi ni Lucas sa kaniya na nagbabanta.Hindi naman naiwasan ni Annie ang hindi mapangiti dahil sa sinabi nito at pagkatapos ay napapailing na sumagot. “Syempre ang bawat lalaki naman ay may kaniya-kanyang taglay na kagwapuhan.” mabilis na sabi niya rito.Hindi nagtagal ay gumapang ang kamay ni Lucas at mabilis siyang kiniliti nito at hindi niya napigilan ang sarili na hindi mapatawa, dahil sobr
Read more
Chapter 105.1
Nang makita niya ang nasa kanyang harapan ay halos hindi niya makapaniwala. Napaka-romantic at halos malusaw ang puso niya dahil rito. Ang kanyang mga mata ay nagningning bigla at pakiramdam niya hindi totoo ang nasa harap niya at isa lamang panaginip. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa mga oras na iyon.Napaganda, masasabi niya na isa ito sa mga pangarap niya simula pa lamang noong bata pa siya at ngayon ay nasa harapan na niya ito. Halos hindi siya kumurap dahil baka sa isang kurap niya ay mawala ang mga ito bigla. Punong-puno ang buong silid ng napakaraming stuff toys at ibat-ibang klaseng mga manika. Ang iba ay maliliit ang iba ay malalaki na halos mas malaki pa sa kaniya.Napaka-realistic pa ng ilan at habang iginagala niya ang kanyang paningin sa loob ay medyo nakabuka ang kanyang bibig sa sobrang pagkamangha. Ang mga manikang naroon ay ang mga usong mga manika noong bata pa siya. Naroon din ang mga manikang pinapangarap niya lang noon at inaasam na mapasakaniya pero nga
Read more
Chapter 105.2
"Asawa." ulit niya ngunit syempre ay wala na ang salitang mahalat sa puntong iyon ay medyo pasigaw na. Ngunit pagkatapos niyang sumigaw, namumula ang buong mukha niya at kung titingnan niya lang siguro ang itsura niya sa harap ng salamin ay baka kasing kulay na hinog na kamatis ang kanyang mukha."Ganun sana. Narinig ko na." sabi nito sa knaiya at pagkatapos lang nitong magsalita ay lumapit ito sa kaniya. Nang makalapit ito sa kaniya ay mabilis siya nitong inakbayan at binigyan ng isang halik sa noo. “Ang cute ngayong ng asawa ko." sabi nito sa kaniya at pakiramdam niya ay mas lalo lang tumindi ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Hindi siya nakapagsalita. "Kailangan ko pa ring pumasok sa trabaho. Dito ka lang sa bahay ha? At hintayin ako hanggang sa makauwi ako." sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay pinindot pa ang kanyang pisngi.Pagkatapos lamang ng ilang sandali ay tuluyan na ngang umalis si Lucas at sa napakalaking silid, tanging si Annie lamang ang naiwang nakatayo doon mag-isa. As
Read more
Chapter 106.1
Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay hindi ito nanggugulo sa kanila ni Lucas ay dahil pinaalis pala si ito. Bigla tuloy naisip ni Annie ang tawag ni Trisha kay Lucas kagabi, marahil ay kaya ito tumatawag kay Lucas upang magpasundo rito kung nasaan mang lupalop ito ng bansa.Nang mga oras na iyon ay bigla na lamang inilabas ni Alejandro ang isang sobre mula sa drawer at iniabot ito kay Annie. "Tingnan mo ito." sabi nito.Ang unang pumasok sa isip ni Annie ay baka ito ay isang bagay na iniwan ng kanyang lolo para sa kaniya kaya agad niya itong binuksan. Ngunit nang makita niya ang mga larawan sa loob ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata at hindi siya agad nakapagsalita. Natulala siya na napatingin sa mga larawan."Dad, itong mga larawang ito? Totoo ba ang lahat ng ito?” gulat na gulat na tanong ni Annie at hindi makapaniwala habang nakatingin sa mga larawan na sa mga oras na iyon ay nakakalat na sa mesa. Ang lahat ng larawan ay larawan ni Trisha.Bagamat alam niyang hindi ganun
Read more
Chapter 106.2
Katulad nga ng hula ni Annie ay tama siya dahil pumunta ito doon para humingi ng tulong kay Alejandro dahil kahit papano ay kamag-anak pa rin naman daw sila ng mga ito.Sa mga oras na iyon ay napakahirap ng buhay ng mga ito lalo na at naubos na ng mga ito ang pera na iniwan ng ama nito kaya kinapalan na nito ang mukha nito at nagpunta doon.Nang hindi makuha ni Cathy ang gusto niya pagkatapos niyang makausap si Alejandro ay biglang umusok ang tenga niya sa galit. Halos ipagtabuyan pa siya nito paalis doon kaya nagmartsa siya palabas ng study room nito na nakakuyom ang mga kamay at nagngingit ang kalooban. Napatigil siya sa mismong pinto ng silid at halos mag-apoy ang kanyang mga mata at muling nilingon ang pinto."Annie, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi namin aabutin ang ganito. Pero dahil sayo ay nabigo ang lahat ng plano ko, kaya ipinapangako ko na hindi ko hahayaan na maging masaya ka." sabi niya ng mahinang tinig habang galit na galit siya.A
Read more
Chapter 107.1
Pagkagaling ni Annie sa mansiyon ng mga Montenegro ay kaagad siyang umuwi sa bahay nila ni Lucas. Bigla siyang napabilang ng wala sa oras kung ilang buwan na ang tiyan niya ng mga oras na iyon at doon niya nalaman na three months na pala siya ngayon.Nitong mga nakaraang araw ay mas lalo pa siyang naging antukin kaya pagdating niya lamang sa kanilang bahay ay kumain lang siya ng tanghalian at kaagad siyang nagtungo sa kanilang silid at nahiga. Pagkahiga niya ay agad siyang nakatulog.Hindi siya nakatulog nang maayos dahil sa kanyang panaginip. Bigla kasi siyang nanaginip na may humahabol sa kaniya kaya takot na takot siya. Patuloy siyang tumakbo. Tumakbo siya ng tumakbo ng walang katapusan kahit na pagod na pagod na siya. Nagising lang siya nang bigla na lamang kumalabog ang pinto.Dahan-dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata at pagkatapos ay napatingin sa pinto. Agad niyang nakita doon si Lucas kaya agad siyang nagpaskil ng ngiti sa kanyang mga labi. Kaya lang ay nang makita niya
Read more
Chapter 107.2
May ilang segundo nitong kinalikot iyon bago nito tuluyang ini-abot sa kaniya. "Tingnan mo, tingnan mo kung ano ang ginawa mo. nagmamaang-maangan ka pa talaga." sabi nito sa kaniya.Samantala ay wala naman sa sariling kinuha ni Annie ang cellphone nitong inaabot sa kaniya at pagkatapos ay agad niyang tinignan ito. Agad niyang nakita na isa iyong artikulo tungkol kay Trisha at kalakip nito ay ang mga larawan nito noong nasa ibang bansa pa ito kaya agad siyang natigilan. Hindi niya rin napigilan na manlaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwala.Paano napunta doon ang mga iyon? Hindi ba at pinunit na niya ang mga iyon kanina at pagkatapos ay itinapon niya sa basurahan sa labas ng study room ng ama ni Lucas? Nangako rin naman ang DAddy nito na nirerespeto nila ang kanyang desisyon kaya nasisiguro niya na hindi nila gagawin ang bagay na ito. Kung hindi sila ang gumawa nito? E sino? At bakit siya ang pinagkakasalanan nito samantalang ni wala na nga siyang balak na ipakita ang mga
Read more
Chapter 108.1
Agad na sinagot ni Lucas ang tawag. Pagkalagay niya ng kanyang cellphone sa tapat ng kanyang tenga ay kaagad niyang narinig ang naghihisteryang tinig ni Cathy sa kabilang linya. “Kuya, may malaki tayong problema. Wala si ate Trisha rito sa silid niya.” bakas sa tinig nito ang matinding pag-aalala."Paano mo siya makikita kung masyado kang kinakabahan. Hanapin mo siya.” sabi niya kaagad rito.Agad naman itong sumagot sa kaniya. "May isang grupo ng mga tao kanina ang dumating rito at dali-dali silang pumasok sa silid niya. Kung ano-ano ang mga sinabi ng mga ito kay ate Trisha at alam kong nasaktan siya. Pag-alis ng mga ito ay masaya pa naman si ate Trisha sa harap ko at akala ko ay hindi niya dadamdamin ang mga iyon. Nagpaalam lang ako sandali na bibili ng tubig peor pagbalik ko ay wala na siya." sabi nito sa kaniya. “Kuya anong gagawin natin?” mangiyak-ngiyak na tanong na nito sa kaniya."Hanapin mo siya diyan sa buong ospital, sa bawat palapag. Pupunta na ako diyan para tulungan kang
Read more
PREV
1
...
1920212223
...
26
DMCA.com Protection Status