Share

Chapter One

"Yumi!" rinig kong sigaw sabay katok sa pinto ko, kulang nalang ay lumipad na ang pinto dahil sa malakas nitong pagkatok. I refused to get up, tinabunan ko ng kumot ang aking mukha.

"Yumi gumising ka na dyan kundi paliliguan talaga kita ng mainit na tubig!" napabalikwas naman ako ng upo nang marinig ito, kinukusot ko ang aking mga mata.

"Gising napo!" sigaw ko pabalik habang kinakamot ang ulo ko at pagkatapos ay inayos ko ang magulo kong buhok. 

Agad akong bumangon, naligo at nagbihis, pagkatapos ay bumaba na ako.

"Oh narito napo ang senyorita! Ako pa ang nagsaing at nagluto tas ngayon ako pa ang gigising!? Ginawa mo na talaga akong alarm clock iha!" sermon niya. I secretly rolled my eyes. Mukha ka din naman kasing manok.

Araw-araw palagi nalang ganyan ang bungad, sanay na sanay na ako sa bunganga nya. Pasok sa kanang tenga tas labas sa kaliwa, ganyan lang naman yan, wag dibdibin kasi masasaktan ka lang.

Alam ko naman na ayaw talaga sakin ng step-tita ko, tito ko lang naman ang nag insist na dito ako tumira. Mabait ang tito ko, di gaya ng tita ko na di maabot ang sungay, di ko nga alam kung paano niya pinikot si tito eh.

They adopted me out of pity, nawala na ang nanay ko at di naman mahagilap ang tatay ko, so I don't have a choice but to listen to her rants everyday.

"Bagay naman sa bunganga mo ang trabahong alarm clock." Nanununuya kong bulong.

"Ano yun!?" tanong nya. Agad akong naglakad patungo sa lamesa at kumuha ng egg sandwich.

"Wala." Sabi ko nalang tsaka agad na naglakad papalabas.

"Batang walang modo! Sigurado akong wala kang magandang kinabukasan! Sampid ka lang sa pamamahay na to! Matuto ka namang tumulong dito, di yung palagi ka nalang sa kwarto namamalagi!"

Gusto ko naman talagang tumulong pero kada tutulong ako palagi kayong may sinasabi, nakakarindi na. Kaya bahala na't ganyan ang tingin niya sa akin, wala na akong pake. Sa mata niya isa lang akong bata na sobrang tamad at walang maabot sa kinabukasan.

I take a breath when I got outside the house. Finally, I'm out in hell.

7:30 am, pagcheck ko sa relo ko.

May thirty minutes pa ako para makapunta sa school. Five minutes na akong nag hihintay ng masasakyan pero wala pa din, kaya napag-isipan ko nalang na maglakad papuntang school, twenty minutes walk away lang naman ang school at ang bahay kaya makakahabol pako.

Nilabas ko ang cellphone at earphones ko para makinig ng music.

Naisipan ko ding bisitahin ang Messenger ko at tama nga ang hinala ko na inaamag na ito, gc lang naman ng section namin ang nagpapa-ingay at di naman ako lumalapag dun.

I don't have any friends, maliban kay Zel. She's a dear friend of mine. Siya lang ata ang matatawag kong kaibigan at kung hindi man kami magkaibigan, susunugin ko ang bahay nila sa dami nang kanyang nalalaman.

Nagscroll nalang ako sa F******k pero puro lang naman shared posts at memes ng classmates ko ang naroon, pero nagscroll parin ako dahil wala na akong ibang naisip na libangan.

Nagulat nalang ako nang may biglang humablot sa cellphone ko, at dahil connected ang earphones at cellphone ko parang nadala ang tenga ko sa paghablot ng magnanakaw.

"Aray!" reklamo ko dahil sa sakit. Nagtinginan ang tao sakin dahil sa ginawa kong pagsigaw pero ang mas nakakaagaw talaga saking atensyon ay ang magnanakaw na kay bilis kung makatakbo.

"Takbo ka nang maigi at wag kang magpapahabol sakin dahil pag nahabol kita, patay ka." bulong ko habang hinahabol ang magnanakaw.

Agad nagsihawian ang tao dahil sa nangyari takbuhan, muntik ko na syang maabutan pero bigla siyang tumawid sa kalsada. Di alintana ang mga sasakyan, agad din akong tumawid, muntik pa akong masagasaan ng isa sa mga sasakyan.

"Gusto mo bang magpakamatay iha! Kung gusto mong magpakamatay wag sa daan, ako pa ang pagbabayarin mo sa ospital mo!" sigaw ng matandang driver na di ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.

Nagslide pa ako sa harapan ng Ferrari na kotse, walang pakealam kung nagasgasan man ito. Todo mura din ang may ari pero wala naman akong pakialam.

Todo flex sa mamahaling sasakyan eh polusyon lang naman ang ambag nyan sa lipunan. Iisa lang naman ang lalayunin ng sasakyan walang pake kung ito'y mamahalin o hindi, ang mahalaga ay mahatid ka nito sa iyong paroonan ng matiwasay at buhay.

Ipinagsawalang bahala ko muna ang aking iniisip at nagpatuloy sa pagtakbo para maabutan ang magnanakaw. Nakita ko syang lumiko sa isang eskinita kaya agad naman akong sumunod.

Pagkaliko ko, hindi man lang nabahiran ng pagkatakot ang aking pagkatao nang makitang may dalawang kasamahan ang gagong magnanakaw.

May isang lalaki na malaki ang katawan naka itim na sando at pantalon at may malaking tattoo sa braso at may bonnet sa ulo, para pagtakpan ang ulo nyang kalbo. May hawak siyang malaki na tubo. Ang isa naman ay payat, nakaitim na shirt at maong pants tas may nunal din siya sa bibig. Sa tingin ko ay may nakatago siyang swiff knife sa pants niya. At ang magnanakaw ay nakablack hoodie at cap, di ko masyadong naaninag ang kanyang mukha.

I just crossed my arms habol ko pa rin ang hininga ko. I observed them and their actions. I want to wipe off the smirk from their faces. Sobrang yabang.

"Ang tapang mo naman miss, baka sa loob-loob mo nanginginig na kalamnan mo." sabi ng kalbo sabay tawa nilang tatlo, inirapan ko nalang sila.

I hate their laughs.

"Aba'y ang lakas naman ng loob mo para irapan kami, kung sundutin ko kaya yang mata mo!"sabi ng may nunal sa bibig.

Pikon.

I just stared at them, not even scared of the fact that I am outnumbered. There were three of them habang nag iisa lang ako, they have weapons while I have my own fists.

Ilang segundo ang lumipas bago ako nagsalita. "Saan ang cellphone ko?" seryoso kong saad. Tumawa lang sila.

Ang mahal kaya ng cellphone, mas mahal pa kaysa sa buhay nila.

"Kung gusto mong makuha edi kunin mo sakin." sabi naman nung nagnakaw ng cellphone ko.

Tinignan ko ang wrist watch ko at nagulat nang makita ang oras. I'm getting late. At ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang malate sa first day. 

Agad ko silang nilapitan at naalarma naman ang dalawa kaya agad nilang kinuha ang dala nilang armas. Ang hina naman nila, gumagamit ng tubo sa isang babae?

Palapit ako ng palapit lumiliit ang distansya namin, nang biglang may humarang na sasakyan saking harapan.

"Get in." seryosong sabi ng lalaki pero natulala lang ako sakanya.

He has these brown eyes na para kang hinihigop, his eyebrows that are perfectly shaped, his perfect pointed nose, ang kanyang manipis at mapulang labi, all in all I could only say that he is perfectly created by God.

In short, gwapo.

I'm also a normal girl who has fantasies about handsome guys.

"Staring is rude, haven't heard of that?" seryoso nyang saad muli. Napabalik naman ako sa ulirat.

"Anong hinarang-harang mo dyan? Tabi!" naiinis kong saad, kahit gwapo sya wala siyang karapatan pigilan ako sa gagawin ko.

Don't understimate me kasi kahit babae ako marunong naman akong lumaban, I enrolled myself to learn martial arts. I've been trained for years kaya di ako natatakot. I need strength to get my revenge.

Nagulat ako nang bumaba sya sa sasakyan nya at lumapit sakin agad akong naalarma at pumosisyon na parang anong oras ay aatakihin din siya. I need to be sharp, di pwedeng maging kampante ako. I need protect myself.

I became to start being wary of this handsome guy in front of me. Baka kasabwat to?

"Kung ano man ang plano mo, wag kang lalapit sakin." babala ko sakanya pero di sya nakikinig, paliit nang paliit ang distansya naming dalawa. Tumigil siya saking harapan.

"Akin na ang cellphone nya." sabi pa niya nang hindi man lang nililingon ang mga magnanakaw. Pero nanatiling nakatanga ang nagnakaw ng cellphone ko.

"Bingi ka ba! Akin na ang cellphone nya!" 

Napalukso ako sa kinatatayuan ko pati sila dahil sa gulat sa pagsigaw nya. Hindi gumalaw ang magnanakaw at ilang minutong katahimikan ang namayani.

"You know what will happen if—"

"—I-ito na, ito na!" agad din nyang binigay sa lalaking nasa harapan ko ang cellphone ko.

Agad akong hinila ng lalaki at pinasakay sa front seat ng kanyang sasakyan, tsaka siya umikot para makarating sa driver's seat.

What did just happen?

Nakatulala akong nakatingin sa kalsada parang di parin nagsisink ang nangyari kanina.

Yun na yun? Parang yung pawis ko sa pagtakbo kanina nasayang sa isang sigaw lang nya. Bakit takot sila? Is he a goon? Or worst is he a criminal? Nanlalaking mata ko siyang tinignan.

"I'm not a criminal." saad niya habang nakatingin pa rin sya sa daan. Wait what? Mind reader din ba sya?

"I'm not a mind reader, sadyang halata lang sa mukha mo na inaakusahan mo kong kriminal." Oh. Pero pano nya nakita mukha ko kung nakatingin sya sa daan.

"Peripheral vision." tumindig ang balahibo ko dahil sa kanyang mga sagot. Di naman ako nagsasalita pero alam na alam nya ang mga iniisip ko.

Telepathy? Damn, what is he?

Tinignan ko ulit sya, ngayon ko lang napansin na parehas pala kami ng uniform. "Lunaella University?!" I exclaimed.

He glanced at me and back to the road. "Yeah." he simply said.

Di ko alam na tumatanggap pala ng goon ang university ngayon pero ipinagsawalang bahala ko nalang, impossible namang magkaclassmate kami sa laki ng university.

Yeah, as if.

––

Klareynah

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status