MIKAY"I can be your Daddy if you want," nakangiting saad ni Adam saka nito hinaplos ang buhok ng aking anak."Talaga po? Moma, p'wede po?"Nakangiti sa akin si Dal na para bang nakikiusap ito na pumayag ako.Huminga ako ng malalim. "Dal, hindi p'wede.""Moma talaga. KJ."Ayoko naman kasing paasahin ang anak ko. Ayokong ibigay sa kaniya ang saglit na kasiyahan lang. Alam ko naman na nangungulila siya sa aruga ng ama, at kahit hindi niya iyon sabihin sa akin, kitang-kita ko iyon sa kaniya. Naalala ko na naman kung paano kami nag-usap tungkol sa ama niya."Moma, inaaway na naman po ako ni Ceci, wala raw po akong dadi. Putok sa buho raw po ako. Ano po yung putok sa buho?" Sa tuwing ganito ang usapan naming dalawa nanghihina ako ng sobra. Lumapit ako sa kaniya."Anong sabi ko sa iyo sa tuwing sinasabihan ka ng kung ano-ano?""Huwag pong pansinin kasi totoo."Kitang-kita ko kung paano gumuhit ang lungkot sa kaniyang mga mata. Tila may kung ano namang pumiga ng aking dibdib dahil sa naging
DAMONI was busy taking my round when I saw a little girl sitting on the wheelchair, staring at the flowers at the garden alone. She is wearing a pink bucket hat and pink sweater. Parang ngayon ko lang siya nakita. Is she new here? I don't know what got into me to approach her."Hi," nakangiting bati ko sa kaniya.Nakuha ko naman agad ang atensyon niya. Mas lalo akong napangiti nang magsalubong ang aming mga mata. Hindi ko alam kung bati tila bumilis ang tibok ng aking puso."Can I seat beside you?" I ask, still wearing a smile. "Anong pangalan mo?"Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na tila ba pinag-iisipan niya pa kung sasagutin niya ang aking tanong. She looks very innocent. Her eyes are so calm. There's something in her that I couldn't grasp or explain at all. Para bang sobrang tagal ko na siyang kakilala kahit ngayon ko lang naman talaga siyang nakita."Sabi ni Moma, huwag daw akong makikipag-usap sa stranger."Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang kani
MIKAY"Babalik din ako," saad ni Rita.Kakatawag lang ng ama niya at pinapauwi siya dahil may sakit daw si Tope. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya dahil may anak din siyang kailangan niyang alagaan. "Ano ka ba, ang mas mahalaga ngayon ay maalagaan mo naman si Tope. At saka lalabas na rin naman si Dal, do'n muna kami sa bahay ni Lolo.""Pasensiya ka na ah.""Ano ka ba, para kang tanga. Okay nga lang di ba? Huwag kang mag-alala, meron naman akong mga kasama.""Ano ang ipapaliwanag mo sa kanila kapag nakita nila si Dal?"Huminga ako ng malalim. "Ipapakilala ko na siya sa kanila."Napag-isipan ko na bakit ko ba tinatago ang anak ko sa mga pamilya at kaibigan ko? Bakit kailangan ko siyang itago, eh wala naman kaming ginagawang masama ng anak ko. Kung may isang tao man na dapat huwag makaalam sa anak ko ay si Damon lang iyon wala ng iba, at kung sakalin malaman man niya, buong tapang ko siyang haharapin at ipapamukha ko sa kaniya na wala siyang karapatan kahit na mag-asawa pa rin k
MIKAYIlang araw na ang nakakalipas simula nang mag-usap kami ni Damon, at simula no'ng araw na iyon hindi na rin niya ako muling ginulo o nilapitan pa. Sorry? Sa tingin niya ba matatapos na lang ang lahat sa sorry niya? Sa tingin niya kapag nag sorry siya matatanggal no'n ang sakit na ibinibigay niya sa akin? Hindi!"Moma, kailan po tayo uuwi?"Ilang araw na rin kaming namamalagi rito sa bahay ni Lolo, may personal doctor din si Dal na kung saan ay araw-araw siyang chinecheck."Okay naman na po ako. Nakakapag lakad na nga po ako eh."Gusto kasing makasiguro ni Lolo na walang anumang naging problema sa operasyon ni Dal kaya naman nakiusap siya sa akin na manatili muna kami ng kahit na isang buwan lang dito para matingnan lang ng maayos ang anak ko."Konti na lang. Naboboring ka na ba rito?"Natawa ako nang tumango ito."Gusto mong mamasyal?""P'wede na po?""Oo naman."Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa naging sagot ko."Yes! May big mall po akong nakita rito, Moma. Sas
DAMONI'm right all along. I'm damn right! When I first saw her, I already feel it. Buong akala ko nag iilusyon lang ako. Buong akala ko kinakain lang ako ng aking konsensiya. Damn it! I should have known it from the very start. Damn! We have a daughter!"Anong plano mo ngayon? Hindi naman p'wedeng bigla ka na lang ulit bumalik sa buhay nila."Tinangnan ko si Ruby na taas kilay na nakatingin sa akin. Siya ang unang nagsabi sa akin tungkol sa mag-ina ko ngunit hindi ako naniniwala.... hanggang sa ako na mismo ang nakapag patunay nito."Baka sabihin mo tinutulungan kita, hindi. Gusto ko lang maging masaya ang pamangkin ko at mabuo ang pamilya niya. Hindi ako papayag na ang bruhang si Caitlyn pa rin ang maging masaya 'no." She rolled her eyes at me. "Bakit ba kasi hindi mo na lang sinabi ang totoo kay Mikay no'n? Edi sana masaya pa rin kayong dalawa ngayon.""Kung sinabi ko ba sa kaniya ang totoo, mapapatawad niya pa rin ako?""Hindi mo alam. Baka. Kesa naman iyong iniwan mo siya. Iniw
MIKAYHindi ko maiwasang mapabuntong hininga kada maaalala ko ang mga sinabi ni Mama. Makasarili ba ako? Ginawa ko lang naman ang dapat gawin. Ginagawa ko lang naman ito para maprotektahan ang sarili ko... si Dal. Pero bakit pakiramdam ko... mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "Moma, hindi po ako makatulog."Nilapitan ako ni Dal habang pinupunasan niya ang kaniyang mga mata. "Moma, hindi ka rin po ba makatulog? May iniisip ka po ba?" Binuhat ko siya at pinaupo sa aking hita. "Okay ka lang po ba, Moma?" Hinawakan niya ang aking mukha habang titig na titig ito sa akin. "Okay lang ako. Bakit hindi ka makatulog? Maaga pa tayong pupunta sa hospital bukas para sa checkup mo." "Hindi po ako makatulog," simpleng sagot niya. Naaawa rin naman ako sa anak ko sa tuwing sinasabihan siyang walang tatay... nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang malungkot."Anak, bakit hindi ka nagtatanong sa akin tungkol sa kung sino ang tatay mo?"Hindi rin naman kasi kami masyadong nakakap
DAMON"Hi," nakangiting bati ko sa anak ko.Damn! Anak. God knows how happy I am to utter that single word. Isang salita lang ito ngunit ang kasiyahan ko ay abot na hanggang langit. Mas napangiti ako nang simangutan niya ako."Why are you alone? Ayaw mo bang makipaglaro sa mga bata?" tanong ko dahil nga mag-isa lang siyang nakaupo sa pahabang upuang-kahoy.I'm just so happy that I was able to drive them here. Akala ko tatanggihan pa rin ako ni Mikael. Habang nasa sasakyan kami kanina, ginawa ko ang lahat para makapag-usap kami ngunit hindi niya ako inimikan. Naiintindihan ko naman iyon dahil nga galit talaga siya sa akin."Sabi ni Moma huwag daw po akong masyadong magpagod."Hindi ko alam kung baliw na ako sa mga mata niya, pero hindi ko talaga maiwasang mapangiti. Ibang iba ang pamamaraan ng pakikipag-usap niya sa akin ngayon kumpara noong huli ko siyang nakausap. "Kayo po? Bakit kayo nandito sa labas? Nandoon po ang mga oldy sa loob eh. Maglalaro rin po ba kayo?" Hindi ko naiwasa
MIKAY"Moma, papasok na po ba ako?" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa naging tanong ng aking anak, kababalik lang namin at mukhang namiss niya talagang pumasok. "Paano po kung hindi na po ako with honor?"Huminga ako ng malalim. "Anak, magpahinga ka muna. Nakausap ko na rin naman ang teacher mo. At saka huwag kang mag-alala, may honor ka man o wala ikaw pa rin ang pinaka the best para sa akin." Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Ang gusto ko lang ngayon ay mag enjoy ka, okay?""Pero Moma, ginagawa mo lahat para sa akin, syempre gagawin ko rin lahat para sa iyo."Napangiti ako lalo dahil sa sinabi niya. "Oo na sige na, basta huwag mo pa ring kakalimutang mag enjoy. Grade two ka palang anak ah.""Opo Moma. Basta tatalunin ko si Tope."Napailing na lang ako, kahit kailan talaga ang batang ito. Hindi naman ako ganito noong bata ako eh, ang ginagawa ko lang noon ay maglaro at maging pasaway, pero itong anak ko napagsasabay niya ang paglalaro at pagiging aktibo niya sa klase. Mukhang tama