Share

Kabanata 109

MIKAY

"Babalik din ako," saad ni Rita.

Kakatawag lang ng ama niya at pinapauwi siya dahil may sakit daw si Tope. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya dahil may anak din siyang kailangan niyang alagaan.

"Ano ka ba, ang mas mahalaga ngayon ay maalagaan mo naman si Tope. At saka lalabas na rin naman si Dal, do'n muna kami sa bahay ni Lolo."

"Pasensiya ka na ah."

"Ano ka ba, para kang tanga. Okay nga lang di ba? Huwag kang mag-alala, meron naman akong mga kasama."

"Ano ang ipapaliwanag mo sa kanila kapag nakita nila si Dal?"

Huminga ako ng malalim. "Ipapakilala ko na siya sa kanila."

Napag-isipan ko na bakit ko ba tinatago ang anak ko sa mga pamilya at kaibigan ko? Bakit kailangan ko siyang itago, eh wala naman kaming ginagawang masama ng anak ko. Kung may isang tao man na dapat huwag makaalam sa anak ko ay si Damon lang iyon wala ng iba, at kung sakalin malaman man niya, buong tapang ko siyang haharapin at ipapamukha ko sa kaniya na wala siyang karapatan kahit na mag-asawa pa rin k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status