Share

Kabanata 107

MIKAY

"I can be your Daddy if you want," nakangiting saad ni Adam saka nito hinaplos ang buhok ng aking anak.

"Talaga po? Moma, p'wede po?"

Nakangiti sa akin si Dal na para bang nakikiusap ito na pumayag ako.

Huminga ako ng malalim. "Dal, hindi p'wede."

"Moma talaga. KJ."

Ayoko naman kasing paasahin ang anak ko. Ayokong ibigay sa kaniya ang saglit na kasiyahan lang. Alam ko naman na nangungulila siya sa aruga ng ama, at kahit hindi niya iyon sabihin sa akin, kitang-kita ko iyon sa kaniya. Naalala ko na naman kung paano kami nag-usap tungkol sa ama niya.

"Moma, inaaway na naman po ako ni Ceci, wala raw po akong dadi. Putok sa buho raw po ako. Ano po yung putok sa buho?"

Sa tuwing ganito ang usapan naming dalawa nanghihina ako ng sobra. Lumapit ako sa kaniya.

"Anong sabi ko sa iyo sa tuwing sinasabihan ka ng kung ano-ano?"

"Huwag pong pansinin kasi totoo."

Kitang-kita ko kung paano gumuhit ang lungkot sa kaniyang mga mata. Tila may kung ano namang pumiga ng aking dibdib dahil sa naging
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status