Lahat ng Kabanata ng GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version): Kabanata 31 - Kabanata 40
121 Kabanata
KABANATA 31
Masyadong maraming sasakyan ang naka-park sa labas. Halos buong subdivision yata ay napuno  ng mga kotse. Namamanghang napatingin siya sa mga taong nagsidatingan na may mga suot ding maskara. Ang gaganda rin ng mga suot ng mga nakikita niyang papasok pa lang. Dali-daling nagbayad siya sa taxi at namamanghang napatingin sa maliwanag na maliwanag na harap ng bahay ng mga del Espania. May kanya-kanyang escort ang mga dumating. Siya lang yata ang wala. In fairness, hindi naman pahuhuli ang suot niya.Hawak-hawak niya uli ang gilid ng gown para huwag sumayad sa lupa habang nakangiting sumabay na rin sa pagpasok sa loob. Nakita niya agad ang napakalaking stage sa gitna ng bahay na ipinasadya sa event na iyon. Nagpalinga-linga siya pero wala siyang nakikilala ni isa man dahil sa mga maskarang suot ng mga bisita.Napatingin siya sa harap ng stage at may nakita siyang babaeng nakapameywang habang may kinakausap na babae.Si Zara! Ito lang y
Magbasa pa
KABANATA 32
Matagal na napatitig lang siya sa kamay nitong nakalahad sa kanya." Are you here with someone?" medyo inilapit pa ni Kyle ang mukha sa kanya para marinig niya ito.Biglang napatingin siya sa dance floor at nakita niyang papunta si Clyde at Claire sa gitna para sumayaw. Iyon na ang chance niya para makita siya ni Clyde nang malapitan. Agad na bumaling siya kay Kyle at maagap na inabot ang kamay sa lalaki.  Umiling lang siya para sagutin ang tanong nito at ngumiti para sabihing pumapayag siyang maisayaw nito. Natatakot kasi siyang magsalita dahil baka makilala nito ang boses niya.Mas lumuwang ang ngiti ng lalaki at hinawakan na nga nang tuluyan ang kamay niya at iginiya siya sa gitna. Napapitlag pa siya nang maramdaman ang dalawang kamay nito sa beywang niya. Nakita niya nang ngumiti ito nang bahagya sa reaksiyon niya.Siyete! Hind pa yata siya makakaligtas sa pagka-playboy nitong si Kyle. Akala siguro nito ang ganda niya sa likod ng mas
Magbasa pa
KABANATA 33
Umuwi muna sila sa bahay nito para kunin ang mga gamit niya. Ipinakuha na lang nito sa kasambahay nito ang mga gamit niya at naghintay sila sa labas para hindi na sila bumaba ng kotse. Inalok siya nitong du'n na lang matulog pero magalang na tumanggi siya.Hindi na muna siya pinagbihis ni Venus nu'ng hinatid siya pauwi. Kinukunan siya nito ng pictures sa labas ng boarding house at sa kalye pa talaga. Mabuti na lang at wala nang masyadong naglalakad nang mga oras na iyon dahil pasado alas dose na ng hatinggabi." Bagay na bagay talaga siya sa'yo, Nat. Hindi nga ako nagkamaling sa'yo ipasuot ang gawa ko," nakangiting sabi nito habang panay ang kuha ng larawan sa phone.Nahihiya man nu'ng una ay itinodo na rin niya ang pagpo-project habang kinukunan siya ng larawan ng babae. Ngayon lang siya parang naging maganda sa tingin niya kaya't dapat ibigay na niya ang lahat sa sariling nilang pictorials ni Venus.May mga larawang kinukunan din siya nito sa loob ng ko
Magbasa pa
KABANATA 34
Sobra isang oras yata siyang nagbabad sa banyo kinabukasan. Hindi siya tumigil hangga't may naiiwan pa ring kulay ang buhok niya. Mahirap nang magkaroon ng ebidensiya ng kagagahan niya nu'ng isang gabi.Medyo gumaan na ang ulo niya dahil sa ginupit nga ito ni Fenny. Ang dating hanggang puwet niyang buhok ay hanggang kili-kili niya na lang ngayon. Hindi na lang niya pinaalam sa lola niya ang pagpagupit ng buhok.Itinali niya pa rin iyon lahat at wala kahit isang hiblang iniwan kaya't hindi mahahalatang nagpagupit siya ng buhok. Tiningnan niya ang sarili saka inayos ang salamin sa mata. Napatitig siya sa kilay dahil hindi na iyon masyadong makapal saka may korte na rin iyon. Wala pang alas siyete ay umalis na siya para pumunta ng opisina. Ayaw niyang mapagalitan ni Zara. Seven thirty na siya nakarating ng opisina. Dahil masyado pang maaga ay agad na pumunta siya sa cubicle ni Myla. Naging kaibigan na rin niya ang babae. Nagiging routine na niya ang tumambay
Magbasa pa
KABANATA 35
Napanatag na ang loob niya nang hindi na siya kinukulit ni Kyle sa katauhan ng babaeng hinahanap nito na alam niyang- SIYA!Nu'ng mismong araw na inutusan siyang ipagtanong sa mga models kung may nakakakilala ng picture niya ay sinabi niya agad sa lalaki na wala ni isang may alam kung sino iyong nasa larawan. Kinausap niya na rin si Venus na huwag talagang ibuking na siya ang nasa picture. Nangako naman ang babae.Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang naganap ang party at sa kabutihang palad ay parang nakakalimutan na nga ni Kyle ang paghahanap sa kanya. Inutusan siya ni Zara na ihanda ang conference room sa tenth floor. Kapag kasi lumabas na ang special edition ng magazine every month ay nagmi-meeting ang lahat ng big bosses para ma-check at mapag-usapan ng mga ito mismo ang edition na iyon para alam ng mga ito if may mga kulang at mga dapat pagtuunan ng pansin.Mas makapal ang special edition magazine kumpara sa mga weekly magazine lang na pinu-produce ng
Magbasa pa
KABANATA 36
Pumasok siya sa studio kung saan ginagawa ang photoshoot ng mga models. Katatapos lang ng session kaya't kailangan niyang ligpitin ang mga nagkalat na damit sa loob. May isang naka-assign na tumulong kanina sa model sa session na iyon.Natigilan siya nang makitang andu'n pala sa loob si Kyle. Nakaupo ito at nakaharap sa laptop. Sa tingin niya ay ito uli ang nagboluntaryong maging photographer nang araw na iyon. Mas lalo siyang natigilan nang makitang nakatayo sa gilid nito ang isang babae. Napakunot-noo pa siya habang kinikilala ang babae dahil parehong nakatalikod ang dalawa. Maya-maya ay tumagilid ito.Si Claire? Napatuon din ang pansin niya sa isang standee picture na sa tingin niya ay siyang tinititigan ni Claire. Picture niya iyon! In fairness, maganda ang kuha niya roon kahit parang nakayuko siya. Naalala niyang ginawa niya iyon para hindi masyadong ma-capture ni Kyle ang mukha niya. Natatakot kasi siyang makilala siya ng la
Magbasa pa
KABANATA 37
Napahawak pa siya sa dibdib sa gulat niya habang napapikit. Nasa tabi na niya ang lalaki pero hindi pa rin siya dumidilat. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya." Did I startle you?" Huminga muna siya nang malalim bago idinilat ang mga mata at tumingin dito." Bigla lang kasi kayong sumusulpot," nakalimutan pa yata niyang boss niya ito sa sagot niyang iyon.Tumawa lang ito nang mahina saka tumingin sa picture sa harap." Hindi mo pa rin ba maalala kung sino siya?"Bakit ba ang kulit mo, Kyle? " Hindi po. Natanong ko na rin po ang mga models."" I see. How about the gown? Do you think one of our designers made it? I like the style," nanatiling nakatingin ang mga mata nito sa larawan.Natameme siya. Chance na iyon ni Venus na mapansin ang gawa nito. Hahadlangan niya ba talaga ang chance na iyon para maisalba ang sarili?" A-ahmmm... I t-think si Venus yata ang nag-design niyan," hindi niya maatim n
Magbasa pa
KABANATA 38
Inaya siya ni Venus na kumain sa labas kinahapunan. Gusto sana nitong kumain sila sa isang mamahaling restaurant pero sabi niya ay sa isang fast food chain na lang para makapagkwentuhan sila nang hindi naiilang. Gusto niya rin kasi itong makausap sa ginawa nitong pagsisinungaling kanina.Siya sana ang magbabayad sa inorder nila pero hindi ito pumayag dahil may good news din daw ito. Nakahanap sila ng pwesto sa pinakagilid.Pagkaupong-pagkaupo pa lang ay masayang hinawakan na ni Venus ang isang kamay niya na may hawak pa rin ng tray ng pagkain." Thank you so much, Nat!" nakangiting sabi nito saka mahigpit na pinisil ang kamay niya." Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo, eh," nagtatakang sabi niya habang inilagay na isa-isa sa mesa ang pagkaing inorder nila." No, Nat. It should be me. Alam mo bang nagustuhan ni Kyle at ni Mrs. del Espania ang dalawang designs na gawa ko? Kung idinaan ko pa iyon kay "Zira" ay sigurado akong sa basurahan na naman iy
Magbasa pa
KABANATA 39
Mas lalo siyang naging pursigido na ipagpatuloy ang panggagayuma kay Clyde mula nang marinig niya ang usapan ni Claire at Kyle. Ayaw niyang dumating sa puntong makapagdesisyon na si Claire na iwan ang lalaki bago pa niya nakuha ang puso ni Clyde.Alam niya na doon naman talaga patutungo iyon. Konti na lang at bibigay na si Claire. Gusto niyang mainis kay Kyle dahil pilit pa rin nitong binabawi ang babaeng minahal or mahal pa rin yata nito ngayon gayong alam naman nitong ikakasal na ito sa kakambal nito.Sa kabilang banda naman ay naisip niyang dapat lang na kumbinsihin nito si Claire kung talaga namang hindi totoong mahal ng babae ang kapatid nito dahil pareho lang magsa-suffer ang dalawa kung sakaling matuloy nga ang ang kasal ng dalawa.Napabuntunghininga siya habang binabasa ang libro ng lola niya.Siyete, sambit niya sa sarili pagkatapos mabasa ang susunod na gagawin.Kadiri naman iyon? Gagawin niya talaga iyon? Eww!Napatingala pa siya
Magbasa pa
KABANATA 40
Maaga siyang pumasok nang araw na iyon dahil importante ang araw na iyon sa Dynasty Agency. Pupunta ang prospect client nila. Alas siyete pa lang ng umaga ay puno na ang studio ng mga hindi bababa sa sampung models na nakasuot ng mga swimsuit. Kung makuha ng Dynasty ang kilyente na may hawak ng isang malaking kompanya ng sikat na brandy ay sa kanila kukunin ang mga models na ipi-feature ng kompanyang iyon. Kasali sa mga models na andu'n si Venus. Halos lahat ng sinusuot ng babae ay mga sariing designs na nito. Kapag may approval iyon kahit sino man sa mga del Espania ay mismong design niya ang kanyang minu-model. Masaya siya para sa kaibigan.Tumutulong siya sa paghahanda ng mga isusuot ng mga models. As usual, umiikot na naman si Zara sa lahat at mas lalong nagiging terror ito dahil sa kaba nilang lahat. Alas otso raw darating ang mga kliyente at didiretso ang mga ito sa conference room. Dinig niyang si Kyle ang magpi-presenta ng proposals ng Dynast
Magbasa pa
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status