All Chapters of Love and Expectation: Chapter 31 - Chapter 40
88 Chapters
Chapter 17.2
Chapter 17.2Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Gulong-gulo na 'ko. Maraming katanungan gumugulo sa utak ko pero lahat ng iyon ay hindi ko magawang hanapan nang sagot."Trixie," tawag ni Kairo sa atensiyon ko. "Kumain ka na," Doon lang sumagi sa isip ko na hindi ko pa rin pala ginagalaw ang pagkain na inorder niya. Sinulyapan ko 'yon bago dahan-dahan dinampot na hindi tinitignan si Kairo. Ayoko siyang tignan dahil sa t'wing nakatingin ako sa kaniya hindi ko maiwasan makaramdam nang kakaiba.Ayoko nang magpaalipin pa sa nararamdaman nang litseng pusong 'to. Ayokong maniwala dahil una sa lahat hindi dapat ito nangyayari ngayon. Matagal na panahon kong iniwasan na bumalik sa nakaraan dahil puro pasakit lang ang dulot no'n sa akin. Pero kahit anong iwas ko ay pinaglalaruan pa rin ako ng tadhana. Kahit anong pigil ko na huwag makaramdam ulit sa kaniya pero heto at tumitibok na naman ang puso ko. Kahit anong iwa
Read more
Chapter 18
Chapter 18HINDI NA NAWALA sa isip ko ang huling sinabi ni Kaizer pagkatapos niya akong ihatid kagabi. Buong gabi kong inisip ang sinabi niya na siyang naging dahilan kung ba't hindi ako nakatulog nang maayos. Mas lalong nadagdagan ang mga katanungan sa isip ko. Mas lalo lang din nito pinapasakit ang ulo ko. Bakit naman sasabihin ni Kaizer na layuan ko si Kairo? Anong dahilan? May alam ba siya kung bakit biglang nagkaganito si Kairo sa akin? Tinanong ko siya kagabi kung bakit pero hindi niya 'ko sinagot. Pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yun ay nagpaalam na siyang umalis kaya naiwan akong nakatulala sa labas ng bahay namin habang puno ng katanungan ang isip.Hanggang sa nagising ako kinabukasan ay gano'n pa rin ang iniisip ko. Kahit ngayon na kumakain akong mag-isa rito sa cafeteria ay pakiramdam ko nakalutang ako sa ere habang malalim ang iniisip. Gulong-gulo na ang utak ko sa mga biglaang nangyayari sa buhay ko. Ang magulo kong
Read more
Chapter 18.1
Chapter 18.1Hanggang sa natapos ang oras ng break time ay patuloy pa ring sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Kairo. Kagabi sinabi rin ni Kaizer sa akin na layuan ko si Kairo tapos ngayon si Kairo naman ang nagsabi na layuan ko si Kaizer. Bakit? Bakit nila kailangan sabihin 'yun? Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit pakiramdam ko may mali? Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa mga naisip. Gusto ko na lang i untog ang ulo ko sa pader para magising ako sa katotohanan at para na rin mapagtanto ko ang mga nangyayari sa paligid. Hindi ko na alam kung anong papaniwalaan ko sa mga sinasabi nila. Ayoko na lang mag-isip gusto ko na lang ipahinga ang utak ko at hayaan na lang mangyari ang lahat ng bagay.Kung ano man ang rason kung bakit biglang nagkaganito si Kairo sa akin malalaman at malalaman ko rin naman 'yun. Siguro hindi pa ngayon kaya mas mabuti na rin sigurong sumabay ako sa trip niya nang sa ganoon ay mas mapapadali p
Read more
Chapter 19
Chapter 19Sabay kaming pumasok ni Irish sa room kinabukasan ng huwebes. Maayos na rin ang gulo sa aming dalawa dahil nakapag-usap kami kahapon. Sinabi ko sa kaniya ang lahat mula sa clinic kung saan kami nakapag-usap ni Kairo hanggang sa mga nangyayari ngayon.Noong una nagalit siya sa akin dahil nagsinungaling daw ako sa kaniya at itinago ko 'yong totoong nangyari sa akin. Hindi ko alam na nalaman niya pa lang nag-away kami ni Krezha dahilan para mapunta ako sa clinic. At 'yong sugat ko sa tuhod ay nakita niya rin pero hindi niya 'ko tinanong. All this time marami pa lang alam si Irish pero nanatili lang siyang tahimik. Sinabi niya rin sa akin na susuportahan niya kung ano man ang gusto ko at hinding-hindi na niya uulitin 'yong ginawa niyang pagtalikod sa'kin. Naghihintay lang pala si Irish na ako mismo ang magsabi sa kaniya lahat kaya humantong kaming dalawa sa hindi pagkakaunawaan."Basta kahit anong mangyari narito lang ako palagi
Read more
Chapter 20
Chapter 20Madilim na nang makauwi ako sa bahay. Dahil sa dami nang ginawa namin kanina ay naabutan kami ng gabi ni Irish. Sunod-sunod kasi ang mga bigayan nang projects ngayon kaya wala kaming choice kundi gawin agad ang mga iyon para hindi na kami mahirapan.Pagod na pagod ang katawan ko nang buksan ko ang pinto ng bahay. Bumungad agad sa akin ang tahimik na living room at ang tahimik na paligid. Iginala ko ang paningin at mapait akong napangiti na wala man lang akong makitang kahit isang anino. What kind of life do I have? Boring? Minsan hindi ko maiwasan ikompara ang buhay ko sa iba. Iyong kapag umuuwi 'yong anak nila tapos sasalubungin sila ng isang mahigpit na yakap ng kanilang mga magulang o di kaya 'yong tipong pagkapasok mo pa lang sa bahay mo ay ingay na ng mga kapatid mo o tawanan nang buong pamilya mo ang maririnig at bubungad sa'yo.That's the kind of life I want. Iyong maramdaman ko na may nagmamahal at nag-aalala sa akin.
Read more
Chapter 20.1
Chapter 20.1Matapos ang kadramahan namin ni Yaya ay sabay na kaming kumain. Hindi ko naramdaman 'yong lungkot at 'yong pag-iisa ko habang kumakain kami dahil panay ang kwento ni Yaya sa'kin ng kung anu-anong bagay. Ikinwento niya rin sa'kin ang kaniyang mga anak at habang tinitigan ko si Yaya na panay ang kwento tungkol sa mga anak niya nakikita ko kung gaano siya ka proud sa kanila. Bakas sa mukha ni Yaya ang kasiyahan at pakiramdam ko nga nabusog ako sa kakatitig sa kaniya kasi nakakahawa 'yong kasiyahan na nakikita ko sa kaniyang mukha.Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng isang nanay na sobrang proud sa'yo? Na handa kang ikwento sa lahat, iyong hindi ka ikakahiya dahil lang sa nagkamali ka, iyong hindi ka sasaktan at hahayaan ka munang magpaliwanag bago husgahan. I envy her children so much. Nagpaalam ako kay Yaya na lalabas muna ako para magpahangin ng matapos kaming dalawa sa pagkain. Kaming dalawa lang ngayon ang narito
Read more
Chapter 21
Chapter 21DOON NA 'KO napamulat nang mga mata pagkatapos marinig ang sinabi ni Kaizer. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Trixie, gusto kita matagal na. I smiled bitterly. No this can't be happening right now. Hindi matanggap ng isip ko ang nangyayari ngayon. Ayokong paniwalaan lahat ng ito."You d-don't know me," was all I can say. Kahit pa may ideya nang nabubuo sa isip ko ay mas pinanindigan ko pa rin ang sarili na hindi niya 'ko kilala. Because for heaven's sake hindi niya ako maaaring makilala!Hindi masasayang ang paghihirap kong magtago sa ibang kaanyuan para lang makatakas sa masakit kong nakaraan. Para lang makatakas sa malupit na taong narito sa mundo. "Sa tingin mo ba talaga hindi kita kilala, hm? Sa tingin mo ba hindi kita nakilala unang kita ko pa lang sa'yo, Trixie?" he asked in a sarcasm way. Tumawa siya nang bahagya pero halata ang
Read more
Chapter 21.1
Chapter 21.1 Napapikit ako ng may lumitaw na ala-ala sa utak ko. Isang ala-ala na kahit kailan ay hinding-hindi ko makakalimutan simula bata pa lang ako. Flashback... "Trixie bilisan mo pumunta na tayo roon!" "Saglit lang, Irish," sabi ko at nilagay na sa bag ang lahat ng mga gamit. Magkakaroon daw kasi ng photo booth ang school namin para raw bago man lang kami makapagtapos sa kinder 2 ay may remembrance kami na mga pictures namin na magkakasama. Ilalagay rin kasi ang mga pictures na 'yun sa memory wall na malapit sa principal office para kapag lumaki na kami ay may balik-balikan kaming mga ala-ala rito. Lahat ng mga classmates ko ay naroon na tanging kaming dalawa na lang ni Irish ang wala pa dahil may tinapos pa akong isang gawain kaya hindi agad ako nakasunod. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ay lumabas na 'ko ng room. Nakita ko roon si Irish sa gilid ng
Read more
Chapter 21.2
Chapter 21.2Mabilis na lumipas ang mga araw. Matapos umamin ni Kaizer sa'kin sa park hindi ko na siya ulit nakita pa. Kahit sa school ay hindi ko rin siya mahanap tanging sina Brent at Kairo lamang ang nakikita kong magkasama.Hindi ko alam kung dapat ba akong makonsensiya dahil pakiramdam ko galit si Kaizer sa akin sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya sa park matapos niyang umamin sa nararamdaman niya. Ano ba kasi ang dapat kong gawin? Gulong-gulo na 'ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko sa mga nangyayari sa buhay ko.Mas lalo lang akong naguluhan nang makitang mas naging extra sweet si Kairo sa'kin at friendly naman si Krezha. Palagi akong sinasamahan ni Kairo sa snacks, lunch at uwian. At kung may vacant naman ako ay palagi niya rin akong nililibre sa caf at pumupunta kami sa library para magbasa nang libro. May minsan pa nga na niyaya niya akong mag kape sa malapit na coffee shop sa school pagkatapos ay ihahatid niya 'ko pauwi at susunduin din naman
Read more
Chapter 21.3
Chapter 21.3Nang makarating kami sa parking lot ng school ay huminto kami sa harap ng kaniyang Audi. Lumapit siya sa passenger seat at binuksan ang pinto"Get in," aniya at nilingon ako. Hindi agad ako nakagalaw at napaawang pa ang labi ko sa narinig.Ano raw? Sasakay ako sa kotse niya? Dahil sa naisip ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi yata kayang paniwalaan ang ideyang sasakay kami sa iisang sasakyan. In my 17 years of existence ito ang unang beses na sasakay ako sa sasakyan ni Kairo."Trixie." Napakurap ako at wala sa sariling inayos ang salamin sa mata nang marinig ang seryosong boses ni Kairo. Tinignan ko siya at ngayon ay nakakunot na ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ako. Marahil ay naguguluhan siya kung bakit hindi man lang ako gumagalaw sa pwesto ko at pumasok sa kotse niya. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya saka napabuntong hininga. 'Wag ka ng maarte, Trixie. Psh. Ito 'yung unang beses na ma
Read more
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status