All Chapters of His Suffered Wife: Chapter 61 - Chapter 70
145 Chapters
Chapter 61
Dahlia’s POV   Nang ma-discharge ako sa hospital ay kaagad kaming pumunta ni Ethan sa mansiyon ng Monte Cristo, kaagad kaming sumakay sa kotse ni John at hinatid lamang kami roon.   “Salamat, John,” saad ko sa kaniya nang makababa kami. Bitbit ko ang pinamili naming grocery para sa lulutuin mamaya. Balak kasi naming mag-samgyup ni Ethan. “ Salamat, pare!” wika naman ni Ethan sa kaniya. Tumango lamang si John at ngumiti sa akin. “Babalikan kita bukas ng madaling araw,” saad niya sa akin kaya napatango na lang ako sa kaniya. “Nasa sa iyo naman ang number ko, hindi ba?” tanong pa niya. “Yup!” sagot ko. “Mabuti, i-te-text na lamang kita,” saad niya sa akin. Halata ang pagkaseryoso ng kaniyang mukha. Kaya naman ay mas nananaig ang kaniyang kakisigan dahil doon. Mas gumagwapo kasi si John kapag seryoso ang kaniyang mukha. Napailing-iling naman ako, pagnasaan ba naman ang sariling pinsan? Mayamaya lam
Read more
Chapter 62
Madaling araw pa lang ay agad na akong nagising, hindi na ako nag-almusal dahil alam kong naroon sina Travis at Emery sa mansiyon. Hindi ko kayang makita sila. Nakaligo na ako at hinihintay ko na lamang si John na tumawag o kaya ay text sa akin. Sabi kasi niya madaling araw ako kukunin dito. Katok na mahina ang narinig ko sa labas ng aking kwarto, napakunot ang noo ko dahil doon. Sino naman ito? Kaagad kong binuksan ang pintuan at nakita ko ang nahihiyang mukha ni Ethan sa akin. "Sorry, nakaisturbo ba ako?" tanong niya sa akin." Napangiti ako sa kaniya at umiling. "Hindi naman, all set na ako at hinihintay ko na lamang si John na tumawag o kaya text sa akin. Napahinga siya ng malalim. "Mabuti naman at naabutan pa kita, akala ko kasi umalis ka na," saad niya sa akin. "Nakakapagtataka nga eh, hanggang ngayon ay wala pa si John, alas singko na ng umaga. Sabi kasi ay madaling araw," saad ko sa kaniya. Napaisip naman si Eth
Read more
Chapter 63
"Dahlia?"  Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ang tingin kay Emery.  "Heto na ang almusal niyo," saad ko sa kanila. Kaagad na umupo si Emery sa pagkakahiga at yumakap kay Travis sa kaniyang beywang. Masakit makita iyon ngunit hindi na lang ako umimik. Wala naman akong magagawa kung 'di ay tanggapin na may hangganan ang pag-ibig at pagsasamahan namin ni Travis. Hindi na ako mahal niya, si Emery na iyon.  Mabilis kong pinatong ang tray sa kanilang bedside table.  "Nagpaluto ako, honey kay Dahlia ng mga almusal. Alam ko kasing pagod ka kagabi," malambing saad ni Emery sa kaniya. Pagod? Saan? Tila ba nadurog ang aking puso dahil sa ideyang pumapasok sa isip ko. Hindi man lang umimik si Travis at sa tingin ko titig na titig lamang ito sa akin.  "Honey?" tanong ulit ni Emery. "B-Bakit mo inutusan si Emery? H-Hindi natin siya katulong, Emery," saad ni Travis. Napasimangot lamang ang babae.  "Eh g
Read more
Chapter 64
"Mukhang malungkot ka, babalik ba tayo?" tanong ni John  sa akin na para bang nang-aasar sa akin. Inismiran ko na lamang siya at inirapan. Panira ng moment itong lalaking ito. "So, bakit ka natagalan? Kanina pa kita hinihintay alam mo ba iyon?" inis kong saad sa kaniya. Kung sana maaga siyang pumunta sa mansiyon ay hindi na sana ako nakagawa ng ikakasakit ng damdamin ko. "Sinundo ko pa kasi si Queen Dahria, nanay mo. Excited na siyang makita ka. Alam mo bang gusto pa niyang sumama sa akin? Hindi naman puwede iyon baka kasi may makakita sa kaniya," saad niya sa akin kaya napangiwi ako.     Hindi ko alam kung ano nga ba ang  aking gagawin ko o magiging reaksiyon kapag nakita ko na ang aking tunay na ina. Ano nga ba ang aking gagawin? Yayakapin ko ba siya? Hahalikan sa pisngi? Ngingitian? Hindi ko alam. Oo, nasasabik ako na makita siya ngunit nahihiya pa rin ako at syempre kinakabahan. Hindi ko namang akalain hindi ko tunay na
Read more
Chapter 65
"Dahlia anak!"Nagulat ako nang marinig na nagtatagalog siya. Yakap-yakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap na lamang ako. Hindi ko alam pero agad na tumibok ang aking puso dahil sa warmth ng kaniyang yakap. Hindi ko maintindihan ang feeling. Kita ko ang pagngiti ng malapad ni John sa amin. Nang kumalas kami ay mas lalo ko pang natitigan ang kaniyang mukha. Napakaamo nito at halatang inalagaan talaga ang kaniyang sarili. Namangha naman ako nang makita ang kaniyang mga mata. Halos pareho ito ng sa akin, kulay hazel nut. Pati ang kaniyang buhok na wavy ay ganoon din."How are you anak? I'm sorry ngayon lang ako nagpakita sa iyo simula noong bata ka pa. I don't want you to get in trouble." Nagsimula itong umiyak sa harapan ko kaya nag-alala ko. Naiilang man ngunit hinawakan ko na lamang ang kaniyang likod para patahanin siya. "Lo siento. Te quiero," saad niya na nagpakunot sa akin. Bigla akong lumingon kay John para tanungin kung ano ang translation no'ng sinabi
Read more
Chapter 67
Nagising ako sa marahang katok sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kakaisip kung tama ba ang aking desisyon na pumuntang Spain. Hindi ko kasi hinangad ang maging prinsesa o kaya naman ay reyna. Ayaw ko ng gano'n dahil sobrang laki ng responsibilidad nito lalo na hawak mo ang buong palasyo ng Austria. Napahinga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Gulat ang rumehistro sa aking mukha nang makita kung sino ang tao sa likod ng pintuan. "Nanay? Ano po ang ginagawa niyo rito?" gulat kong tanong sa kaniya. Ngumiti lamang siya sa akin. "Can I go inside, anak?" tanong niya sa akin na ikinatango ko. Kaagad ko siyang pinapasok, agad naman siyang pumasok at umupo sa aking kama. "Can I talk to you, iha?" tanong niya sa akin. "Opo, a-ano po iyon, nanay?" "Maupo ka rito, anak," saad niya sa akin. Mabilis naman akong umupo sa tabi niya. "I want you to be honest, iha. Nagta
Read more
Chapter 68
Halo-halo ang aking emosyon dahil nasa byahe na kami papuntang Spain. Nakasakay kami sa isang private airplane at asikasong-asiko kami habang nasa loob. Nasa unahan ang aking ina at nasa likod naman kami ni John.Marami rin ang mga pagkaing inihain sa amin, sa harap namin ang isang malaking flatscreen at nanunuod kami ng balita sa Spain. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ng news anchor.“You should learn how to speak Spanish, Dahlia. Para hindi naman ganiyan ang mukha mo kapag makikihalubilo ka sa mga tao roon sa Spain, nakakunot ang mukha,” saad ni John sa akin. Napangiwi ako sa kaniyang sinabi.“I really have to, John. Gusto kong matuto so that I can understand you all,” ngiwing saad ko sa kaniya.“Don’t worry about it, anak. Karamihan sa mga tao roon ay nakakaintindi ng tagalog,” saad ni nanay sa akin na ikinalaki ko ng mga mata.“WHAT? Paano po nangyari iyon?” tanong ko sa kaniya.
Read more
Chapter 69
Scarlet POV Kasalukuyan akong inaayusan ng mga artist. Narito kami sa isang malaking mall na pagmamay-ari ng aking pamilya. Isipin mo iyon hindi ko na kailangan pang mag-shopping ng may bayad dahil libre na raw ang lahat kapag ako ang kukuha. Binigyan din ako ng red card ni John palatandaan na nasa Royal Family ako. Nagtataka nga ako kay John kung bakit black card sa kaniya.“Pansin ko lang bakit black card ang nasa sa iyo?” tanong ko kay John habang nakatingin sa kaniya sa salamin. Inaayos kasi ng artist ang aking buhok para sa welcome party mamaya. Hindi naman kasi puwedeng hindi ako nakaayos, losyang na kasi akong tingnan dahil sa stress sa Pilipinas.  “May apat na card dito sa palasyo. Ang pinakamataas ay ang Black card tanging ang reyna at ang mga anak niya lang ang mayro’n nito. Red card naman ang sa relatives ng pamilya kagaya ko na pinsan mo. Blue card sa mga matataas na empleyado ng palasyo, y
Read more
Chapter 70
Kanina pa ako kinakabahan dahil sa sinasabi sa akin ni John. Hindi ko inaasahang pati rito ay may ‘di gusto pa rin tao sa akin. Nalulungkot ako dahil pati tunay kong kapatid ay kinaayawan ako. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para kaayawan niya ngunit wala na akong paki roon.Sawang-sawa na ako mamalimos ng pagmamahal lalo na sa minamahal ko. Ilang taon din akong nagtiis at naghabol para lang matanggap niya ako ngunit wala pa rin kaya ngayon hindi ay wala na akong pakialam. Ang iisipin ko na lamang ang aking anak, aking sarili at ang mga taong tanggap ako kung sino ako.Narito ako sa dressing room at kasalukuyang binibihisan ng mga designers. Nasa labas si John at naghihintay lamang ito. Ako ang pumili ng aking susuotin dahil alam ko ang damit na babagay sa akin. I graduated as a Fashion Designer kaming dalawa ni Emery. Naalala kong pangarap naming makapunta rito sa Spain at maging sikat na fashion designer ngunit nagkahiwalay kami ng landas dahil matapos ng
Read more
Chapter 71
Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse ni John at tahimik na bumabyahe. Papunta na kami sa palasyo at walang imik na tinatahak iyong daan patungo roon. Alas syete na ng gabi, hindi na namin namalayan ang oras dahil sa rami ba naman ng abubot at pinaggagawa nila sa aking mukha, buhok at katawan. Talaga namang nagsilbi akong prinsesa dahil sa kanila. Masasabi kong maganda ang industriya ng fashion designer dito sa bansa.Isa rin kasi ang bansang ito sa napakaraming sikat na industries sa buong bansa lalo na sa larangan ng fashion.“Naalala ko, bakit pala walang tao doon sa mall na pinuntahan natin kanina?” tanong ko sa kaniya na habang nakakunot ang aking noo. Na-cu-curious nga talaga ako kanina at hindi ko maiwasang magtaka.“Ahh, kasi pinasara muna ang mall dahil dadating ka,” walang lingon-lingong saad ni John sa akin na ikinanganga ko ng bibig. Grabe!“SERYOSO KA?” gulat kong tanong sa kaniya.“Nakakatawa
Read more
PREV
1
...
56789
...
15
DMCA.com Protection Status