Lahat ng Kabanata ng My Sugar Daddy's Brother : Kabanata 81 - Kabanata 90
131 Kabanata
Chapter 79
Nagkaroon kami sa umaga ng final meeting sa mag-asawa. Inayos namin ang bawat detalye ng negosasyon upang sa pagbalik namin ay magdadala na lamang kami ng mga punla at ilang kagamitan sa pagtatanim ng cacao."Mag-iimbita din po kami ng mga trainers at guest speakers para ma-seminar at nang maturuan ang mga magsasaka dito sa tamang pagtatanim at pag-aani ng cacao," sabi ko sa mag-asawang Benito habang nakaupo kami sa isang lamesa malapit sa dagat.Mainit na ang ihip ng hangin mula sa dagat pero hindi kami nagpaawat at nanatili pa doon. Sanay na sanay na din naman ang mag-asawa sa ganito."Okay. Pakipadala na lang sa sekretarya namin ang kontrata." Sasama sa amin bukas pagbalik sa Hacienda Miraflor ang sekretarya nila. Ito ang magsisilbing representative nila sa mga meeting at kukuha ng mga papeles."So, wala na rin naman kaming mga katanungan. Kailangan pa namin puntahan sa site si engineer at architect. Maiwan na namin kayo." Tumayo na ang mag-asawa.
Magbasa pa
Chapter 80
Unti-unti nang nakikita ang mga bituin sa kalangitan nang makalabas ako sa resthouse. Inilibot ko ang mga mata at natagpuan sa buhanginan malapit sa alon ng dagat si Mateo. Nakatayo siya doon talikod sa akin. He is actually throwing stones into the sea. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na lumapit ako ngayon.  I am sure he's mad at me. Mayroon kaming usapan at huli na ako ng isang oras. Tatalikod na sana ako at babalik sa resthouse nang makita ko si Jasmine mula sa hilera ng mga kainan. Naglalakad ito palapit kay Mateo. Bumalik ako at mabilis na humakbang patungo sa tabi ni Mateo upang maunahan ko ito. Mula sa aking gilid ay nakita ko ang pagtigil nito sa paglalakad at ilang sandali pa bago tumalikod at maglakad pabalik. Nang makalayo ito ay saka lamang ako tumingin kay Mateo. Hindi niya ako tinapunan ng tingin pero alam kong naramdaman niya ang presensya ko. Pinagmasdan ko siyang magtapon ng bato sa dagat n
Magbasa pa
Chapter 81
Wala akong tulog sa kakaisip ng sinabi ni Mateo kagabi. Bakit ba kasi hindi niya na lang ako diretsuhin ng rason? Hindi iyong, pinapatagal niya pa at pinapaisip ako. Ang malaki niyang ngiti ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pintuan ng kwarto. Mula sa kan'yang likod ay inilabas niya ang isang pulang rosas. "Good morning." He smiled, revealing his dimples. I can't help but smile as well. "Good morning din," pagbati ko pabalik. Matagal niyang pinagmasdan ang mukha ko bago bumuntong hininga. "I promise to make things right this time," bigla ay sabi niya bago halikan ang aking noo. Tumango na lamang ako. Ayoko siyang kulitin na sabihin ang tunay na nangyari noon. Sasabihin niya rin naman ito pagbalik namin sa hacienda at saka na rin ako magdedesisyon kung nararapat ba'ng bigyan ko ng pangalawang pag-asa ang relasyon namin noon. Matapos mag-agahan ay nagpaalam na kami sa mga tao sa resort. Huli kong nilapitan si Chef Isagani. Nap
Magbasa pa
Chapter 82
Maganda ang sikat ng araw kinabukasan nang bumyahe kami ng sekretarya ng mag-asawang Benito patungo sa Hacienda Miraflor. Kahit papaano'y napapagaan ng maayos na panahon ang kabang nararamdaman ko para sa pag-uusap namin mamaya ni Mateo. Pagdating sa hacienda ay dumaan muna ako kay Manang Dory upang iabot ang mga pasalubong ko galing sa Isla Benito. Kasama ang isang empleyado ko ay ibinilin ko muna sa kanila ni manang ang sekretarya ng mag-asawa. Marami pa akong kailangang emails na i-review at papeles na pipirmahan sa opisina. Sibalubong ako ng guard nang makitang bumaba ako sa kotse. Iniwan ko kay Manong Joel ang mga pasalubong na dala-dala upang ito na ang magbahagi sa mga empleyado at kay Lesie. "Good morning po ma'am," nauutal na sabi ng guard. Ngumiti ako sa kan'ya sa kabila nang pagtataka sa ekspresyon ng kan'yang mukha. Hindi ako madalas bumati pabalik sa mga empleyado ngunit sa nakikita kong pagkabahala sa kanilang mga mata, katulad nang naki
Magbasa pa
Chapter 83
"Meeting adjourn!" Narinig kong sabi ni Veronica subalit nanatiling tutok ang mata ko kay Mateo. Malalim pa din ang paghinga niya, tila malayo ang tinakbo. As if he was chasing someone. "Mauuna na ako sa aking opisina Sandra. If you want to talk about something, feel free to come into my office." Ang sinabing iyon ni Veronica nang tumabi siya sa akin, sa tapat ni Mateo, ang pumukaw ulit ng atensyon ko. Ibinibaling nito ang tingin sa kapatid at matamis na ngumiti.  "Thank you Mateo," makahulugan niyang sabi. Lumabas na ito nang pintuan kasunod ang ilang board members. Naiwan kaming tatlo doon ni Lesie. Mateo looked at me as if he was sorry about something. Mateo was Veronica's representative. Hindi kaya may kinalaman siya sa planong ito ng kapatid.  Hindi niya naman siguro magagawa iyon sa akin. Marahas akong bumuntong hininga. Naguguluhan pa din ako sa nangyayari.  Mariin akong pumikit. Hi
Magbasa pa
Announcement !!!
Hi!  3 days po tayo walang update starting tomorrow. I am currently preparing for my CE Licensure Examination, which will happen after tomorrow. It will be two days.  Back to normal po tayo on November 16. I promise to update 2-3 chapters each day at sisikapin kong maging maganda ang bawat eksena ❤️ Malapit na din po tayong matapos. Baka this month or first week of the next month. Kaunting kapit at hintay na lang 😅   For the meantime, you can check out my first novel, entitled Capturing the Bachelor. Completed na po iyon with free chapter in the end. ---- This is your author Rina.     
Magbasa pa
Chapter 84
Ang matalim at nag-aapoy na titig ni Attorney ang sumalubong sa akin pagpasok sa opisina.  Isinarado kaagad ni Lesie ang pintuan nang makapasok kami. Para ba'ng alam niyang mayroong nagbabadyang galit mula sa kan'yang nobyo. "What happened?" mahinahon ngunit may diin nitong tanong. Hindi ko magawang tumitig sa kan'ya kaya itinuon ko ito kay Lesie. Nakita kong pinandidilatan niya ng mata si attorney, kaya siguro hindi ako nito binulyawan. "I-I'm sorry," nakayuko kong sabi.  Alam kong kasalanan ko. Handa akong harapin iyon ano man ang kapalit, pero sana'y huwag nang madamay pa ang Hacienda Miraflor, kahit alam ko naman na imposible iyon dahil ito ang gustong makuha ni Veronica. "Tinatanong kita Cassandra."  Nakapameywang na siya sa akin kaya pumagitna sa amin si Lesie. Bumuntong hininga si attorney at umiwas na tingnan ang nobya. "Nagipit ang hacienda. Veronica offered help. Ayoko sana, kaso lang wala na ak
Magbasa pa
Chapter 85
Napagpasyahan kong makipagkita kay Mateo sa Top Hill Park. Mapait ang alaala ko sa tuwing dumaraan ako sa lugar na ito at ayokong madagdagan pa ang lugar na matatakot akong bisitahin, dahil may posibilidad na mabahiran ito ng masamang alaala ulit. Nang makapag-park kami ni Kuya Joel ay kaagad kong inilibot ang mata sa paligid. Nakita ko siya sa dati naming pwesto. Nakatayo ito at pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba ng burol. Lakas loob ko siyang nilapitan bitbit ang folder na mula kay Attorney Sheldon. "Mateo." Tumingin siya sa akin gamit ang nagsusumamong mga mata. Hindi pa man ako nagtatanong ay tila nakikiusap na siya. Nagkaroon bigla ako ng hinala. Walang rason ang mga titig niyang ito dahil hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko magawang paniwalaan na mayroon siyang kinalaman sa mga plano ni Veronica.  "Sandra," he said, as if pleading with me for something. Tumabi ako sa kan'ya at ilang sandali din na pinagmasdan ang
Magbasa pa
Chapter 86
Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang kalangitan nang bumyahe ako patungong opisina.It was a bright day, but it felt gloomy.Maaga akong nakatulog pagkatapos akong diretsong ihatid pauwi ni Troy. He didn't utter any words. Nagsalita lamang siya nang tanungin ko kung paano niya nalaman na naroon ako. Pinasundan pala ako ni Lesie.Pag-apak ko sa loob ay kaagad kong naramdaman ang tensyon. Bakante ang opisina ni Veronica, wala pa ito.Pumanhik ako sa aking opisina nang makitang wala si Lesie sa lamesa nito. Sa wari ko'y kausap niya si Attorney Sheldon.Just before I opened my email, I was flooded with messages from stockholders pleading with me to unfreeze their investments.Napahilot ako sa aking sintido. Wala pa akong konkretong plano, bukod sa pagpapatanggal kay Veronica sa kompanya. That' the only way I could think of.Hindi ko pa alam kung ano na ang nabuong plano ni attorney. Sigurado naman akong pupunta siya dito sa opisina
Magbasa pa
Chapter 87
Sa isang pribadong restaurant kami nakipagkita kay Mateo. Napapagitnaan ako ni Lesie at Attorney Sheldon sa lamesa, tila ba pinoprotekhan ako laban kay Mateo, na nakaupo sa aming harapan. Kahit anong gawin nilang pagprotekta sa akin ay nasaktan na ako at patuloy na nasasaktan.Mugto ang mata ni Mateo. Makikita sa kan'yang mukha ang kakulangan ng tulog at pahinga.Binabagabag na kaya siya ng konsyensya niya?"We invited you to this dinner so that we could talk about Veronica and the hacienda."Kahit pa nagsalita na si Attorney ay tutok pa din sa akin ang mga mata ni Mateo. Gusto kong isipin na nasasaktan din siya dahil sa totoong mahal niya ako, ngunit sinong niloloko ko? Kung anuman ang rason ng kalungkutan sa kan'yang mga mata at sa paraan ng titig niya sa akin, sigurado akong hindi iyon pareho sa akin.Hindi siya sumagot kaya namutawi ang katahimikan sa amin. Bumuntong hininga si Attorney at nagpatuloy."Nagsisisi ka ba na nakipagsabwatan
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
14
DMCA.com Protection Status