Lahat ng Kabanata ng My Sugar Daddy's Brother : Kabanata 101 - Kabanata 110
131 Kabanata
Chapter 98
"Wala pa din si Mateo," ani Lesie nang isauli niya sa akin ang mga papeles na dapat ay dumaan muna kay Mateo.Tatlong araw na itong hindi nag-re-report sa opisina. Ayon kay Attorney ay nasa ospital ang mommy nito."Nag-email siya sa akin na baka this day ay pumasok na siya, pero urgent ang mga papers na iyan kaya pirmahan mo na."Tumango ako sa kan'ya at bumalik na sa trabaho. Higit kaming abala ngayon sa mga gawain kaya mabuti nang walang oras si Lesie upang makichismis sa buhay ko.Bago mag-lunch break ay pumasok na nga si Mateo. Nalaman ko iyon dahil dumiretso siya sa opisina ko.Bakas sa mga mata nito ang kakulangan ng maayos na tulog. Marahil ay labis siyang napagod sa pagbabantay sa ina at pag-alala na rin."Can I talk to you for a while?" tanong niya habang nakadungaw ang ulo sa pintuan."Yes, come in." Pumasok ito. Umupo siya sa swivel chair na nasa aking harapan. Tungkol naman siguro sa hacienda ang pag-uusapan namin.
Magbasa pa
Chapter 99
Tanghaling tapat nang dumating kami sa Isla Benito. Kagaya ng aking inaasahan ay malugod kaming sinalubong ng mag-asawang Ginang Lorie at Ginoong Alfredo.Mayroon itong inihandang masasarap na putahe para sa amin kasama ang mga taong inimbitahan ko upang magturo ng tamang pagtatanim ng cacao sa mga magsasaka.Natuwa akong makita si Chef Isagani na siyang naghanda ng pagkain para sa amin."Hindi mo yata kasama si Mr. Seloso as a friend?" kant'yaw nito sa akin. Alam ko kaagad kung sino ang tinutukoy niya.Umiling ako at binago ang usapan sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang inihanda niyang pagkain para sa amin.Sa Benito Resort kami mamamalagi nang ilang araw kaya tiyak ko'ng mag-e-enjoy ang aking mga kasama."Sayang at wala si Mateo. Magaling din magluto ng putaheng lamang-dagat ang binatang iyon," kwento ni Ginang Lorie sa mga kasama ko.Tipid akong napangiti nang maalala ang masasayang araw namin dito ni Mateo. Akala ko nang mg
Magbasa pa
Chapter 100
Dalawang araw na tumagal ang seminar at workshop para sa mga magsasaka, kagaya ng nasa plano. Kaya sa ikatlong araw ay umuwi na ang mga bisita kabilang na si Bia. Nagpaiwan ako upang personal na makita at malaman ang mga pangangailangan pa ng plantasyon."Mabuti naman at hindi ka pa umuwi." Lumapit sa akin si Ginang Lorie at inilagay ang isang fruitshake sa aking lamesa.Nasa dalampasigan ako sa resort at gumagawa ng report. Kailangan ko itong ma-i-send mamaya kay Lesie. "Gusto ko po kasi na maging hands-on sa plantasyon natin dito."Ngumiti si Ginang Lorie at nakipagkwentuhan pa sa akin ng ilang sandali bago ako iwanan doon.Naging abala ako sa paggawa ng trabaho sa buong maghapon. Magdidilim na nang matapos ko ito.Tinanaw ko ang burol mula sa kinatatayuan ko. Maliwanag na doon. Hinihiling ko lang na sana'y mayroong ibang tao dito. Maaga pa naman para sa hapunan kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa itaas ng burol upan
Magbasa pa
Chapter 101
Nagising ako sa ganda ng sikat ng araw kinabukasan. Para bang ibinuhos ng langit ang lahat ng masamang panahon kagabi upang mabigyan niya kami ng magandang umaga ngayon.Naligo na ako at nagbihis. Mayroon raw ilang tao sa isla na gumagawa ng natural na pampataba sa lupa at pesticide. Pupuntahan namin iyon upang makausap.Nagtungo na ako sa hapag pagkatapos makapag-ayos. Doon ay naabutan ko ang mag-asawang Benito kakwentuhan si Mateo.Tumigil sila nang makita ako. Nagbatian kami ng magandang umaga bago ako umupo sa tabi ni Ginang Lorie. Nagtataka itong tumingin sa akin, hindi kasi doon ang aking pwesto.Nagpatay malisya na lamang ako. Sisimulan ko sa mga simpleng bagay ang pag-iwas kay Mateo, kagaya nito. Baka sa ganitong paraan ay makalimutan ko kung anuman ang nararamdaman para sa kan'ya.Subalit tila hindi talaga ako pinapaburan ng tadhana. Pinahiram muli kami ng sasakyan ng mag-asawa. Sumunod na lamang daw kami sa kanila. Gusto ko sanang tumangg
Magbasa pa
Chapter 102
Paulit-ulit sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Mateo. Pilit kong inilalagay ang sarili sa sitwasyon niya, at sa tuwing naiisip ko iyon ay alam kong hindi ko kakayanin. I can't imagine growing up without feeling loved.Pero sa nakikita ko ngayon ay malakas siya. Masaya pa itong makipag-usap sa mga magsasaka na animo'y walang kahit anumang problemang iniinda. Propesyonal nga talaga siyang tunay. Natapos namin ang paglilibot sa dalawang plantasyon sa umaga at ngayong hapon naman ay dumayo kami sa pinakamalawak na taniman sa isla.Halos lahat ay nagsisimula na sa pagsasaayos ng lupang pagtataniman, kasabay nang paglalagay ng bakod sa paligid."Sa susunod po na linggo ay maipapadala na ang mga punla dito." Narinig kong sabi ni Mateo sa mag-asawa. Inasikaso niya na pala iyon habang wala ako sa opisina.Bago kami pumarito ay dumaan na din kami sa lokal na komunidad na siyang mag-su-supply ng natural na pataba sa lupa. Malaking t
Magbasa pa
Chapter 103
Kinabukasan ay maagang umalis si Mateo upang bisitahin ang kan'yang ina. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang samahan si Ginang Lorie sa pagpapagawa ng arko.Alam kong malabo na magustuhan ito ng kan'yang ina dahil mataas ang pag-asa nito na Hacienda Miraflor ang maipapangalan sa kan'ya. If only I had the ability to do so, I would change it to her name. But I have a great deal of affection and respect for Arman's parents, and even more so for Arman himself. I understand how important hacienda is to him, even if it's just a name.Hindi nga lang ito isang pangalan. Ang Hacienda Miraflor ay simbolo ng pagmamahal ni Don Victorino sa kan'yang pinakamamahal na asawang si Doña Miraflor."Sino ba si Amelia?" Ipinagpasalamat ko na ngayon lamang ito itinanong ni Ginang Lorie sa akin at hindi kahapon kung saan kasama namin si Mateo.Hindi naman ito isang surpresa para sa kan'ya. Sigurado lamang ako na tatanggi siya dito, kaya upang huwag na ka
Magbasa pa
Chapter 104
Pakiramdam ko'y lumulutang ako kinabukasan, hindi dahil literal na nasa ere kami sakay ng helicopter, kun'di dahil halos dalawang oras lamang ang naging tulog ko.Tinapunan ko ng tingin ang paper bag na aking dala. Sa loob nito ay naroon ang bagong gawang tsokolate. Maghahating-gabi na ako nakauwi kagabi sa bahay dahil tinapos ko ang lahat ng gawain bilang paghahanda sa pagpunta namin ng Isla Benito ngayon. Imbes na matulog kaagad ay gumawa muna ako ng tsokolate sa bahay. Hinintay ko pa itong tumigas bago ko ibinalot."Are you okay?" tanong ni Mateo sa akin nang mapagtantong pumipikit-pikit na pala ako. Nasa sasakyan na kami ngayon patungo sa resort. Si Manong Elmer ang sumundo sa amin."Oo." Kasabay ng pagsagot ko ay ang paghikab ko."Sorry," paghingi ko ng paumanhin sa kan'ya. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil sumandal na ako sa headrest ng upuan at pumikit.Malayo-layo pa naman ang byahe. Makakatulog pa ako.
Magbasa pa
Chapter 105
Hindi matigil si Mateo sa pasasalamat sa akin hanggang kinabukasan. He was so happy and I am also happy to see that."I cooked breakfast for you," aniya habang isa-isang inilalatag sa lamesa ang mga niluto niyang agahan.Sa mansyon natulog ang mag-asawang Benito kaya kaming dalawa lang ang mag-aagahan ngayon."Thank you." Sa katunayan ay kahit hindi na siya magluto dahil mayroon naman mga taga-luto dito sa resthouse pero pasasalamat niya daw ito sa akin kaya pinabayaan ko na.Nauna na akong magsalin ng pagkain sa plato. Nagdasal muna kami bago sumubo ng agahan. Akala ko'y magiging tahimik ang pagkain namin pero maraming tanong si Mateo sa kung paano ko raw napalitan ang pangalan ng taniman na iyon at kung wala raw magagalit sa ginawa ko."I am sure Arman and Don Victorino were happy seeing how happy you are right now." Ang malaking ngiti sa kan'yang labi ay napalitan ng tipid ngunit matamis na ngiti."I can't wait to tell mom about this."&nb
Magbasa pa
Chapter 106
Hindi pa man sa akin sinasabi ni Troy ay alam ko nang kay Lesie niya nalaman kung saan ang eksaktong lokasyon ko dito sa isla. Ito na rin marahil ang nag-book ng isang kwarto sa villa para sa kan'ya.Masaya sana'ng narito siya dahil alam ko na naging abala ito sa trabaho, at magandang tulong ang pagbabakasyon niya dito sa isla upang mapakawalan ang stress na pinagdaanan ng kan'yang isipan mula sa negosyo nila. Subalit tila hindi katulad ng nailalarawan ko sa aking isipan ang mangyayari. Sa mga naghahamong titigan pa lamang ni Mateo at Troy ay malabo nang maging maganda ang pag-stay namin dito nang magkakasama.Hindi ko maaaring iwasan si Mateo para kay Troy dahil magkatrabaho kami, katulad nang hindi ko maaaring iwanan na lamang basta si Troy dahil kabigan ko siya."Hotdog?""Egg?"Magkasabay nilang iniabot sa akin ang plato ng hotdog at itlog. Kasunod nito ay ang naglalabanan nilang mga tingin sa bawat isa.Hindi ko talaga mainti
Magbasa pa
Chapter 107
Maulan ang umaga ng sumunod na araw. Akap-akap ang sarili dahil sa lamig, bumaba na ako ng hagdanan. Nakaka-isang baitang pa lamang ako ay naririnig ko na ang pagtatalo sa ibaba. Binilisan ko ang paghakbang pagbaba.Naabutan ko sa salas si Mateo at Troy. Pareho silang magulo ang buhok at damit. Sa madaling sabi ay mga bagong gising ito."Magkasama tayo kagabi paakyat dapat dyan sa taas dahil mag-so-sorry tayo kay Cassandra, pero hinila mo ako dito sa upuan!  Nahiga ka at niyakap ako! So don't blame me if you wake up hugging a man!" Nangangalaiting sigaw ni Troy."Wala akong maalala na niyakap kita. Sabi ko 'just a minute, magpahinga muna tayo dito sa salas'. Sumandal ako dito sa sofa tapos nagising na lang ako na magkayakap tayo!" sagot ni Mateo pabalik.Nakahalukipkip akong pinagmamasdan silang magpalitan ng mga salita. Hindi pa rin nila napapansin ang presensya ko kung hindi ako malakas na tumikhim.Tila sila nakakita ng multo sa gulat. Sery
Magbasa pa
PREV
1
...
91011121314
DMCA.com Protection Status