All Chapters of My Vengeful Wife: Chapter 101 - Chapter 110
119 Chapters
Chapter 63.1
NAGKATINGINAN SINA Ynzo Abraham, Veron Stacey at Ginoong Tolledo nang biglang tumunog ang telepono sa munting sala ng bahay ng mag-asawa. Ramdam na nila kung sino man ang tumatawag sa mga oras na iyon.Napatayo silang tatlo at halos mag-unahang lumapit sa tumutunog na telepono. Akmang kukuhanin na iyon ni Ginoong Tolledo ngunit nauna si Ynzo sa paghablot sa naturang aparato.“Hello?” bungad na tanong ng asawang lalaki.Sa halip na tumugon ay isang nakabibinging halakhak ang bumungad sa pandinig ni Ynzo. Naikuyom niya ang kamao at halos magtagis ang kaniyang mga bagang sa labis na galit na nararamdaman. Ang halakhak na iyon. Sino nga ba ang hindi makalilimot sa klase ng pagtawa nito? Huli niyang narinig ang ganoong klase ng pagtawa noong mangyari ang trahedya sa kaniyang asawa at sa sana ay magiging anak nila.“Mr. Thurn...” tugon ni Ynzo. Hindi na kailangan pang itanong kung sino iyon. Sa tono pa lang ng pagtawa nito na tila ba pang-demonyong nasusunog sa impyerno ay alam na ng kahit
Read more
Chapter 63.2
MABILISANG NAGHANDA NG sarili ang mag-asawang Ynzo at Veron. Halos punuin nila ang katawan ng mga makabagong kagamitang naimbento ng mga magulang ni Veron. Lahat ng maaaring gamitin sa pakikipaglaban ay sinuot na nila at alam niyang hindi iyon magiging madali dahil matalinong tao rin ang makakalaban nila.Handa na rin ang motorsiklong si Bembem upang ihatid sila sa lugar na pupuntahan nila. Tiningnan ni Veron ng mabuti ang kabuuan ng motorsiklo at ipinagpasalamat niyang walang anumang sira ang anumang parte ng sasakyang iyon.“Wow, ibang klase talaga ang parents mo, Wifey. They are both genius at nagawa nilang pagaanin ang buhay mo,” kumento ni Ynzo hinggil sa mga kagamitang high-tech na ngayon ay nakalatag sa ibabaw ng kama. Sa dami ng mga iyon ay hindi alam ng lalaki kung ano ang una niyang dadamputin. Para sa kaniya ay napakatalino ng mga magulang ni Veron at siguradong magiging sikat na inventors ang mga ito sa hinaharap kung hindi lang kaagad binawian ng buhay ang mga ito.“Than
Read more
Chapter 64
KARAMIHAN SA MGA eksenang kinikidnap at hino-hostage ay dinadala sa mga abandonadong lugar ngunit kakaiba ang eksenang nararanasan nina Veron Stacey at Ynzo Abraham ngayon. Mula sa mala-underground na pasilyo ay binaybay ng kanilang mga paa ang kailaliman ng batuhang iyon.Madilim roon ngunit habang tumatagal ay may natatanaw na rin silang liwanag sa dulo ng daanang iyon. Walang puwang ang takot at pag-atras sa puso ng mag-asawa. Ang mahalaga sa kanila ngayon ay ang mailigtas ang buhay ng kanilang ina na ngayon ay nanganganib sa mga kamay ni Mr. Thurn. Kilala nila ang taong iyon na walang sinasantong kahit na sino. Kaya nitong pumatay ng kahit na sino sa isang iglap lang.“Welcome to hell, Agents!” Tunog iyon mula sa pintuan na tila isang portal na napasukan nilang dalawa. Halos magkasalubong ang mga kilay ni Veron nang bumulaga sa kanilang paningin ang purong kulay puting silid. Nagliliwanag ang dingding at maging ang kisame niyon dahil sa sobrang kinang.Pasimpleng hinawakan ni Ver
Read more
Chapter 65
“SALAMAT SA DIYOS at nagising rin ang ating bida!” Umalingawngaw ang tinig ni Mr. Thurn sa pandinig ni Veron nang magkamalay siya. Kasunod niyon ay sinundan nito ng sunod-sunod na pagpalakpak ang sinabi na tila ba nasa gitna ito ng isang palatuntunan.Inilibot ni Veron ang paningin at kaagad na nakita ang sarili na nakagapos ang mga kamay at paa sa isang kadenang bakal. Nasa gayunding sitwasyon si Ynzo na nasa di-kalayuan lang, wala rin itong malay na nakasalampak sa sahig. Maya-maya lang ay tila ba naalimpungatan rin si Ynzo at unti-unting idinilat ang mga mata upang magkamalay. Pilit na rin nitong inaalis ang sarili mula sa pagkakagapos sa kadenang bakal.“Wala na kayong magagawa, lovebirds! Kahit na anong gawin ninyo ay mamamatay lang din kayo pagkatapos nito!” humahalakhak na sigaw ng demonyong matanda. Halos mapuno ng usok ang kinatatayuan nito gawa ng tabakong binubuga nito maya’t maya. Halos maubo pa ang matanda dahil sa ginawang pagtawa at malulon ang usok na hinihithit nito.
Read more
Chapter 66
HALOS MANLAKI ANG mga mata ni Veron sa gulat nang ipakilala ni Mr. Thurn ang estrangherong biglang sumipot sa harapan nila kanina. Halos mamilog ang kaniyang mga mata at labi sa labis na gulat nang banggitin nito ang code name ng taong kanina pa niya hinihintay.‘I heard it, right? Is he really Agent Blue?’ hindi makapaniwalang tanong ni Veron sa sarili.Sa tinagal-tagal ng komunikasyon nila ni Agent Blue, ni minsan ay hindi niya pa ito nakita nang harapan. Ang alam lang niya ay isa ito sa mga pinagkakatiwalaang secret agent sa Gem Secret Agency Association at hindi naman lahat ng taong namumuno sa asosasyong iyon ay kilala niya. Mahigpit ang ginagawa ng mga namumuno hinggil sa pagtatago ng seguridad at pagkatao ng mga importanteng tao sa loob ng ahensyang iyon. Kung madali lang gawin iyon, marahil ay matagal na niyang nagawa. Ngunit hindi magiging madali ang lahat hanggat wala siyang nakukuhang kasama at katuwang upang magkaroon ng kaalaman hinggil sa mga bagay-bagay sa loob ng asosa
Read more
Chapter 67
HINDI ALAM NI Veron kung saan nagmumula ang galit ni Agent Blue nang mga oras na iyon. Tila ba sinapian ito ng isang demonyo na bigla na lang nag-alboroto sa harapan niya. Samantala ay abot tainga naman ang pagkakangiti ni Mr. Thurn habang nakaangat ang noo na nakamasid sa pamangkin. Tila ba ipinagmamalaki nito ang ipinapakitang kademonyohan ng lalaki. “Ang lalaking iyan ang sumira ng lahat ng plano! Lahat-lahat ng plano namin ay nasira magmula nang makilala mo ang gag*ng ’yan!” pagpapatuloy ni Agent Blue. Kataka-takang wala man lang naging reaksyon si Ynzo hinggil sa mga pinagsasabi ng lalaking nakasuot ng maskara. Tanging lihim na pagtagis lamang ng kaniyang mga bagang ang nagagawa ni Ynzo habang matamang nakikinig sa lalaki. “Bakit, may karapatan ka bang pigilan ako? Wala naman, ’di ba?” tanging nasabi lang ni Veron habang matamang pinagmamasdan ang lalaki. Sa wakas ay humarap din ito sa direksyon niya. Ngunit hindi pa rin niya makita ang kabuuan ng hitsura nito. Maging ang mg
Read more
Chapter 68
KATAKA-TAKANG WALA man lang anumang naging reaksyon si Ynzo nang makilala kung sino ang estranghero sa likod ng kulay itim na maskara. Taliwas iyon sa bumalatay na gulat at sakit sa kabuuan ni Veron. Dapat siguro ay mas inasahan na niya ang pinakamalalang sitwasyon upang maiwasan na niya ang masaktan ng ganoon ngunit ibang-iba pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na. “Skyler...” halos bulong lang sa hangin ang nagawa ni Veron nang banggitin iyon. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ang dating kasintahan pa ang gagawa sa kaniya ng ganito? She never expect this to happened. Muling nanariwa sa alaala ni Veron ang lahat ng pinagsamahan nila ni Skyler. Everything was just perfect and magical. Malayong-malayo sa isipan niyang mangyayari ito sa kanilang dalawa ngayon. “Hi, Veron...” malamig na bati ni Skyler. Tinitigan ito ni Veron sa mga mata at taliwas rin mula sa inaasahan niya ang ngayon ay pakikitungo nito sa kaniya. Punong-puno ng galit ang mga mata nito at maging ang sariling tin
Read more
Chapter 69
“ILABAS SA SELDA ang babaeng ’yan! Hawakan niyo lang ng mabuti. Mas mahirap naman kung ang dalawang ito ang pakakawalan natin,” utos ni Mr. Thurn sa mga tauhan. Kaagad namang tumalima ang mga nakasuot ng itim na mga tauhan upang ilabas sa bakal na selda si Ginang Tolledo. Wala nang anumang sagabal sa katawan ni Annalisa Tolledo na labis na ikinahinga ng maluwag nina Ynzo at Veron. “Huwag kayong mag-alala. Walang alam sa pakikipaglaban si Mrs. Tolledo kaya safe kung pakakawalan niyo siya. Hayaan natin siyang makipagkuwentuhan sa dalawang iyan bago natin sila patayin.” Kasunod niyon ay humalakhak ng malakas ang matanda. “Mom...” bigkas ni Veron nang makalapit sa kaniya ang ina ni Ynzo. Sa halip na magalit ay isang mahigpit na yakap ang iginawad ng butihing ginang sa kaniya. “It’s okay, Anak. Everything will be alright...” bulong ni Ginang Tolledo sa kaniyang tainga. Nais niyang umiyak sa mga oras na iyon. Tila ba gumaan ang kaniyang pakiramdam nang yakapin siya at aluin ng ina ni
Read more
Chapter 70
“AGENT REX AND Agent Vine, you are incharge on the systems area. Find ways to hack all of their systems from the surveillance cameras ’til the gate passwords. I need everything to be clear right away!” utos ng isang kagalang-galang na lalaking nakasuot ng black office suit. Kasalukuyang nagkakaroon ng mabilisang meeting at agenda ang buong kupunan ng ahensyang Gems Secret Agency Association upang iligtas ang butihing maybahay ng pinuno ng pinakasikat na ahensya ng gobyerno. Naging abala ang lahat sa harap ng kani-kanilang mga computer upang ma-trace ang bagong kinaroroonan nina Ynzo Abraham at Veron Stacey. Bigla na lang kasing nawala ang lokasyon ng mga ito matapos ang unang pag-track nila sa gps connection ng mag-asawang Ynzo at Veron. “Big boss, you have to see this,” bigkas ni Agent O at lumingon ang lahat sa napakalaking screen na biglang kumislap sa kanilang harapan. Makikita roon ang satellite image ng kabuuan ng gusaling kinaroroonan nina Ynzo at Veron sa mga oras na ito.
Read more
Chapter 71
KAHIT KAILAN ay hindi binigo si Ynzo na mapahanga ng motorsiklo ni Veron. Hindi na siya nag-aksaya pa ng lakas upang mapatakbo ito. Sa halip ay ang motorsiklo na mismo ang kusang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ng amo nito. Nang tingnan ni Ynzo ang maliit na monitor sa unahang bahagi ng motorsiklo ay nakita niya ang agwat ng kulay pulang ilaw na naka-indikasyon doon. Palapit na sila nang palapit ngunit patuloy naman ang paglayo sa kinaroroonan nila ng pulang bagay na nasa monitor. Ibig sabihin lang niyon ay may sinasakyan si Veron sa mga oras na ito kung kaya ay naging mabilis ang paglayo nito sa kanila. Napakunot-noo si Ynzo. Sa lawak ng kagubatan na kinaroroonan nila, hindi magiging madali ang pagbyahe doon gamit ang kotse at iba pang sasakyang may apat na gulong lalo na’t naglalakihan ang ugat ng mga punong-kahoy na madadaanan doon. Muntik na nga siyang magsisi sa pagsakay sa motorsiklo ni Veron dahil kanina pa siya palukso-lukso habang nakasakay sa motorsiklo gawa ng mga naglal
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status