Lahat ng Kabanata ng Billionaire's Unwanted Wife: Kabanata 41 - Kabanata 50
72 Kabanata
Chapter 41
Nang matawagan ko si Stella at Marcus ay sinabi kong may emergency at kailangan nilang pumunta sa condo ko. Wala naman silang ibang tinanong pa dahil dali-dali na rin silang umalis sa bahay nila. "Baka mamura tayo ng dalawang 'yon kapag nalaman na pina-prank lang pala natin sila!" natatawang sabi ni Caroline. Nagsisimula na siyang uminom ngayon kaya lang ay wala ako sa mood uminom ng hard drinks kaya naman ang wine na natira namin ni Cristiano ang nilalaklak ko ngayon. "Kung hindi ko sasabihin na emergency ay hindi naman pupunta ang mga 'yon dito," sabi ko naman. "Sabagay. Ang hirap pa naman ayain ng dalawang 'yon lalo na kapag ganitong late na," sagot ni Caroline. Nag-inom lang kaming dalawa roon habang hinihintay ang dalawa naming kaibigan at nai-kwento ko na rin sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin sa buong week na 'yon. No'ng una ay nahihiya pa akong sabihin sa kaniya ang nangyari sa amin ni Cristiano pero nang mag-open up siya tungkol din sa gano'ng bagay ay sinunod ko na
Magbasa pa
Chapter 42
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala roon. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit kinailangan pang maghatid ni Cristiano ng pagkain sa condo ko. "Hindi mo ba tinanong kung bakit niya ako dinalhan ng foods?" tanong ko kay Marcus. "Nope, pero ang sabi niya ay dinaan niya lang daw 'yon para hindi ka na magluto ng breakfast mo ngayon. Akala niya kasi mag-isa mo lang," patuloy na pagkukwento niya sa akin. Napatango naman ako at ikinalma ang sarili dahil baka mahalata pa ni Marcus na kinikilig ako roon. "Magsabi ka nga sa'kin ng totoo, Lily. Kayo na ba ni Cristiano?" mapaghinalang tanong niya sa akin. Sa gulat ko dahil sa tanong niya ay halos mahampas ko siya sa braso dahil kung ano-ano na ang iniisip niya. "Of course, not!" sagot ko kaagad. "Eh paano niya nalaman na mag-isa ka lang dito? Nandito ba siya kagabi?" tanong niya muli. "Paano naman siyang mapupunta rito e kayo ngang tatlo ang nandito?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. "Before we got here. Hindi naman kita huhusgahan
Magbasa pa
Chapter 43
Iniwanan ko nga si Liam doon at hindi ko alam kung sa mismong office ko ba siya maghihintay or hihintayin niya na lang ang tawag ko sa kaniya mamaya. Hindi na rin naman na kasi ako nakapagtanong dahil nagmamadali na akong umalis, pero bukas naman ang office ko para sa kaniya. Itatanong ko na lang kay Janeth mamaya kung saan naghihintay sa akin si Liam. "Good afternoon, Ma'am Architect!" Nagulat naman ako nang makarating ako sa parking area ay naroon na si Romel at Benz. Napaangat ang isa kong kilay at napatingin sa kanilang dalawa na akala mo hindi mga bodyguards dahil sa ayos nila. "Wow! Nakabalik na pala kayo sa duty niyo para bantayan ako?" natatawang tanong ko sa kanila. "Opo, Ma'am Architect! Na-miss niyo po ba kami?" tanong naman ni Benz sa pabirong boses. Natawa ako at napailing bago sumagot. "Actually, no. Bigla nga akong nalungkot ngayon nang nakita ko kayo ulit," sagot ko naman sa pabirong boses ko rin. "Grabe naman, Architect. Bakit naman po?" tanong ni Romel. "I'm
Magbasa pa
Chapter 44
"Alam ko naman 'yon, Liam at kung gusto ko pa rin si Cristiano ay alam ko naman kung hanggang saan ang boundaries ko. Believe me or not, wala na talaga akong gusto kay Cristiano," sunod-sunod kong paliwanag sa kaniya. Hindi kailangan maisali si Cristiano sa usapan namin dahil ang kailangan naming pag-usapan ngayon ay ang sa aming dalawa. "And let's not about him. Ang kailangan nating pag-usapan ay ang situation natin ngayon," dagdag ko pa. "Hindi ako naniniwala na wala ka ng gusto sa kapatid ko pero ayos lang 'yon. 'Wag sanang lumayo ang loob mo sa akin," sagot naman niya sa akin. "Of course, not. Ikaw pa rin ang kaibigan ko, Liam. Walang magbabago sa kung ano ang meron tayo dati. Ikaw sana ang 'wag lumayo ang loob sa akin dahil hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo," pagpapatuloy ko roon. "Syempre hindi rin lalayo ang loob ko sa'yo, Lily. Hindi naman importante sa akin kung basted or may pag-asa ako sa'yo eh. The important thing here is nasabi ko sa'yo ang nararamdam
Magbasa pa
Chapter 45
Ilang linggo rin ang lumipas simula nang mangyari ang mga naging problema ko. Nadamay rin ako sa issue ni Regina dahil ako ang pinagbintangan niya na nagpakalat ng video na 'yon pero agad ko namang napensahan ang sarili ko sa tulong ni Liam. Siya ang humawak ng kaso roon at napatunayan na wala namang ibidensya si Regina para pagbintangan ako kaya naman bumalik lang sa kaniya 'yon. Siya pa ngayon ang nakasuhan ng oral defamation kaya naman sobrang sakit siguro ng ulo ng management niya sa kaniya. "Architect! Ready ka na ba mamaya?" tanong sa akin ni Trisha. Nasa office ako ngayon at abala kami sa ilang mga gawain. Tinatapos na namin 'yon dahil nag-aya si Stella na mag-night out dahil weekend naman daw. Tumanggi nga ako no'ng una dahil wala ako sa mood mag-party ngayon. Medyo masama rin ang pakiramdam ko kaya lang ay dahil minsan lang naman makompleto ang grupo namin ay no choice ako kung hindi sumama sa kanila. "Yup," tipid na sagot ko naman. "Ang moody mo yata ngayon, Architect? A
Magbasa pa
Chapter 46
"Lily," tawag sa akin ni Liam. Wala na sa tabi ko si Lucas dahil nagkayayaan silang magsayaw sa dance floor habang ako ay nanatili naman sa table namin kasama ang iba pa naming mga kaibigan doon. Ubos na rin ang chips na binili sa akin ni Lucas at nakailang basong juice na rin ako doon. "Liam, what's up?" tanong ko naman kay Liam. Nakatayo siya sa harapan ko kaya naman kinailangan ko pang tumingala para lang matignan siya. "Are you alright? Kanina ka pa kumakain niyan ah? Hindi ba at ayaw mong kumakain ng unhealthy foods?" tanong niya sa akin. Nang makita niya sigurong nahihirapan ako sa pagtingala sa kaniya ay naupo siya sa tabi ko. Nakita ko namang nakatingin siya sa mga kinakain ko roon pero nagkibit na lang ako ng balikat. "Yeah, pero minsan lang naman 'to," sagot ko sa kaniya. "Gutom ka ba? We can eat dinner if you want," sabi niya. Napahinto naman ako sandali roon at pinakiramdaman ang sarili ko pagkatapos ay napatango sa kaniya dahil nakaramdam pa rin ako ng gutom kahit
Magbasa pa
Chapter 47
Napatakbo ako kaagad sa bathroom ko dahil nag-iba ang takbo ng sikmura ko. Napaupo ako kaagad sa tiles at nagsuka sa bowl. Nanghihina ako roon at halos maramdaman ko ang panginginig ng katawan ko. Duwal lang ako nang duwal doon kahit na wala namang lumalabas doon. Nang matapos ako ay kahit na nanghihina ang katawan ko ay pinilit kong tumayo para makapaghilamos. Namumula ang mga mata ko dahil halos maiyak ako sa pagsusuka. Normal na sa akin ito dahil ganito naman ako noon pa kapag nilalagnat. Napabuntong hininga na lang tuloy ako roon at nagpasiya na maligo na lang din dahil naroon na rin naman ako sa loob ng bathroom. Sandali lang akong naligo roon dahil natatakot ako na baka mahilo ako roon kaya naman nagbihis na lang ako ng comfortble na damit at muling nahiga sa kama ko. Halos hindi ko nagalaw ang pagkain na inihanda para sa akin nila Mommy at natulog na lang ako roon. Nagising naman ako kaagad dahil may tumawag sa phone ko kaya kahit na wala ako sa mood na sumagot ng mga tawag ng
Magbasa pa
Chapter 48
Bumalik ang sigla ng katawan ko at nakapagtrabaho ako nang maayos sa mga sumunod na araw. I feel something to me but I can't figure what is that. Pakiramdam ko ay lagi akong pagod kahit na nakakatulog naman ako ng kompleto sa gabi."Architect?"Nasa office ako ngayon at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang pumipirma roon. Wala naman akong masyadong gagawin ngayon at wala rin mga meetings pero pumasok pa rin ako rito sa kompanya."Are you okay? Masama po ba ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Janeth.Nagising lang ako dahil sa paggising niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya at napahilamos na lang ako sa mukha gamit ang dalawang palad ko."Yeah, I'm alright. I'm sorry," sagot ko.Halos hindi naman ako magkanda-ugaga roon at tinignan ang natirang mga papel na dapat kong pirmahan. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong halos patapos na ako roon.Two pm na nang hapon at kahit na kakakain ko lang kanina bago ako nakatulog ay kumalam na naman ang sikmura ko. N
Magbasa pa
Chapter 49
Ilang araw na ganoon ang mga nararamdaman ko pero isinantabi at hindi ko pinaalam kila Mom and Dad dahil ayaw kong mag-alala sila sa akin lalo na at mas marami pang trabaho ang kinakaharap nila sa kompanya. Kami na dapat ni Ate Sabrina ang nagha-handle ng kompanya dahil sa amin naman 'yon maiiwan pero dahil wala namang magawa sila Mom and Dad sa bahay ay mas gusto nilang tulungan na lang kami roon. "Mangoes with ketchup?! My gosh, Lily! That's so gross!" maarteng sabi sa akin ni Caroline. Weekend ngayon at mas pinili kong mag-spend ng time sa condo ko mag-isa pero dumalaw sa akin si Caroline nang biglaan kaya naman wala na akong ibang nagawa pa. Gusto ko sanang mapag-isa ngayong araw pero hindi ko naman siya pwedeng paalisin. "It tastes good, Carol. Ano'ng gross ka d'yan? Why don't you taste it kaya?" maarteng sabi ko rin sa kaniya pagkatapos ay inirapan pa. "No way. Kung ano-ano ang mga pinagkakakain mo lately ha. Buntis ka ba?" sabi niya pagkatapos ay pabiro pang nagtanong. Hal
Magbasa pa
Chapter 50
"So what's your plan now? Kailan mo balak ipaalam kay Cristiano ang tungkol dito?" tanong sa akin ni Ate. Ang saya sa mga labi ko ay unti-unting nawala nang maalala ko si Cristiano. Mahigit isang buwan na rin yata ang lumipas simula nang hindi ko siya nakikita at hindi pa rin siya tumatawag sa akin tungkol sa ipapa-design niya sa akin. Hindi rin naman siya nababanggit sa akin ni Lucas kapag nagkikita kaming dalawa. Siguro nga ay sobrang busy niya talaga sa mga negosyo niya. "I don't know yet. Hindi ko pa alam kung saan ko siya hahanapin," sagot ko naman. "Why don't you ask one of his brothers? I'm sure alam nila 'yon," suhestiyon na sabi ni Ate. Napailing naman ako dahil sigurado akong pag-iisipan na naman ako ng dalawang 'yon lalo na si Lucas. "I'll try to find him by myself. Kapag hindi ko siya nahanap at na-contact ay tsaka pa lang ako hihingi ng tulong sa magkapatid," sunod-sunod ko namang sabi. Tumango naman sa akin si Ate na para bang sang-ayon sa sinabi ko. Dinala niya ri
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status