All Chapters of My Best Friend's Baby: Chapter 101 - Chapter 110
121 Chapters
Kabanata 101
GWIN POVBiglang lingon ang nagawa ni Fred, nang marinig ang sinabi ni Brent. Maski naman ako ay nagulat din. Kung hindi lang talaga malaki ang naitulong niya sa amin, baka nasapak ko na naman siya. Ewan kung anong pumasok sa utak nitong si Brent, at ang e-date pa ako ang hiniling na pambawi sa nagawang tulong niya sa amin.Mabuti na lang at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papuntang kotse sina Patrick at Tonyo. Anong sabi mo, Brent? Gusto mong e-date si Gwin?" Pahapyaw na tumawa si Fred. "Ayos ah. Hindi ka man lang nahiya na magtanong kahit naririnig ko." Tumalim ang tingin ni Fred sa kaibigan. "Matagal na akong walang hiya, Fred. Nakalimutan mo ba?" mapang-asar sa ang ngiti niya. Naduro ni Fred, si Brent. "Umuwi ka na lang, at matulog! Baka sakaling tumino 'yang utak mo na napasukan yata ng hangin!" Gigil ngunit pabulong ang pagsasalita ni Fred. Karga pa rin kasi niya si Widmark, na mahimbing pa rin ang tulog. Pagod na pagod ang anak namin. Nakakaawa sobra. Bata pa lang pero nak
Read more
Kabanata 102
Takbo lakad ang ginawa ko makarating lang kaagad sa ICU, habang si Fred, nakasunod lang sa akin at karga pa rin si Widmark. “Mama, hintayin mo po kami.” Antok na boses ni Widmark ang nagpabagal sa paglalakad ko. Humihikbi akong lumingon sa kanila. Kaagad naman akong niyapos ni Fred at hinaplos ang balikat. “Kumalma ka naman muna, Gwin—” Bakas rin ang kaba sa boses ni Fred, pero nanatili pa rin siyang kalmado, hindi gaya ko na kanina pa nanginginig sa kaba. Kanina pa nag-aalala. Kung ano-ano na nga ang pumapasok sa utak ko. Naalala ko pa ang mga nagawang tulong sa akin ni Aling Taning; sa amin ni Widmark. “Mama, bakit ka po umiiyak? Saan po tayo pupunta?” Parang maiiyak na tanong ni Widmark. Nagpalinga-linga na rin siya sa paligid. Alam ko nagtataka siya, kung bakit nandito kami sa hospital. Gusto na kasi niyang umuwi, kanina pa. Nakatulog na nga lang ulit sa kotse habang papunta kami rito. “Mama… hindi naman po to bahay ni Papa Fred. Hospital po ‘to. Ipapagamot n’yo po ba ako
Read more
Kabanata 103
FRED POV Kung kanina ay abot-abot ang kaba na naramdaman ko nang mawalan ng malay si Gwin, ngayon ay hindi na maalis ang ngiti ko. Nag-uumapaw ang saya na nararamdaman ko. Kaya kahit nagmumukha na akong nasisiraan ng bait sa kakangiti, wala akong pakialam. Sino ba namang lalaki ang hindi matutuwa, magiging Daddy na naman ako. Magiging kuya na si Widmark. Mabuti na lang, kahit dumaan kami sa maraming pagsubok at paghihirap dahil kay Mitch, naayos din namin kaagad. Kung nagkataon na hindi naayos ang problemang gawa ni Mitch sa buhay namin, siguro ay hindi ko na naman makikita sina Gwin at ang aming bunso. O, kung magkita man kami, baka umabot na naman ng ilang taon. “Oh, Fred, please stop smiling. Hindi pa ba namanhid o nangalay ang panga mo? Kanina ka pa nakangiti. Hindi ka nakakatuwang tingnan.” Irita at nanlilisik ang mga mata ni Mommy, habang sinisita ako. Nakahalukipkip pa siya, at walang ka kurap-kurap na nakatingin sa akin. Pero imbes na sumagot. Ngiti pa rin ang tugon ko.
Read more
Kabanata 104
“Mahal na mahal kita, Gwin.” Mabilis na halik sa labi ko ang tugon niya. May kasama pang matamis na ngiti. Nahawa na nga rin ako sa ngiti niya. Sumabay din kasi ang paglapat ng daliri niya sa dimples ko. Pero medyo nagtataka na ako. Hindi pa rin kasi siya nagsasalita. Kanina pa kami tapos at nagkapagpahinga na. Nilapat ko ang palad ko sa pisngi niya. Kaagad naman niya iyong hinawakan. Pero wala pa rin siyang ka kurap-kurap na tumitig sa akin.“Ano na naman ba ang iniisip mo?” Kanina ka pa walang imik. Masyado ba kitang pinagod, kaya ka na tameme ng ganyan?” Hindi na ako nakatiis at nagtanong na. Pero imbes na sumagot. Tipid lang siyang ngumiti at umiling. “Ano ba, Gwin? Malapit na rin akong matunaw sa kakatitig mo. Kanina ang ingay mo, maka-ungol ang lakas—” “Ikaw—” Tampal ang tumapos sa pagsasalita niya. May kasama pandidilat pa.Hinawakan ko ang kamay niya at paulit-ulit iyong hinalikan na nagpangiti na naman sa kanya kaagad. “Ayaw mo pa rin bang magsalita? Masyado ka ba talag
Read more
Kabanata 105
"Bunganga mo naman, Fred—" sikmat ni Patrick. Takip na ang mga palad niya sa tainga ni Widmark. Pero alam kong huli na ang pagtakip niya sa tainga ng anak ko. Narinig na nito ang sinabi ko. Ang lakas kaya ng pagsasalita ko. Patunay ang pagsalubong ng mga kilay ni Widmark na narinig nga niya ang sinabi ko. Bumakas kasi ang pagkalito sa mukha niya. "Bastos mo—" May pahabol pang panduduro si Patrick, na sinabayan ng pabulong na pagsasalita pero may halong panggigigil. Nakamot ko na lang ang leeg ko. Sabay pa naming sinulyapan si Gwin, na ngayon ay balot na balot ang buong katawan sa kumot. Alam kong nahihiya rin siya. Marinig ba naman nitong pinsan ko na s******p ko ang katas niya. Ayan nagkunwaring tulog. "Papa Fed, milk po ang mayr'on si Mama Gwin, hindi po katas." Sinadyang tawa ang ginawa ko. Ang cute-cute talaga nitong anak namin ni Gwin. Kung ano-ano lang din ang lumalabas sa bibig. Parang ako. Paano naman magka-milk ang Mama niya? Ako pa lang naman ang dumede. Hindi na a
Read more
Kabanata 106
“How come, na nawala si Mitch? Nakatakas ba? Nakapagpyansa ba?"Imbes na sumagot si Patrick. Umalis siya sa harap ko. Nagpunta siya sa fridge at kumuha ng tubig doon at uminum. At ako parang tanga na nakatingin sa kanya at naghihintay kung kilan siya sasagot. "Ano ba, Patrick? Nananadya ka ba, ha? Pinaghihintay mo talaga ako?" Nilingon niya ako, kasabay ng pag-inom ng tubig. Sinadya niya talaga na bagalan ang pag-inum. "Teka nga lang, kita mong umiinom pa 'yong tao!" "Bwesit ka rin ano? Paghihintayin mo ako, hanggang kailan mo gustong sumagot? Kung hindi ka ba naman sira-ulo na binibitin ako ng ganito!" "Kasi–" " Ano kasi, Fred –"Sa tuwing nagsasalita si Patrick, parang umuurong ang dila n'ya at hindi na naman itutuloy ang sasabihin. Panay inum niya pa ng tubig na parang nanunuyo ang lalamunan. "Bakit nawala si Mitch, Patrick? Sumagot ka naman, please?!” Hindi ko na napigil ang magtaas ng boses at magalit. Maisip ko lang kasi na nawala si Mitch, sumisikip ang dibdib ko. Nag
Read more
Kabanata 107
Hindi ko kaagad nasagot ang tanong ni Patrick. Nagulat kasi ako sa narinig ko. Iba ang in-expect kong marinig na sasabihin niya, at hindi ang misfortune na nangyari kay Mitch. Galit ako sa babae na 'yon pero kahit gan'on, hindi ko naman hinangad na mangyari sa kanya ang ganoong bagay. Hindi deserve ng kahit sinong babae ang mabugbog at muntik pa na magahas@ kahit gaano pa siya kasama. Para sa akin, sapat na ang makulong siya at pagsisihan ang mga nagawa niyang kasalanan. "Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya nagdadalawang-isip ako na sabihin sa’yo ang nangyari sa babaeng ‘yon. Alam ko lalambot ka.” Paulit-ulit na napapailing si Patrick, namulsa at lumayo sa akin. “Ang gago mo, Fred. Ang daming kademonyohan na ginawa sa atin ang babae na 'yon pero naawa ka pa talaga sa kanya?" Tumitig ako sa pinsan ko. Gusto ko sana na e-defend ang sarili ko, at sabihin sa kanya na mali ang iniisip niya. Hindi ako naaawa kay Mitch. Pero hindi ko pa magawang magsalita. Parang nanuyo ang lalamunan
Read more
Kabanata 108
"Papa, Fred, bilisan mo po. Ang bagal n'yo po sabi ni Mama." "I'm coming, Anak," pasigaw kong sagot kay Widmark. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng kwarto, narinig ko na ang boses niya na minamadali akong bumaba. Paano kasi, napuyat ako kagabi. Buti sana kung si Gwin ang dahilan ng puyat ko pero hindi. Si Tonyo ang dahilan. Siya lang naman ang narinig namin ni Patrick kagabi na lumagpak. Pinakaba pa kami ng tarantado. Akala namin, si Mitch at mga tauhan niya ang naglakas loob na pumasok sa mansyon."Bakit ba ang tagal mo, Fred?" tanong ni Gwin. Nagsalubong ang mga kilay at humalukipkip. "Paano 'yan? Aalis tayo na hindi ka man lang nakapag-breakfast." "Sorry, nakatulog kasi ulit ako paglabas mo kanina. Sa hospital na lang ako mag-coffee," malambing kong sagot, sabay kamot sa ulo.Dinaan ko sa lambing ang paghingi ko ng sorry, para hindi tuluyang magalit si Gwin. "Ano ba kasi ang pinaggagawa n'yo kagabi at matagal kang natulog? Hindi ko na nga napansin kung anong oras ka bumal
Read more
Kabanata 109
GWIN POVUmakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang makita si Mitch na nagpupumiglas habang hawak ng dalawang pulis. Alerto naman ang iba sa tabi nila. Pakiramdam ko, para akong bomba na sasabog sa galit nang marinig ko ang sinabi niya. Kumulo ang dugo ko na nagpabilis sa paglalakad ko papunta sa kanya pero si Fred, todo pigil naman na 'wag ako makalapit sa babaeng baliw na kaharap namin ngayon."Nanay mo?" gigil kong tanong. Kahit nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit, nagawa ko pa rin siyang duruin kahit hindi ko na halos maangat ang kamay ko. Gusto ko pa nga siyang sugurin at kaladkarin pabalik sa kulungan. Ang takot at pag-aalala na naramdaman ko kanina habang papunta kami rito ay nawala na. Napalitan ng poot at galit nang makita ko si Mitch. Kung hindi lang ako hawak ni Fred ngayon, talagang sinugod ko na si Mitch. Nadagdagan ko na ang mga pasa at sugat sa mukha niya. Gusto kong balatan ang makapal niyang mukha, baka sakaling tablan ng hiya sa pinagsasabi niya. "Ang kapal mo,
Read more
Kabanata 110
"Nababaliw ka na ba talaga, Mitch? Lahat na lang ay pinagbibintangan mo. Lahat na lang sinisisi mo sa mga kasalanan na ikaw lang naman ang may gawa." Nagngitngit na naman ang kalooban ko sa galit. Lahat na lang nang mapalit sa akin pinagbibintangan niya. Sinisisi niya. Imbes mabawasan ang galit ko sa kanya, lalong nadadagdagan. "Oh, Gwin…" Nakakalokong tumawa si Mitch, imbes na sumagot o kontrahin ang sinabi ko, hinarap niya ang lalaking pinagbibintangan niya na may kasalanan sa nangyari kay Aling Taning."You did it, Brent! You made Gwin believe that you are kind and that you are a friend who cares, but the truth is, you are a demon pretending to be a saint!"Nasa akin ang tingin ni Mitch habang nagsasalita. May mga tingin na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin. "Pinagsasabi mo, Mitch? 'Wag mo nga akong idamay sa kahayopan mo. Wala ka na sa matinong pag-iisip. Lahat na lang pinagbibintangan mo, at lahat na lang sinisisi mo sa mga kasalanan mo." "May kasalanan ka rin–"
Read more
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status