Lahat ng Kabanata ng Shut Up and Take Me: Kabanata 31 - Kabanata 40
50 Kabanata
31- Missing
"Sh*t, girl! One-night-stand na nauwi sa pagmamahalan?" Natakpan ni Bianca ang bibig nang ikuwento ni Mia ang mga nangyari."One-night-stand lang ang totoo ro'n," tugon ni Mia kasabay ng isang buntong-hininga. "Hindi niya ako minahal. Ginamit niya lang ako."Bumagsak ang sulok ng mga labi ni Danica. "Sad," anito. Napabuntong-hininga rin ito. "Pero pa'no kung mahal ka na nga niya talaga? It can happen, you know. Baka nahulog siya sa iyo in the process.""Masyadong malalim ang dahilan sa ginawa niya. I don't believe na natutunan niya akong mahalin kung puno ng puot para sa ama ko ang puso niya. Napakagaling niya lang talagang magpanggap dahil napaniwala niya akong mahal niya ako." Nangilid ang mga luha niya."Ikaw na rin ang nagsabi. Puot sa ama mo, hindi sa iyo. Ayaw mo ba siyang i-confront? Hindi ba mas okay na sa bibig niya mismo manggaling ang totoo? May pinagsamahan naman kayo.""Para ano? Para mas masaktan ako kapag sinabi niyang totoo ang lahat ng sinabi ng Sandra na iyon? O para
Magbasa pa
32- Hide and seek
Patuloy ang pag-alsa ng dibdib ni Jacob habang nakatayo siya at nakakuyom nang mahigpit ang mga palad. Ni wala siyang maramdamang kaba mula sa babaeng nakatayo ng mga ilang metro mula sa kaniya. Alam niyang alam na nito na naroroon siya. "I know you would come for me. Kanina pa kita hinihintay," wika ng babae. And she faced him."What did you tell her, Sandra?" His jaw clenched.Tumaas ang kilay ni Sandra kasabay ng isang ngiti. "Everything that she has to know," tugon niya. "I'm glad she listened to me. Now, she's free from danger." Muli itong ngumiti.Halos hindi namalayan ni Jacob na mabilis niyang napaikli ang distansya sa pagitan nilang dalawa. The next thing he knew, mahigpit nang hawak ng kamay niya ang leeg ni Sandra. But she didn't even flinch. Her eyes are meeting his. And she isn't blinking. Punung-puno ng determinasyon ang mga matang iyon. "She left me because of what you did!" tiim ang mga bagang na wika niya. Lalong lumapad ang ngiti ni Sandra. He badly wants to twist he
Magbasa pa
33- Realizations
"Where is Natalia?" tanong ni Vincent sa asawang si Diana na umiinom noon ng tsaa."Did I hear you right? Hinahanap mo si Natalia?" sarkastikong tugon ni Diana.Nagbuntong-hininga si Vincent. "Pinag-isipan ko ang lahat ng mga sinabi ninyo sa akin," aniya. "I realized that you were right. I changed. I forgot you both. Napabayaan kita bilang asawa ko, at napabayaan ko ang anak natin. Hindi pa rin ako titigil sa paghahanap kay Mia, pero gusto kong bumawi kay Natalia."Nagbago ang rehistro sa mukha ni Diana. Gumaan iyon. "Babawi ka kay Natalia?" aniya. Tumango si Vincent. "Hindi pa naman siguro huli ang lahat.""Of course!" nakangiting tugon ni Diana. "She's at her friend's house, pero uuwi siya mayamaya lang." Tumayo siya at nilapitan ang asawa. Hinaplos niya ang mukha nito. "Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Miss na miss ka na ng anak natin. Hindi na ako makapaghintay na makita kayong mag-ama na kagaya ng dati.""Kagaya ng dati?" Muling nagbuntong-hininga si Vincent
Magbasa pa
34- Return and farewell
"What are you doing here?" bungad na tanong ni Natalia kay Mia. Nakakuyom nang mahigpit ang kaniyang mga kamay. "And where the h*ll have you been? You look like a mess! Ano, nahihirapan ka na ba kaya bumalik ka rito? Na-realize mo ba na hindi mo pala kayang mabuhay sa pamamagitan lang ng pride mo? Hindi mo na ba kinaya ang consequences sa ginawa mong pag-iwan sa kompanya? Hindi na ba kinaya ng konsensiya mo ang makitang dahil sa iyo, unti-unti nang bumabagsak ang Blacksmith Hotels?"Mia smirked. "Can you stop talking? Baka madulas ang dila ko at kung ano pa ang masabi ko," aniya. "How dare you!" naiinis na wika ni Natalia. Susugurin niya sana ang kapatid, ngunit mabilis siyang napigilan ng ama. "Leave us," wika ni Vincent sa kaniya."Dad, what?" hindi makapaniwalang wika ni Natalia. "So, ano, etsapwera na naman ako ngayon na nandiyan na naman ang babaeng iyan? Ano, Dad, bigla kang nakalimot sa lahat ng pinangako mo sa akin at kay Mommy?" Nangilid ang mga luha niya."Mia and I need t
Magbasa pa
35- Departure
"So..." usal ni Natalia habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay. Hinintay niyang makalabas ng mansiyon si Mia. Alam niya kasing pipigilan siya ng ama na lapitan ito."Please, Natalia, I don't have anything to do with you anymore. Just let me leave in peace," wika ni Mia. She rolled her eyes and continued walking. Ngunit nagawang mahablot ni Natalia ang kaniyang braso."What did you tell Dad? Nagpaawa ka? Ano, nakumbinse mo ba siyang bumalik ka sa buhay namin?" ani Natalia. She sounded furious.Inalis ni Mia ang mahigpit na pagkakahawak ng kamay ni Natalia sa kaniyang braso. "Ang sabihin mo, kinakabahan ka. Kinakabahan ka na baka sinabi ko kay Dad ang lahat ng kabulastugan na ginawa mo sa 'kin," aniya. "But don't worry, wala akong sinabi sa kaniya. Wala akong balak na sabihin sa kaniya ang tungkol sa kababuyang ginawa ninyo sa akin ni Oliver pati na rin ang pagbabanta mo sa buhay ko kapag sinubukan kong bumalik sa kompanya.""Will you shut up?" kinakabahang wika ni Natalia. "Baka m
Magbasa pa
36- Last request
"Jacob, tatlong buwan na," wika ni Vic sa binata isang hapon na nakita niyang nakatambay ito sa may veranda ng malaking bahay, tulala at malayo ang tingin. Nagbuntong-hininga siya kasabay ng pag-upo sa tabi nito. "Oras na siguro para sumuko ka." Napatingin sa kaniya si Jacob."Mula ng araw na nawala si Mia, walang gabi na nakatulog ako nang maayos, Mang Vic. Lagi kong iniisip lahat ng nagawa kong pagkakamali sa kaniya. Dahil sa galit ko sa kaniyang ama, naging makasarili ako at ginamit ko siya kahit na alam kong wala naman siyang kasalanan." Yumuko siya kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Gusto ko lang naman na makausap siya at makahingi ako ng tawad, pero hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon. Naiintindihan ko ang galit niya. Pero gusto ko lang makausap siya kahit sa huling pagkakataon na."Ipinatong ni Vic ang kamay niya sa balikat ng binata. "Ang totoo niyan, hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo. Hindi rin ako pabor sa ginawa mo kaya katulad mo, naiintindihan ko rin si
Magbasa pa
37- Marco's Kitchen
Five years later...Isang mahigpit na yakap ang isinalubong ni Bianca kay Mia nang sunduin niya ito sa airport."'Di ba, parang hindi naman ako umalis?" nakangiting wika ni Mia. Hindi tumugon si Bianca. Mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa kaibigan. Nagbaba siya ng tingin at nakita ang isang batang lalaki na nagtatago sa likod ni Mia. Nakahawak ito nang mahigpit sa laylayan ng damit pang-itaas ng ina. "Hi, Marco!" nakangiting bati niya sa bata."Say hi to your Ninang Bianca, anak," wika ni Mia sa anak."Hello po, Ninang Bianca!" usal ni Marco sa mahinang boses."Mahiyain," wika ni Bianca, "pero magalang. Marunong mag-po. Very good, Marco. Come! Uuwi na tayo sa bagong bahay ninyo ng mommy mo." Kinuha niya ang kamay ng bata na hindi naman tumanggi sa kaniya. And she drove them home.A year ago, kinontak ni Mia si Bianca upang magpatulong sa pagpapatayo ng binabalak niyang negosyo sa Pilipinas. Wala siyang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang kaibigan at hindi naman siya binigo nito. Noo
Magbasa pa
38- Partnership
Dinig na dinig ni Vic ang malalim na paghinga ni Jacob habang nakatingin ito sa kalawakan ng farm mula sa harap ng malaking bahay."Salamat sa iyo," wika ni Vic, "lalong naging masagana ang ani natin. Magaganda ang produkto ng poultry at ng babuyan. Malulusog din ang mga anak ni Malia. Magaling kang mamalakad."Napangiti si Jacob nang marinig ang pangalang Malia. Sa wakas ay pinangalanan niya ang mga kabayo sa farm na request sa kaniya ni Mia noon. "Nagsusumikap ho ako para hindi ko na kailangang bumalik sa Canada. Gusto kong maiuwi rito si Dad. Magaganda na rin naman ang facilities dito sa atin," tugon niya. "Sana nga una pa lang ay hindi na ako umalis. Sana tinulungan ko na lang ang Lola. Things might have been different.""Ginawa mo lang kung ano ang sa tingin mo ang nararapat gawin noon dahil isa kang mabuting anak. Sigurado akong ipinagmamalaki ka ni Leonel.""Sana nandito pa ang Lola para makita ang lahat ng ito. Siguro tatalon iyon sa tuwa kapag nakita na lalong umuunlad ang fa
Magbasa pa
39- Jacob meets Marco
Jacob found it hard to find the words to utter at that moment. Is he really seeing Mia? "Ikaw ang supplier namin?" tanong ni Mia. She tried to compose herself. Sa mga oras na iyon ay gustong-gusto na niyang kumaripas ng takbo. She has been hiding for five years. And just like that, he saw her. "Y-yes..." tugon ni Jacob na halos hindi kumurap. "Mia, ang tagal kitang hinanap. H-hindi ako tumigil sa paghahanap sa iyo. Hindi ako sumuko," naluluhang wika niya."Magkano ba ang babayaran ko?" ani Mia na tila hindi narinig ang sinabi ng binata. "And please, huwag ka nang bumalik dito. Ito na ang una't huling deliver mo sa amin.""Do you work here?" tanong ni Jacob. "Ang sabi ko, magka'no ang babayaran ko? I'm busy, Jacob. Huwag mong sayangin ang oras ko. Sabihin mo na kung magkano ang babayaran ko," matigas na tugon ni Mia."I'm sorry. I'm really really sorry, Mia. Alam kong alam mo na ang totoo. Alam kong nasaktan kita at kinamumuhian mo ako. Naiintindihan kita. Pero please, hayaan mo ako
Magbasa pa
40- Bad news
"I'm so sorry, Mia. Kung alam ko lang, hindi ko na sana kinuha ang delivery na iyon. Sino ba naman ang mag-aakala na ex mo nga at ang farm nila ang magiging supplier natin sa dami nga ng supplier sa mundo, 'di ba? Grabe naman ang coincidence na nangyari, 'di ba? Kung alam ko lang talaga, promise—"Hindi natapos ni Bianca ang sasabihin. Pinutol na ito ni Mia. "Basta gawin mo na lang ang pinagagawa ko," aniya.Tumango si Bianca. "I'm sorry..."Napabuntong-hininga si Mia. Nasapo niya ang noo. "Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang pagbuntunan ka. Hindi mo ito kasalanan, B. Okay? It was just meant to happen, I guess," kibit-balikat niyang wika. Muli siyang napabuntong-hininga. "So, ano'ng balak mo ngayon?""Wala. I'll just continue doing what I'm doing. I have to focus on this restaurant. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa nangyari," tugon ni Mia."What if bumalik siya?"Isa na namang buntong-hininga ang pinakawalan ni Mia. "Sa mga sinabi ko sa kaniya, sana malinaw na ayaw ko na siyang mak
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status