4. TRAPPED SERIES#4
[Gail] "Abigail!" Humawak siya sa ulo. Pakiramdam niya mas lalo itong sumakit dahil sa matinis na boses ni Nerissa. "Paano mo nagawa sa akin 'to, Gail? Iniwan mo na nga ako kagabi, hindi ka pa nagreply at sumagot sa mga text messages ko. Alam mo ba kung gaano ako nag alala?" Naiiyak na yumakap ito sa kanya. Pero agad din napahiwalay ng may maalala. "Siya nga pala, ang sabi ni Ate Zera hindi ka umuwi. Alam mo ba na sinabi ko nalang na kasama kita kagabi para pagtakpan ka at hindi siya mag alala," Nagdududa siya nitong tiningnan. "Don't tell me... nakipagkita ka sa boyfriend mo ng hindi ko alam?" Nanlalaki ang matang tanong nito. Inikutan niya ito ng mata. "You know I don't have one, Nerissa." Mabuti nalang pala at nakapag alibi ito sa kapatid niya, kung hindi ay baka malagot siya sa ate niya, tiyak din na mapapagalitan siya ng daddy nila. "Alam ko, pero paano kung mayro'n pala." May ngiting tumingin ito sa bandang leeg niya. "Aminin mo nga, sino siya? Ikaw ha, magbestfriend tayo
Read more