Share

Chapter 41

Biglang napadilat si Arielle nang marinig ang malakas na mga katok sa labas ng kanyang silid. Pupungas-pungas na bumangon siya sa kama para pagbuksan ang taong kung makakatok sa pintuan ay parang may sunog. Sa pagmamadaling mabuksan ang taong nasa labas ay nakaligtaan niyang patungan ng roba ang napakanipis na suot niyang nighties.

"What's the matter? Bakit ang lakas—" Nabitin sa kanyang lalamunan ang iba pa niyanh sasabihin nang makita niyang si Gun pala ang kumakatok. Bigla niyang naalala ang nangyari last night at hindi niya alam kung paano ito haharapin.

Katulad niya ay parang nabigla rin si Gun nang makita siya. Naisip tuloy niya na baka naalala nito ang ginawa nila kagabi.

"Ganyan ka ba kapag nagbubukas ng pintuan sa taong kumakatok?" sita sa kanya ni Gun nang makabawi ito sa pagkabigla. Galit na ang nasa mukha nito at wala na ang pagkabigla.

"What?" Bigla siyang naguluhan. Hindi niya kasi na-gets kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Look at your clothes. Very indecent," mariin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status