Lahat ng Kabanata ng My Sugar Daddy's Brother : Kabanata 41 - Kabanata 50
131 Kabanata
Chapter 40
"I am formally announcing the opening of Armira Chocolates Factory."Ang masigabong palakpakan mula sa mga taong dumalo sa pagbubukas namin ng pabrika ang sumalubong sa akin habang pababa ng maliit na entabladong ginawa ng mga tauhan sa hacienda.Matapos ang ilang buwang paghahanda para sa pabrika ay masisimula na din kami ng operasyon sa wakas.Binati ako ng mga investors at kliyente nang makababa ng entablado. Mayroong inihandang pagkain para sa kanila at mga libreng tsokolate na unang ginawa sa pabrika bago pa ang grand opening.Mabilis lamang na natapos ang programa kaya naiwan na lamang kaming tatlo nin Lesie at Attorney Sheldon sa lugar."Congratulations Cassandra!" Isang pulonpon ng rosas ang inabot sa akin ni Lesie habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng pabrika mula sa labas."Mabuti naitawid mo ang pagpapagawa ng pabrika sa kabila ng mga absences mo," ani Attorney Sheldon habang tutok ang kan'yang mga mata sa telepono.&
Magbasa pa
Chapter 41
"Sigurado ka ba'ng kaya mong magmaneho ngayong gabi? Kung bukas ka na lang kaya nang maaga umuwi?"Ang nag-aalalang mukha ni Manang Dory ang pumigil sa akin palabas ng mansyon.Linggo ngayon at tuwing weekend ay sa Hacienda Miraflor na ako natutulog. Natutuwa nga ang mga katiwala ng mansyon dahil mayroon na daw silang pagsisilbihan bukod sa pagpapanatili ng kalinisan sa buong kabahayan.Hindi na lingid sa kanilang kaalaman ang sinapit kong kabiguan kay Mateo. Kahit pa hindi ko ito pormal na naipakilala sa kanila ay malugod naman silang natuwa nang ibalita kong ikakasal na ako rito. Kaya ganoon na lang ang kanilang pag-aalala sa akin nang malaman na hindi na ito natuloy."Kaya ko po manang, hindi pa naman po ganoon kalakas ang ulan." Kung tutuusin ay maaari na akong dito magpalipas ng gabi kaya lang ay sarado pa din ang maikling daan mula rito hanggang sa bahay. Ayon sa balita ay mas lalo pa'ng lalakas ng ulan hanggang bukas ng umaga at kung h
Magbasa pa
Chapter 42
Limang minuto ang naging byahe namin patungong presinto. Kaagad na gumawa ng report ang pulis na naroon habang ipinapasalaysay muli sa akin at doon sa lalaking may-ari ng kotse ang nangyari kanina, na animo'y isang malaking aksidente."Ikaw Miss Cassandra Vidal ay nabangga ang kotseng minamaneho ni Mr. Troy Montalban dahil ayon sa iyong salaysay ay hindi mo maaninag ang daan dahil sa lakas ng ulan at madilim sa lugar," pagbubuod ng pulis sa aming salaysay kanina.Tumango na lamang ako habang panaka-naka ang sulyap sa orasang nakasabit sa pader. Malakas pa din ang ulan at sa wari ko'y hindi na talaga ito titila ngayong gabi."Ano po ba ang gusto ninyong mangyari sir?" tanong nito sa lalaki na ang pangalan ay Troy.Tiningnan muna ako nito ngunit nang taasan ko siya ng parehong kilay ay bumaling ito sa pulis."Kung kakasuhan ko po ba siya sir, ilang taon din po kaya siyang makukulong?"Napaawang ang labi ko sa seryoso niyang pagtatanong.
Magbasa pa
Chapter 43
Suot ang akong kulay maroon na pares ng pajama ay pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Magulo ang buhok, bakas ang kaunting itim sa ilalim ng mata at ang bahagyang pagbawas ng timbang. Ito ang aking nakikita.Sinubukan kong iangat ang magkabilang gilid ng aking labi upang makabuo ng isang ngiti ngunit hindi iyon umabot hanggang sa mata."Kumusta ka?" tanong ko sa aking sarili.Hindi pa ako okay. Ilang buwan na ba? Is it a year?Tama si Lesie I should start moving forward. "Good morning!" Nakangiti kong bati kay tatay at kahit labag sa aking loob ay isang matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Vivian.Bakas sa mukha nila ang pagkagulat lalo na nang umupo ako upang sumabay sa kanila sa pagkain ng agahan."Manang isa pa'ng plato para sa anak ko," masayang utos ni tatay.Si Vivian naman ay tila manghang-mangha na pinagmamasdan ang ayos ko ngayon.Nakasuot ako ng puting white top na naka-tuck-in sa pulang fi
Magbasa pa
Chapter 44
"Good morning.""Hello.""Magandang umaga po."Halos hindi matapos si Troy sa kakabati sa mga empleyado kong nakakasalubong namin. Kaunti na lang ay iisipin ko nang kakandidato siyang mayor sa bayan namin.Siya ang pinapunta ni Mr. Theodere Montalban sa opisina upang dumalo sa board meeting. Hindi lamang kasi kami mag-su-supply ng cacao sa bakeshop nila ngunit nais din ng kan'yang mga magulang na ibenta ang mismong tsokolate namin sa ibang bansa kung nasaan ang mga branches nila.Ngayon nga'y ililibot ko siya sa Hacienda Miraflor at pagawaan ng Armira Chocolate. Hindi ko lang inaasahan na para pa lang artista o pulitiko itong si Troy dahil halos lahat ng babaeng empleyado ko ay tumigil sa pagtipa sa kanilang mga laptop ng dumaan kami sa harapan nila upang batiin siya.Alam niya naman ang daan patungong Hacienda Miraflor kaya't nagkan'ya-kan'ya na lamang kaming sasakyan.Bukas na ang maikling daan patungo doon kaya mabilis kaming nakar
Magbasa pa
Chapter 45
Ang walang tigil na pagtunog ng aking telepono ang umistorbo sa aking pagtulog. Alas-tres pa lamang ng umaga ngunit inuulan na ako ng tawag."Manang Dory?" Binalot ako ng kaba nang makita ang pangalan ni Manang Dory sa telepono kaya kaagad ko itong sinagot.Ang ingay sa kabilang linya ang bumungad sa akin."Manang?" ulit ko nang hindi siya magsalita."Sandra, nasusunog ang bodega!" humahangos nitong sabi.Mabilis akong nagbihis at bumaba. Hindi ko na ginising pa si Kuya Joel at pinaharurot ang kotse patungong hacienda.Halos magkasabay lamang kami na dumating ni Attorney Sheldon doon.Maitim na usok na ang naabutan namin dahil naapula na ang apoy. "Ano po'ng nangyari? May nasaktan po ba sainyo?" tanong ko kaagad kay Manang Dory."Wala hija. Ang bodega lang ang nasunog pero walang nasaktan." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.Subalit kaagad din naman iyong naputol nang makita kong abo na lamang ang na
Magbasa pa
Chapter 46
Wala akong nagawa kun'di ang sumama sa night life na sinasabi ni Troy.Ayaw ko naman pabayaang mag-isa ang sekretarya ko. Paano kung malasing siya? Sigurado akong magagalit sa akin si Attorney Sheldon kapag hinayaan kong uminom nang may kasamang lalaki ang nobya niya.Sa The Wave's Bar kami nagtungo. Sa labas pa lang ang naririnig na ang lakas ng musika at hiyawan ng taong nagsasayawan.Napangiwi ako nang maamoy ang alak at sigarilyo. Samantalang si Lesie naman na nasa unahan ko ay panay na ang pagsabay sa beat ng tugtog habang naglalakad.Sa taas kami pumwesto. Kaagad na ininom ni Lesie ang ladies drink na in-order ni Troy, samantalang sa akin naman ay hindi ko pa nagagalaw."Hindi sa akin nag-re-reply si Sheldon! Sabi niya araw-araw kami mag-uusap pero hanggang ngayon wala!" Biglang sabi ni Lesie pagkatapos ng apat na shots ng tequila.Napapailing akong tumingin kay Troy na ngumingisi lang sa mga pinagsasabi ng kaibigan ko.Wala san
Magbasa pa
Chapter 47
"Wala na po ba tayong mapapakinabangan pa sa mga 'yan?" Nanlulumo na ang pakiramdam ko habang tinititigan ang mga bulok nang bunga ng cacao.Nang isang araw pang sinusolusyonan ng mga magsasaka ang mga peste ngunit bawat araw na lumilipas ay tila dumarami ito. Ngayon nga ay nagsilagas na ang ilang bunga.Maaari na sana itong anihin sa susunod na araw ngunit hindi inaasahan ng mga magsasaka na mapapasok ng mga peste ang kalahati ng plantasyon."Wala na po. Inani na din po namin ang mga natitira pa'ng cacao upang kahit papaano'y mapakinabangan." Maging si Mang Carpio at ilang magsasaka ay bakas din ang lungkot sa mga mukha dahil sa sinapit ng farm.Ang mga naani pang mga cacao ay ipinadala pa din namin sa ilang supplier ngunit ipinabalik ito ng iba dahil sa hindi ito katulad ng mga dati pa naming inihahatid sa kanila."Kukuha raw sila ng supply ng cacao sa ibang plantasyon. Ang iba ay binigyan pa sila ng mas mababang halaga baka hindi maglaon ay iyon
Magbasa pa
Chapter 48
Tatlumpong minuto na kaming naghihintay kay Veronica Solis sa conference room subalit 'ni anino nito ay wala pa.Gustuhin ko man na tawagan ito ay hindi ko magawa.Isang malaking tulong ang ibibigay ni Veronica sa hacienda kaya nararapat lamang na maghintay kami nang walang reklamo.Nang isang araw ay nagkausap na kami sa pamamagitan ng telepono. Malayo sa una naming pagkikita noon ay malumanay at mabait ang paraan ng kan'yang naging pakikipag-usap sa akin.Humingi kaagad siya ng tawad at ipinaabot niya din ito sa mga tauhan sa hacienda. Ayon sa kan'ya ay matahimik at simple na siyang namumuhay sa America kasama asawa at isang anak. Kinalimutan niya na raw at labis na pinagsisihan ang pagkakaroon noon ng masamang interes sa Hacienda Miraflor. Sinabi niya rin na natutuwa siyang malaman na nakakagawa na kami ng sariling produkto ng tsokolate, na siyang natikman niya sa isang filipino store."Nais kong makabawi sa'yo at kay Kuya Arman. Na
Magbasa pa
Chapter 49
"Ang kapal ng mukha ng ex mo!" bulyaw kaagad ni Lesie nang makapasok kami sa loob ng aking opisina.Sinabihan ko si Mateo na mamaya na lamang kami mag-uusap."Kung umakto siya parang hindi ka niya iniwanan noon nang walang pasabi. He didn't even apologize sa naudlot niyong kasal." Parang mas galit pa sa akin si Lesie sa tono ng pananalita niya. Pabaling-baling din ito nang lakad sa harapan ko."He said sorry." Naalala ko pa ang huling mensahe na ipinadala niya nang araw bago ang aming kasal.Tinaasan ako ng parehong kilay ni Lesie at umupo sa swivel chair na nasa aking harapan."Talaga?" Hindi ko pa iyon naikwento sa kan'ya."He texted me the day before our supposed wedding."Ibinaling ko ang mga mata sa mga papeles na nasa aking lamesa. Nagkunwari akong may binabasa doon upang makaiwas sa mga susunod pang tanong ni Lesie. Mausisa siya lalo na sa nararamdaman ko kaya sigurado akong hindi siya titigil sa pagtatanong.
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
14
DMCA.com Protection Status