All Chapters of The Billionaire's Rebound Wife: Chapter 91 - Chapter 100
109 Chapters
TWENTY SIX
 “What did you two talked about?” Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Dylan. Mula kanina nang dumating kami rito sa Batangas ay ito ang unang beses niyang napagdesisyunang kausapin ako kaya’t hindi ko mapigilang lihim na mapasimangot. Isinama-sama ako rito tapos hindi naman pala ako kakausapin. Kaswal akong nagkibit balikat sa tanong niya at sumandal sa kinauupuan ko. “Wala lang,” mahinang sambit ko at nag-iwas na ng tingin sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Dylan sa tabi ko kung saan nakaupo kanina ang pinsan niyang si Iverson. Hindi na naman ako nagreklamo at hinayaan na lamang siya. Medyo lumayo lamang ako para magkaroon ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Mahirap na… baka kung anong isipin ng mga tao kapag magkalapit kami. Bumaling ang tingin ko sa tatlong magpipinsan na ngayon ay magkakasama na. Dumating na ang late na si Maurice Fontanilla at nag-uusap sila ni Da
Read more
TWENTY SEVEN
 “Declan, huwag kang masiyadong tumingin kay Thalia! Huwag ka ngang makulit!” Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang sariling matawa sa sinabi ni Tita Layla. Hnampas niya ang balikat ng asawa na kanina pa nakatingin sa akin kaya’t muntik na itong mapatalon sa kaniyang kinauupuan.  Malakas na umangal si Tito Declan—tulad ng sinabi niyang itawag ko sa kaniya—at kapagkuwan ay tumingin sa akin. “Wala naman akong ginagawa, ah. Saka masama bang tumingin? Hindi ba puwedeng naaamaze lang?” tanong niya sa asawa. “Kahit na. Kung ako ang nasa posisyon ni  Thalia, maweweirduhan ako sa ‘yo,” giit ni Tita Layla at tumingin sa akin bago tipid na ngumiti. “Pagpasensiyahan mo na ‘tong asawa ko, ha? Kanina ko pa pinagsasabihan pero ayaw talagang makinig. Dito talaga nagmana si Dylan, e.” “Magulat ka kung kay Darius nagmana ‘yang si Dylan,” naiiling na biro ni Tito Declan na siya namang ikinasimangot
Read more
TWENTY EIGHT
 Ilang beses akong napaubo bago tuluyang bumangon mula sa aking kinahihigaan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang naghahabol ng hininga na para bang ilang taon akong kinapos sa paghinga. “Damn you, Iverson! Paano kung namatay ‘yan? Gusto mong mag-birthday sa kulungan?”Iminulat ko ang aking mga mata habang sapo ang dibdib at naghahabol ng hininga. Nag-angat ako ng tingin sa gawi ng apat na magpipinsan na nakapalibot sa akin. Galit na hinampas ni Danielle Fontanilla ang balikat ni Iverson na animo’y tuliro pa rin sa nangyari. “Are you all right, Thalia?” tanong sa akin ni Maurice Fontanilla kaya’t ilang beses akong napakurap.  Taka ko siyang tiningnan at itinuro ang aking sarili. “A-Ako?”  Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko nang tumingin siya kay Danielle. “Nakalimot na naman yata siya. Hindi na niya yata kilala ang sarili niya ngayon,” rinig kong sambit niya sa pi
Read more
TWENTY NINE
 “Nasaan ang mga tao? Bakit wala sila?”Taka kong tiningnan ang ngayon ay mag-isang kumakain sa hapag-kainan na si Dylan. Kulang nalang ay may kuliglig na tumunog sa kabuuan ng bahay dahil mula nang lumabas ako sa kuwarto ko ay wala na akong narinig na kahit na anong boses ng tao.  Nag-angat ng tingin sa akin si Dylan at nagkibit-balikat. “They’re gone.” “Ha?” Naguguluhang tanong ko sa kaniya. “Pumunta sila sa hacienda. Sa isang araw pa raw ang balik.” “Tapos? Bakit hindi ka kasama at…” Itinuro ko ang sarili ko habang kunot noo pa ring nakatingin sa kaniya. “At bakit hindi rin ako kasama?”Sa ikalawang pagkakataon ay nagkibit balikat na naman siya bago tumingin sa akin na para bang may sinabi akong obvious na naman. Nang hindi ako nagsalita at taka pa ring tumingin sa kaniya ay saka siya umiling at malakas na bumuntong hininga. “You’re sick. Sasama ka sa ka
Read more
THIRTY
 “I told you to drink your medicine a while ago. Hindi ko naman alam na hindi mo pala ininom.” “Nakalimutan ko,” tanging tugon ko at tinakpan ng unan ang aking mukha. Nasa kuwarto ko ako ngayon at masama ang pakiramdam. Sabi ko kanina ay baka mawala na rin ang lagnat ko ngayon o bukas pero mukhang ang kapal ng mukha kong sabihin iyon dahil ngayon ay mas mataas na ang lagnat ko kumpara kanina.  Mula nang kumain kami ng tanghalian ni Dylan ay umakyat na ako sa kuwarto ko para magtago dahil sa kahihiyan. Sinabi ko lang naman sa kaniya kanina na may mas posibilidad na magustuhan ko siya kaysa sa pinsan niya at mula nang sinabi ko iyon ay hindi na nawala ang naglalarong ngisi ni Dylan sa labi niya kaya naman alam kong iyon ang tumatakbo sa utak niya.  Dahil sa hiya ay matapos kumain, agad din akong nagpaalam sa kaniya at nagtago sa aking silid. At kung minamalas nga naman, dahil sa pagmamadali kong
Read more
THIRTY ONE
 “You’re being stubborn again, Kaia. Ubusin mo ‘yan o kung gusto mo, ako ang magsubo sa ‘yo.” Agad na umikot ang mga mata ko nang marinig ang itinawag niya sa akin. “Kanina mo pa kao tinatawag na ganiyan, hindi mo ba napapansin? Thalia nga sabi ang pangalan ko, hindi Kaia,” suway ko sa kaniya. Mahina siyang tumawa at tumingin sa gawi ko. Ibinaba niya ang hawak na mangkok ng lugaw sa bed side  table bago umupo sa gilid ng kama ko. Hindi ko naman mapigilang mapalunok nang maramdaman ang presensiya niya na malapit sa akin.  “Nah. I will call you Kaia until you call yourself Kaia.” Umismid ako. Alam kong hindi ako dapat ma-offend pero pakiramdam ko, kaya niya lang ako inaalagaan dahil ang tingin niya ay ako ang asawa niya. Hindi dahil sa concerned siya kahit na sino man ako. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at umirap. “Mag-aaway na naman ba tayo dahil diyan? Hindi ka pa
Read more
THIRTY TWO
 “Bakit hindi pa kami puwedeng bumalik ng Maynila ni Dylan?” Sunod-sunod na bumuntong hininga si Brielle sa kabilang linya na para bang napakalaki ng problema niya. Umaga na ngayon at mamayang hapon ay bi-biyahe na kami ni Dylan pabalik sa Maynila kaya naman hindi ko talaga maintindihan ang biglaang pagtawag sa akin ni Brielle.  “Basta makinig ka nalang sa akin, Thalia. Someone called us from there and trust me… it was chaotic! Hindi pa kayo puwedeng bumalik. Hintayin  niyo muna kami ni Aziel. We already booked our flight. Pabalik na rin kami sa Maynila. Habang wala pa kami, diyan muna kayo sa Batangas ni Dylan.”“Ha? Pero aalis na kami mamayang hapon,” giit ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang pagpasok ni Dylan sa aking silid.  “What is it?” tanong ni Dylan kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Umupo siya sa sofa sa gilid ng kuwarto at kaswal na ipinagkrus ang kaniyang dalawang braso.
Read more
THIRTY THREE
 Kahit na sinabi sa akin ni Brielle na huwag muna kaming umuwi ni Dylan sa Maynila, hindi ko pa rin nasunod ang gusto niyang gawin ko dahil desidido pa rin talaga si Dylan na umuwi kahit na ano mang pilit ang gawin ko sa kaniya.  Aniya, kailangan niya raw umuwi sa Maynila para magtrabaho dahil tawag na nang tawag sa kaniya ang mga katrabaho niya kaya’t wala na siyang magagawa dahil kung hindi, baka raw mawalan pa siya ng trabaho—na siya namang hindi ko pinaniniwalaan. Hello, Chief of Police kaya siya. Sa taas ng ranggo niya, mahihirapan ang mga boss niyang tanggalin siya sa trabaho.  Hindi naman sa makapal ang mukha ko at assumera ako o ano pero pakiramdam ko, kaya gusto niyang bumalik na kami sa Maynila ay dahil gusto niya akong  ma-solo. Alam niya kasi na medyo matagal pang uuwi sina Brielle kaya’t doon muna ako sa bahay niya. Isa pa, hindi kami masiyadong makakapag-usap dito sa Batangas lalo pa’t narito ang buong angkan niya na pa
Read more
THIRTY FOUR
 “Excuse me but…” Itinulak ni Dylan palayo ang babae kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tingnan kung sino iyon. “Who are you?”Ilang beses akong kumurap dahil kahit na anong tingin ko sa mukha ng babae, hindi ko siya makilala. Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan. Unang pumasok sa isip ko na ex girlfriend siya ni Dylan dahil tinawag niyang ‘Love’ si Dylan subalit agad ding nawala ang hinala kong iyon nang tanungin siya ni Dylan kung sino siya, tanda na maging si Dylan ay hindi rin siya kilala. Tuluyang humiwalay ang babae kay Dylan kaya naman umayos ako ng pagkakatindig. Masiyado niyang in-enjoy ang pagyakap, ah? Parang ilang taong hindi nagkita. “I am deeply offended by your question, Dylan.” Wala sa sarili akong napalunok nang marinig ang boses ng babae. Parang… Ilang beses akong kumurap at hindi pa rin inaalis ang tigin sa kaniya. Maging si Dylan ay halatang nagulat din nang tuluyang m
Read more
THIRTY FIVE
 “Ibig  mo bang sabihin, kaya ayaw niyo kaming pauwiin ni Dylan sa Maynila dahil alam niyo na na bumalik na ang totoong Kaia?”“Thalia, she’s not Kaia. Look at her—ibang-iba siya kay Kaia,” mabilis na pagtatama ni Brielle sa sinabi ko kaya naman napailing na lamang ako.  Kanina niya pa ipinipilit na hindi si Kaia ang babaeng iyon pero hindi ko rin naman magawang maniwala sa kaniya. Base sa pagsagot ng babaeng iyon sa mga tanong ni Dylan kanina, halatang-halata na alam niya ang ginagawa niya. Halatang-halata na sigurado siya sa bawat sagot na sasabihin niya kay Dylan… bagay na kahit kailan ay hindi ko magagawa. “Nai-kuwento ko na sa inyo kung anong sinabi niya kanina kay Dylan at naniniwala ako sa kaniya. Maging si Dylan, parang naniwala na rin sa sinabi niya kaya baka nga siya ang Kaia na hinahanap niyo at hindi ako.” Hindi sumagot si Brielle sa sinabi ko at sa halip ay pinanliitan lamang ako ng mga mata
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status