Lahat ng Kabanata ng Played By Fate: Kabanata 11 - Kabanata 20
303 Kabanata
Chapter 11-Opisina
"Nakapili ka na ng isusuot mo?" tanong ni Fausto sa apo."Yes, kumusta po ang pakiramdam niyo?" Sinalat niya ang noo ng abuelo. Alam niyang tumaas ang bp nito dahil sa mga pinsan. Hinihintay niya lang talaga na ipakilala siya ng abuelo sa publiko saka niya harapin ang pinaghihinalaan nilang sangkot sa pagkawala ng kaniyang ama."Ayos lang ako at huwag mong alalahanin. Kailangan mong tutukan ngayon ay kung paano harapin silang lahat at ipakitang hindi ka mahina!"Ngumiti siya ng matipid sa abuelo. "Nangako po ako na hindi na kayo salungatin sa mga desisyon niyo sa buhay ko.Muling ngumiti si Fausto, mukhang natuto nang lumaban mag-isa ang apo dahil sa experience nito sa buhay. Kung sino man ang lalaking nakabuntis dito ay dapat niyang pasalamatan. "Lolo, hangga't maari ay ayaw kong may ibang makakaalam tungkol sa anak ko."Tumango si Fausto, kahit siya ay ayaw niya ring makilala muna ng iba ang apo niya sa tuhod lalo na at lalaki ito. Nasa lugar kung saan lumaki si Stella ang bata nga
Magbasa pa
Chapter 12-Muling pagkikita
Napatingin si Diana sa babaing nakatitig sa kanila. Nang magsalubong ang kanilang tingin ay bumakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat. "Stella?"Hindi na nagtaka si Stella kung nagulat ang babae pagkakita sa kaniya. Well, hindi nito alam ang tunay niyang pagkatao kaya nakapagtaka nga kung bakit siya naroon at sa floor pang ito. Hahakbang na sana siya palapit sa babae nang biglang lumingon sa gawi niya ang lalaking kausap nito. Kung kanina ay si Diana lang ang nagulat pagkakita sa kaniya. Ngayon ay siya naman ang napamulagat nang mamukhaan ang lalaki.Nangunot ang noo ni Charles nang makilala ang babaing nalingunan. Ang akala niya kanina ay namali lang ng pandinig sa pangalang sinambit ni Diana. Hindi niya akalaing sa kompanyang ito niya lang makita ang dating asawa na matagal nang hinahanap."Gosh, ikaw nga, Stella!" Eksahiradong naibulalas ni Diana at mabilis na nilapitan ang babae. "What are you doing here? I mean, kailan ka pa naging empleyado dito sa kompanya namin?"Gustong umikot
Magbasa pa
Chapter 13-Hamon
"Sir, malapit na po magsisimula ang meeting."Nilingon ni Charles ang kaniyang secretary na hindi namalayang sumunod sa kaniya. Napabuntonghinga siya bago lumakad pabalik sa conference room.Nawalan na ng ganang tumuloy sa conference room si Stella. Sumakit din bigla ang ulo niya kaya nagpasya na lamang siyang umalis.Mabilis na nilapitan ni Alex ang dalaga at inalalayan ito papunta sa elevator. Naikuyom ni Charles ang kamao nang mamukhaan ang lalaking kasama ni Stella. Kung ganoon ay ang lalaki ring iyon ang sinamahan ng dating asawa. Mukhang may connection sa komanyang ito ang lalaki kaya naroon ang mga ito. Pagkalulan ng mga mga sa elevator ay humarap sa kaniya ang dalawa. Parehong malamig ang tinging ipinukol nila sa isa't isa ng dalaga bago nagsara ang elevator."Ayos lang po ba kayo, ma'am?" tanong ni Alex sa dalaga. "Dumiritso po tayo sa anak ko," pabulong niyang sagot kay Alex.Hindi na nagtanong pa ang lalaki at sinunod kung ano ang inutos ng dalaga.Sa mansyon, hindi mapal
Magbasa pa
Chapter 14-Bisita
"Siya ba ang sinasabi mong kaibigan mo noon, Diana?" tanong ni Vanz sa kapatid."Kuya!" Nakangiting kumapit siya sa braso ng kapatid. "Siya nga po, kuya at huwag mo sana siyang pahirapan dito." Napakamot si Mauro sa batok at lalong hindi na siya makatanggi ngayon sa paanyaya ng dalaga. Kilala niya si Vanz. Alam niyang isa ito sa nominated as CEO ng naturang kompanya ngayon. Nakangiting hinarap ni Vanz ang lalaki. "Ikinagagalak kong makilala kang muli. Pasensya na kanina sa conference room kung marami akong katanongan."Napalabi si Diana at marahang hinila-hila ang braso ng kapatid. Ipinararating dito na hindi niya nagustohan ang ginawa nito kanina."I understand, business is business. Kahit ako ang nasa katayuan mo ay ganoon din ang gagawin ko. Salamat sa pagiging professional at huwag niyo sana akong bigyan ng special treatment dahil naging kaibigan ko ang kapatid mo.""Mauro, don't worry dahil wala na kayo sa trabaho kaya ganito makipag-usap sa iyo ang kapatid ko. Masanay ka na s
Magbasa pa
Chapter 15-Muling pagkikita
Ma'am, ipaghanda ko po kayo ng paborito niyong almusal." Nagkukumahog na lumayo na si Marimar sa dating asawa ng amo.Pipigilan sana ni Stella ang katulong ngunit nakalayo na ito. Ibinalik niya ang tingin kay Charles, para siyang namalikmata nang mabanaag sa mga mata nito ang kakaibang emosyon. Tila ba dinadaya siya ng paningin at nababasa niya sa mga titig ni Charles na nangungulila ito sa kaniya.Napakurap si Charles nang matauhan. Parang hindi niya nakilala ang sariling damdamin kanina at panandaliang nawala sa sarili. "Mabuti naman at may natira pang kunsensya diyan sa puso mo at naisip mong dalawin si Lolo."Bumalik ang galit sa kaniyang puso dahil sa sinabi ng binata. Mukhang dinaya nga lamang siya ng sariling paningin kanina. Arogante pa rin ang lalaki at walang amor sa kaniya. Ang tingin pa rin nito sa kaniya ay mukhang pera at mapagkunwari."Ayaw ko ng gulo. Hindi ako nagpunta dito para makipag usap sa iyo."Sandaling natigilan si Charles dahil sa malamig na pakipag usap sa
Magbasa pa
Chapter 16-Panghihinayang
"Hija, pagpasensyahan mo na ang apo ko. Huwag mo na akong alalahanin dahil may nurse na nag-aalaga na sa akin. Masaya na akong nakita kita ngayon at panatag ang loob dahil mukhang masaya ka na sa buhay mo ngayon."Nakangiting tumango si Stella sa matanda bago nilingon si Charles. "Mayaman ang naasawa ko kaya hindi ko na kailangang magpakahirap ng trabaho upang kumita."Napatiim bagang si Charles at naggalawan ang panga. Hindi niya matanggap na hindi na siya kailangan ng dating asawa dahil mukhang mas mapera ang ipinalit sa kaniya."Pero huwag kang mag-alala, dadalawin ko pa rin si Lolo Ramon at alagaan kapag may oras ako. Welcome naman siguro ako rito anytime na gustong kong pumanta dahil bahay ko ito?""Of course, pero hayaan mo sanang dumito lang si Lolo dahil mas gusto niyang tumira dito."Ang pormal ng mukha ng binata sa pakipag-usap sa kaniya. Napailing siya sa sarili nang mapagmasdan muli ang mukha nito. Parang nanadya pa ang lalaki at nagpahaba ng buhok. "Huwag kang asyumera,
Magbasa pa
Chapter 17-Kunsensya
"Ang milyones na sinasabi mo, sigurado ka ba na kinuha niya kapalit ng kaniyang kalayaan?"Lalong nagulohan si Charles sa tanong ng abuelo. Ang alam niya lang ay tinanggap ni Stella noon ang pera at umalis. "At naniniwala kang may iba siyang lalaki?" tanong muli ni Ramon sa apo."Lolo, narinig mo naman kanina ang sinabi niya na may asawa na siya." Mukhang napipilitang sagot niya sa abuelo.Naiiling na pumalatak si Ramon. "Ang kapatid mo, huwag sanang maging tanga sa pagpili sa mapangasawa. Huwag ding maging bulag sa katotohanan katulad mo."Marahang napabuntonghininga si Charles at hindi na pinatulan ang sinabi ng abuelo. Kung ito ang masusunod ay gusto nitong mapatalsik na sa buhay nilang magkapatid ang madrasta nang mawala na ang kanilang ama. Ngunit mahal ni Sophie si Magda dahil ito na ang nakamulatan nitong ina. Hindi na muling nagsalita ang abuelo kaya inabala na muli ang sarili sa trabaho."The food is ready, lolo! C'mon, alam kong na miss mo ang luto ko." Masiglang nilapitan
Magbasa pa
Chapter 18-Inggit
"Ano ang ginagawa mo dito sa silid ng lolo ko? Ano ang kailangan mo at bumalik ka pa?" Magkasunod na tanong ni Sophie kay Stella at agad na nilapitan ang abuelo.Pumalatak si Stella sa isipan, kung umakto si Sophie ay para bang ginagawan niya ng hindi maganda ang abuelo nito."Sophie, anong klasing tanong iyan? Pamamahay ni Stella ito kaya hindi mo siya dapat tinatanong ng ganiyan.Inis na napairap si Sophie kay Stella dahil ito pa rin ang kinakampihan ng abuelo. "Hindi niya po pinirmahan ang kasulatan noon kaya wala siyang karapatan sa bahay ni Kuya!" Pagtataray niya.Napatda si Magda mula sa kinatayuan nang marinig ang sinabi ni Sophie. Bigla siyang kinabahan at baka makarating iyon kay Charles. "Ano ang sinabi mo?" Naningkit ang mga mata ni Ramon, "ang ibig sabihin ay alam mong hindi niya kinuha ang ibinigay ng kapatid mo pero hindi mo sinabi kay Charles?"Biglang namutla si Sophie at dinaga ang dibdib. Huli na para bawiin ang mga sinabi dahil sa selos at galit. "Lo-lolo, hindi ko
Magbasa pa
Chapter 19-Pananakot
Tulog na ang matanda nang dumating ang doctor. Nanatili lang si Stella sa isang tabi at walang balak umalis kahit masama ang tingin sa kaniya ni Sophie."Mabuti na lang at naagapan ang pagtaas pa ng kaniyang dugo. Iwasan ninyong magalit siya ng husto." Payo ng doctor sa pamilya ng pasyente."Paalisin mo na siya, kuya, bago pa magising si Lolo upang hindi na muli sumama ang pakiramdam ni Lolo." Turo ni Sophie kay Stella."Kung wala ka lang ding sasabihing matino ay tumahimik ka, Sophie!" he said in stern voice.Mariing naglapat ang mga labi ni Sophie at nagpupuyos sa galit ang kalooban. Siya lamang ang nakarinig sa sinabi ng kapatid pero sobra siyang napahiya dahil parang kinakampihan pa si Stella."Kailangan niyo siyang dalhin bukas ng umaga sa hospital at kailangan e check ang dugo at ihi niya." Bilin ng doctor habang inaayos ang laman ng bag at paalis na rin."Maraming salamat po, doc." Nakipagkamay si Charles sa manggagamot bago ito hinatid hanggang sa labas ng bahay.Walang salita
Magbasa pa
Chapter 20-Dissapoint
Dapat nga ay magpasalamat ka sa akin at maging mabait. Baka nakalimutan mong may pinagpiliian ka pa noon sa pag-alis?"Mabilis na luminga sa paligid si Elizabeth at baka may ibang makarinig sa sinasabi ni Stella. "You, shut up! Walang maniniwala sa iyo kahit magsalita ka sa kanila!"Nang-uuyam ang tinging ipinukol niya kay Elizabeth. Ang galing nitong magpanggap katulad ni Magda. Si Sophie ay nagagamit din nito at nahawaan sa kaplastikan ng ugali ng mga ito."Huwag kang mag-alala, wala naman akong balak bumalik sa pamilyang ito kaya manatili ang sekreto mo."Nagpupuyos sa galit na sinundan ng tingin ni Elizabeth si Stella. Matapos nitong magsalita ay tinalikuran na siya na para bang isang basurang kausap.Sa loob ng library, tahimik na lumapit si Sophie sa kapatid. Pagtingin niya sa madrasta ay ang tahimik din nito. Nakaka intimidate ang aura ng mukha ng kapatid niya at maging siya ay takot na magtanong kung bakit sila pinatawag doon."Sabihin niyo na sa akin ngayon ang lahat."Nagka
Magbasa pa
PREV
123456
...
31
DMCA.com Protection Status