All Chapters of Played By Fate: Chapter 21 - Chapter 30
303 Chapters
Chapter 21-Mapagparusang halik
"Huwag kang mag-alala, ibabalik ko kay Lolo ang singsing. Nakalimutan kong siya ang nagbigay niyon sa akin."Bumuka ang bibig ni Charles ngunit muli ring naitikom. Hindi niya mabigkas ang laman ng isipan at pinangungunahan na naman siya ng kaniyang ego."Marahil ay ang singsing ang hinihintay mo para mapakasalan na si Elizabeth.""Kaya ko siyang pakasalan kahit wala ang singsing na iyan!" Gustong tumikwas ng kilay niya nang mapansing nag-igtingan ang panga ng binata. Hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit nito at may diin pa ang bawat salitang namutawi sa bibig nito. "Okay, hindi naman pala dapat ako makunsensya kung nakit hindi pa kayo kasal. Ang alahas ay puwede mong kunin kung nanghihinayang kang mapunta sa katulong. Pero ang mga damit,bag at sapatos, hayaan mo na sanang mapunta kay Marimar."Lalo lamang napatiim bagang si Charles. Parang wala lang kuwenta para sa dalaga ang mga gamit nito. Talagang ipinamumukha nito sa kaniya ngayon na hindi na mahalaga ang lahat na may kaug
Read more
Chapter 22-Pagkalito
Fate 22-PagkalitoMabilis niyang pinunasan ang labi na para bang nandidiri nang makalayo kay Charles. Gusto niya sana itong murahin ngunit biglang tumunog ang cellphone niya. Pagkakita ng caller ay agad iyong sinagot kahit kaharap pa si Charles. "Mommy, I'm going to sleep now po." Paglalambing ni Zion sa ina.Napangiti si Stella pagkarinig sa boses ng anak. Kahit papaano ay nabawasan ang inis na nadarama. "Yes, baby, sorry kung hindi ako nakatawag kanina. Kumain ka na ba?"Naikuyom ni Charles ang kamao nang makita sa mukha ni Stella ang tuwa habang kausap ang tao sa kabilang linya. Ang ganoong tono ng babae sa pakipag-usap ay sa kaniya lang ginagamit noon. At ngayon? Mukha ngang mahal na mahal nito ang taong kausap dahil dito na ginagamit ang ganoong tono."Yes po, mommy. I miss you!"Muling napangiti si Stella sa paglalambing ng anak. Kung nasa harapan niya lang ito ay tiyak napupog na niya ng halik sa pisngi ang bata. "I miss you too, baby!"Lalong dumilim ang anyo ni Charles. Mukh
Read more
Chapter 23-Alaala
"Honey, here's your coffee." Nakangiting inilapag ni Elizabeth ang tinimplang kape sa harapan ni Charles. Nagpumilit siyang ipagtimpla ito kahit tumanggi ang binata.Hinilot ni Charles ang sintido at nanatiling nakayuko ang ulo. Kulang na namam siya sa tulog kaya nagkakaganito."Honey, inumin mo na ang kape habang mainit pa." Paglalambing niyang muli sa binata."Fresh milk dapat ang pinapainum mo sa kaniya."Salubong ang mga kilay na nag-angat ng tingin si Charles pagkarinig sa tinig ni Stella. Ngumiti si Stella sa dalawa bago lumapit sa refrigerator. Natuwa siya nang makita ang gatas na binibili niya noon. Kanina ay wala pa iyon doon kaya mukhang nag-order online si Charles. Alam niyang ayaw ng binata ng gatas. Napilitan lamang ito noong lumipat na sila sa bahay na ito at naging mapilit siya.Inis na hinarap ni Elizabeth si Stella, "hindi umiinum ng gatas si Charles." Mataray niyang sagot sa babae.Parang walang narinig si Stella at dinampot ang isang fresh milk. Sinalinan ang baso
Read more
Chapter 24-Takot sa sariling damdamin
"Lolo, matulog na po kayo at titingnan ko rin si Charles bago tumuloy sa silid ko."Nakangiting pumikit na ng mga mata si Ramon bago nagpasalamat sa dalaga. Matutulog siyang umaasa na bukas ay may magandang result ang ginawa niya ngayon. Nang masiguro niyang tulog na ang matanda ay lumabas na si Stella. Naghihintay sa labas ng bahay si Alex at dala ang gamit na kailangan niya. "Ma'am, hinahanap ka sa akin ng abuelo mo." Nakayuko ang ulo ni Alex sa harapan ng dalaga."Tatawagan ko siya," ani Stella habang kinukuha ang tamang laki lang na bag mula sa personal bodyguard niya. Muling yumuko si Alex at nagpaalam na sa dalaga. Ito lang ang maganda sa pamilyang pinagsisilbihan, hindi sila pinipilit magsalita ng kapamilya tungkol sa impormasyon ng pinagsisilbihan nila. Mula sa terrace ay napahigpit ang hawak ni Charles sa kopitang may lamang red wine. Nakikita niya si Stella at kausap ang lalaking dahilan ng kanilang paghihiwalay. Pero nangunot ang noo niya nang magyuko ng ulo ang lalaki
Read more
Chapter 25-Selos at galit
"Mi-minahal mo ba talaga ako?" nabubulol na tanong ni Charles kay Stella."Ano pa ang kwenta kung sasagutin ko ang tanong mo? Naiirita na siya sa paulit-ulit na tanong at pamimintang sa kaniya ng binata."Akin ka lang 'di ba?" Sumuray ang lakad ng binata palapit sa dalaga dala ng kalasingan.Napailing si Stella at sa halip na umiwas sa binata ay tinulungan niya ito bago pa matumba. Alam niyang hindi siya nito magawan ng hindi maganda dahil lasing na ito. Hindi naman siya ganoong kasama para ipagtulakan ito palabas ng silid. Isa pa ay inaalala ng matanda na baka hindi pa ito natutulog. "Shh-Stella...""Damn!" Napamura siya nang sumubsob ang mukha ni Charles sa kaniyang dibdib. Muntik pa siyang matumba dahil nasa kaniya lahat ng bigat nito. "Stella... ba-bakit mo ako ginaganito?""What the hell, Charles? Alam mong hindi mo kaya ang iyong sarili kapag lasing ka pero uminum ka pa rin ng marami?" Sermon niya rito at hirap na naglakad papuntang kama.Pabagsak na naihiga niya ang binata sa
Read more
Chapter 26-Hospital
Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Ramon hanggang sa makalabas ng bahay. Masaya siyang nakikitang magkasama ngayon ang dalawa."Lolo, ayos lang po ba kayo?" Malambing na tanong ni Sophie sa abuelo.Ngumiti si Ramon sa dalaga. Masaya rin siyang nakikitang hindi na nito inaaway si Stella.Tumabi si Sophie sa abuelo at ayaw niyang maagaw muli ni Stella ang atensyon nito . Pero dahil sa ginawa niya ay sa kapatid naman niya ito napatabi sa unahan ng sasakyan. "Wala naman si Elizabeth," bulong niya sa sarili. Ang mahalaga ay nasa kaniya ang atensyon ng abuelo.Tahimik lang si Stella sa kinaupuan at inabala ang sarili sa cellphone. Natanggap niya ang selfie picture ng anak habang nag-aalmusal ito. Napangiti siya bago nagtipa ng reply sa yaya ng kaniyang anak.Napahigpit ang hawak ni Charles sa manubela nang makitang abala si Stella sa cellphone nito. Mukhang ang asawa nito ang kausap.Pagdating sa hospital, tahimik na sumunod lang si Stella sa dalawang magkapatid na nagtutulak sa wheelchai
Read more
Chapter 27-Mix emotion
Naalala ni Charles ang kaibigang doctor dahil sa cellphone. Naalala niyang hindi na nalinaw ang sinabi nito kanina dahil nagmamadali at tanging calling card ang kinuha kanina sa ama nito."Siya ang una kong naging pasyente, four years ago." Parang echo sa isipan ni Charles nang maalala ang sinabi ng kaibigan kanina."Pasyente? Four years ago?" kausap niya sa sarili bago napatuwid ng upo nang luminaw na ang bagay na kanina pang gumugulo sa isipan.Mabilis na tumayo si Charles at dinampot ang cellphone na nakapatong sa maliit na lamesa. Sa halip na si Elizabeth ang tawagan ay ang assistant ang kaniyang kinausap."Sir?""Noong umalis si Stella, saang hospital siya hinatid ng taxi driver?"Nangunot ang noo ni Roy at nagulohan sa tanong ng amo."Answer me, damn it!" bulyaw ni Charles sa kausap sa cellphone nang hindi agad ito nakasagot."Sorry, sir, iniisip ko pa po." Nataranta si Roy at tinaasan na siya ng boses ng binata. Hindi niya alam kung bakit biglang iyon ang naitanong nito sa kani
Read more
Chapter 28-Panlalamig
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Charles kay Elizabeth nang maabutan ito sa opsina niya. Kagagaling niya lang sa conference room at mainit pa rin ang ulo niya."Honey, gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi na ako galit dahil sa nangyari nakaraang araw." Paglalambing ni Elizabeth sa nobyo. Siya na nanuyo sa binata at mukhang nasanay na itong wala siya sa tabi nito. Bukas na ang event at nag-aalala siya na baka mapili ito na maging asawa ng tagapagmana ng matandang business tycoon. Sandaling napatitig si Charles sa nobya. Talagang inabala niya ang sarili sa kahit ano na lang na trabaho upang makapahinga ang isip sa kakaisip sa mga nakaraan. Pati ang babae ay nakalimutan na rin niya at hindi nagawang tawagan.Mabilis na lumapit si Elizabeth sa nobya at ikinawit ang kamay sa braso nito. "Honey, mahal na mahal kita. Ayaw kong makasira muli tayo dahil sa babaing iyon."Parang napapasong lumayo si Charles kay Elizabeth at pinaalala ang taong pilit niyang kinakalimutan. Nagagalit na n
Read more
Chapter 29-Entrance
Inilibot ni Diana ang tingin sa paligid pagkapasok sa malawak na venue. Sa isang magara at sikat na hotel dinaos ang event na pag-aari mismo ng pinsan. Mayaman din sila pero naiinggit pa rin siya sa apo ni Don Fausto. Kung wala ang apo nito ay tanging sila ang natitirang malapit na kamag-anak ng matanda at tagapagmana sana."Ayusin mo ang iyong sarili, ani Vanz sa kapatid at inalalayan na ito papasok sa venue.Napabuntonghinga si Diana, kung siya ang masusunod ay ayaw niyang mag-attend. Naiinis siya at may paganito pa ang pinsan. Sobrang pa importante at talagang hindi nagpakilala sa kanila noon. Biglang may lumapit sa kapatid kaya naging abala na ito sa pakipag-usap sa iba."Diana, is that you?" bati ni Sophie sa babae. "Oh, hi!" magiliw na bati ni Diana sa babae nang makilala. Minsan na niya ito naka acquaintance dahil kay Stella at sa kapatid nito."Nice to see you again. This my friend, Elizabeth." Ipinakilala ni Sophie ang kasamang kaibigan.Ngumiti si Diana at nakipagkamay sa d
Read more
Chapter 30-Pagkamangha
Sobrang nag-e-enjoy ang tatlo habang pinapanood kung paano sapilitang ilabas ang dalawa. Ngunit bago pa makalayo ang mga ito ay may sumita sa mga tauhan."Ano ang ginagawa ninyo?" Parang natuod ang tatlong guard nang makilala ang lalaking sumita sa kanila."Mauro, kanina ka pa ba?" Agad na ikinawit ni Diana ang kamay sa braso ng binata upang mabaling sa kaniya ang atensyon nito."Bakit hinayaan mong palabasin sila ng mga guard?" Napipilan si Diana sa naging tanong ng binata at halatang galit ito. Bigla siyang kinabahan na baka malaman nitong siya ang may kagagawan. Ayaw niyang malaman nito na hindi maganda ang ugali niya at matapobre."Hi, Mauro, long time no see!" bati ni Sophie sa lalaki.Nangunot lalo ang noo ni Mauro nang makilala si Sophie. Sa halip na batiin din ito ay nilapitan niya si Stella.Napabitaw si Diana sa braso ni Mauro at inis na sinundan ito. Talagang masisisanti niya mamaya ang tatlong guard dahil mabagal kumilos kaya nakahanap pa ng kakampi si Stella.Nagkatingi
Read more
PREV
123456
...
31
DMCA.com Protection Status