Simonne Series 3: Amnesia For Love

Simonne Series 3: Amnesia For Love

By:  Jane Vauclain  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating
35Chapters
2.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Tracy Martinez applied as a secretary to the Simonne's with them not knowing that she is one of the family members of their rivals, The Cysco's. Her job was to spy on them, but she didn't expect to fall in love with Caleb Simonne, they became best of friends; she knew he was gay but she was okay with it, loving him and just being near him was enough, but when things went rough and her family was planning on introducing her as one of their own, she had to leave and break their friendship, Caleb wanted to know her real reasons only to find out the whole truth, their huge fight turned into a huge accident which cost Caleb's memories. Tracy felt guilty and wanted to be there for him until he gets better, she just didn't expect Caleb's family to think they were together as a couple, but she went with the flow, she's in love with him, she'd do everything to be with him. But what will happen when all his memories come back?

View More
Simonne Series 3: Amnesia For Love Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
user avatar
Potterhead Muggles
One of my faves from you Author ...
2021-09-24 18:33:01
0
35 Chapters
Prologue
"KAILANGAN ko pa bang gawin ito Marc?" tanong ko sa lalaking kaharap ko."Well you have to Ana," ngumiti siya sa akin. "You have to prove yourself worthy of the Cysco surname."Hinawakan ko yung papel na nasa mga kamay ko. "Hindi madali itong pinapagawa mo sa akin.""Walang bagay na madali. In fact mas madali pa nga yan kaysa sa trabaho ng iba diyan. Wala kang ibang gagawin kundi maging secretary lang. Anong mahirap dun? Hindi ko naman sinabi na pikutin o dapat mapakasalan ka ng isa sa mga Simonne," huminga siyang malalim. "Napakaliit na pabor kumpara sa pwede mong makuha."Tinignan ko ang mga papeles na nasa kamay ko at muling binasa ang nakalagay doon. Naroon ang pangalan ng bawat isa sa mga tagapag-mana ng mga
Read more
Chapter One
TracyLABAG man sa loob ko ay ginawa ko ito.Ano na nga lang bang meron ako kundi ang pamilya ko. Patay na ang mga magulang ko kaya ang mga Cysco na lang ang talagang maituturing kong malapit na pamilya sa akin.Pulis ang Tatay ko at siya Oscario Martinez. Ang nanay ko naman ay si Anastacia Cysco, siya iyong klase ng mayaman na babae na nagkagusto sa isang ordinaryong lalaking gaya ng Tatay ko, parang istorya lang sa isang novella hindi ba? Pero hindi gaya ng ibang kwento na nababasa sa mga novella hindi naging ganun kaganda ang pagsasama nila.Sabi ni Tatay hindi sanay ang Nanay ko sa klase ng pamumuhay na kaya niyang ibigay hanggang sa isang araw bumalik si Nanay sa mga Cysco, pinili niyang isama ako p
Read more
Chapter Two
Caleb..."JAY nakita mo na ba yung mga designs na pinakita ko sayo?" tanong ko sa pinsan ko sa phone."I'll check it later Caleb, sorry I'm kind of busy these past few days, na-approve na yung isa sa proposal ko kay Papa pero alam mo na pag na-approve kailangan ko na agad asikasuhin, kaya salamat na rin sa tulong mo.""Of course, kahit kailan.""So how's New York?""Fun.""Hmmm, fun?""Yeah," biglang pumasok yung kaibigan ko."Hey Vinny look what I got!" Excited niyang sabi at pinakita yung kulay pink dress na nakalagay sa isang paperbag, siya yung room mate ko na si Christy, well his name is really Christian pero gaya ko, he's gay. Sumenyas ako na tumahimik siya saglit at ginawa naman niya."Who was that?" Narinig kong sabi ni Jay."Oh no one, sa kabilang room yata yun, alam mo naman kasi itong inuupahan ko.""Bakit kasi nagtitiis ka sa ganyang lugar? You know you ca
Read more
Chapter Three
Tracy...BREATHE in, breathe out. Ilang beses kong ginawa yan bago kumatok sa pintuan nung Hotel Suite ni Mr. Caleb Simonne. Inasahan ko ng magkikita kami pero hindi ko inexpect na agad-agad, nanlaki ang mata ko pagkabukas ng pinto. Isang taong pulang-pula ang buhok ang nakatayo sa harap ko.Nakita ko na siya dati pero bakit nandito siya, "Ahm...""Ikaw yung?" Napangiti siya sabay turo sa akin, "So hindi ka natanggal?" Nakita ko ang pagngiti niya. Umiling ako."Si Caleb ba ang ipinunta mo?" Tanong niya kaya tumango naman ako, "Ganyan ka ba talaga? Parang walang boses?"Tumikhim ako at yumuko bilang paggalang, "Pasensya na po, nandito po ako ngayon kasi
Read more
Chapter Four
Caleb..PUMUNTA ako kasama si Tracy sa Tagaytay para bisitahin ang pamilya ko doon, ang mga Criebo.Pagkarating pa lang ay sinalubong na ako ng Lolo at Lola ko, matagal ko rin silang hindi nakita kaya alam kong sobra nila akong namiss, nagpahanda sila ng makakain at ginusto pa nga na dun na ako magpalipas ng gabi, inakala din nila girlfriend ko si Tracy. Natutuwa ako na makita ulit sila pero hindi ko sinabi yung katotohanan tungkol sa sarili ko dahil na rin sa matanda na sila at tingin ko ay hindi na rin naman nila kailangang malaman pa."Pasensya ka na kung napagkamalan ka nilang girlfriend ko." Sabi ko kay Tracy habang nasa kotse na kami at nagmamaneho ako pauwi ng Makati."Okay lang po Sir, ganun nama
Read more
Chapter Five
Caleb...I saw Ivan and Neon at the lobby of Hotel Simonne. They looked tense. Doon pa lang alam ko ng may mali pero bakit sa Hotel Simonne pa namin kailangang magkita-kita."What happened guys? Is this about business?" Tanong ko sa kanila ng makalapit na ako."No Caleb, pumunta na lang tayo dun." Hinila ako ni Ivan papasok ng elevator at kasama na rin si Tracy, umakyat kami sa 20th floor ng Hotel at pumasok sa isang kwarto. Nakita ko si Gael doon na kasama si Jay at iilan pang lalaki. Jay was talking to those men.Umupo ako sa tabi ni Gael na parang hindi pa napansin na nandun na ako kung hindi ko pa tinapik yung balikat niya, "Hey." Tumingin siya sa akin at nagbigay ng tipid na ngiti, "What's up?"
Read more
Chapter Six
5 years later...Tracy"CALEB sa tingin ko itong pagpapa-auction mo ng mga lalaki para maka-date front mo lang. Ang gusto mo naman yata talaga ay titigan sila habang pinagnanasaan mo." Natawa ako sa sinabi ko at tumingin sa kanya na nasa tabi ko habang pareho kaming nakatayo sa gilid ng backstage.Tumingin siya sakin at pinaningkitan ako ng mata sabay irap, "Whatever Trace. Kung gusto ko ang isa sa kanila matagal ko ng nakuha.""Paano mo naman nasabi?""I'm a Simonne. Marami akong pera at kung gugustuhin ko pwede kong isuhol yun sa kanila." Tumaas ang kilay niya sa sinabi, "Isa pa, napakagandang nilalang ko na kahit straight na lalaki nagkakagusto sa akin.""Turuuuy! Medyo humangin yata.""Alam mo Trace akala ko nung una kitang makilala ang tahimik mo, puros ka lang nga tango at iling sabi nga ni Neon tapos ngayon kung makapagsalita ka sa akin, you always judge me, na
Read more
Chapter Seven
Tracy...NAGISING ako dahil sa isang taong humahaplos sa buhok ko, napangiti ako, "Naiinggit ka na naman sa buhok ko Cal, bakit hindi mo kaya i-try ang magpaka-straight?""Ha?"Minulat ko ang kaliwang mata ko dahil ramdam kong inaantok pa rin ako, hinawakan ko yung malagintong kulot na buhok niya, "Sabi ko bakit hindi ka magpa-straight gaya ng sa mga pinsan mo?"Ngumiti lang siya, "Yung pagkakulot ko nakuha ko sa side ng mga Criebo, sa side ni Mommy. Mas gusto ko nang ganito ang buhok ko."Umiwas ako sa kanya at humikab. Hindi ko kayang matagal na malapit ako sa kanya lalo na't gising na siya dahil natatakot ako na baka malaman niya ang nasa isip ko at ang nasa puso ko."Dito na pala tayo nakatulog dahil sa pagod. Gusto mo na bang mag breakfast tayo?" Tumango siya at sumunod sa akin patungo sa kitchen. Naupo siya sa bar counter
Read more
Chapter Eight
Tracy..."HANGGANG ngayon ba hindi mo pa rin nasasabi kay Caleb ang na mahal mo siya?" Napalingon ako kay Neon na biglang nagsalita sa likuran ko."Ssshh! Ano ka ba?!" Sumenyas ako sa kanya na 'wag maingay, "Baka marinig ka nung iba o ni Caleb. Anong ginagawa mo dito sa Simonne Clothing's designer's office?""Naisip ko lang dumalaw." Ngumiti siya, nakatingin lang ako sa pula niyang buhok na hanggang balikat na, "So ano na nga? Hindi mo pa nasabi sa pinsan ko na mahal mo siya?"Napairap ako sa kanya, "Pumunta ka lang yata dito para mang-intriga at maki-tsismis." Umupo siya sa sofa na malapit sa akin, "Hindi pa niya alam, tingin mo kung alam na niya nandito pa ako? Siguradong lalayuan na niya ako oras na malaman niya, alam mo naman kung ano si Caleb hindi ba?""I know, pero malay mo pag sinabi mo may magbago.""Kung may magbabago man, kami yun s
Read more
Chapter Nine
Tracy...MATAPOS ang araw na iyon ay hindi ko na nagawang makipag-usap o tumingin man lang ng matino kay Caleb. It was my first kiss! Our first kiss!Kaya paano ko naman magagawang kausapin siya ng matino kung ganoon?"Trace." Nanlaki ang mga mata ko at napahigpit ang kapit ko sa mga folders na nasa kamay ko, "Trace, mag-usap naman tayo.""Ahm, kailangan na po itong mga papeles dun sa.. ano.. kailangan na po ni Miss Gretchen." Itinaas ko iyong folders na hindi pa rin lumilingon sa kanya, "Para ho magawa na para sa Simonne Clothings.""Trace kulang pa yan, hindi pa ako nakakapag-design ng maayos nitong mga nakaraang araw hindi ba?"
Read more
DMCA.com Protection Status