All Chapters of Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2): Chapter 51 - Chapter 60
69 Chapters
Chapter 50
LABAG man sa loob ni Monica na umalis sa bahay ni Fernand, wala siyang choice kaysa maipit sa away ng magkapatid. Hindi matanggap ng sistema niya na si Fernand ang tatay ng anak niya. Wala siyang maramdamang pananabik dito, sa halip ay nilamon siya ng takot. Nang makuha ang mga gamit sa bahay ni Federico ay nagpahatid na siya sa driver sa bahay nila. Nagising na si Kenji at walang malay sa nangyayari. Nawindang naman ang kan’yang tiya nang makita silang mag-ina. “Bakit, Monica?” balisang tanong ng ginang. Tumulong naman ang driver at dalawang bodyguards sa paghakot ng kan’yang gamit. “Dito na muna kami, Tita,” aniya sa garalgal na tinig. Katatapos lang kasi niyang umiyak. “Ay, bakit? Nag-away ba kayo ni Federico?” “May nangyari po, magulo.” Dumiretso na siya sa kusina at nagtimpla ng gatas ni Kenji. Sinundan siya ng ginang. “Ano ba ang nangyari?” “Bumalik po ang kakambal ni Federico. Sinabi niya na siya ang totoong tatay ni Kenji at gusto niyang kunin ang bata.” “Diyos ko! Te
Read more
Chapter 51
MULING lumabas ng kuwarto si Monica kasunod si Federico na itim na boxer lang ang suot. Dumating na ang kan’yang tiya na namalengke pala. Hindi rin nito kasama si Kenji. “Ano’ng problema, Monica?” balisang tanong ng ginang. “Si Kenji po, nawawala!” aniya. “Ha? Narito lang siya kanina, ah. Bago ako umalis, lumabas ng kuwarto n’yo si Kenji. Pinainom ko siya ng gatas. Tapos pinapasok ko rin siya ulit sa kuwarto kaso sira ang lock ng pinto kaya hindi naisasara maigi.” “Eh, nasaan na siya?” Hindi na siya mapakali. Lumabas pa ng bahay si Federico at kinausap ang tauhan. “Hindi naman daw lumabas si Kenji,” sabi nito nang makabalik, balisa na rin. Mayamaya ay may humilagpos na kung ano mula sa loob ng tindahan ng kan’yang tiya. Sabay pa silang tumakbo ng ginang patungo sa tindahan. Hindi nakasara maigi ang pinto nito kaya itinulak lang niya. Pagpasok nila ay namataan nila ang batang namutakti ng chocolate ang mukha. Kandong pa nito sa mga hita ang plastic na garapon na lalagyan ng stic
Read more
Chapter 52
UMINIT na ang ulo ni Federico dahil sa mga akusasyon sa kan’ya ni Fernand. He lets him burst his nonsense sentiment in front of him, but he analyzes how Fernand states his sentiments. Kung papatulan niya ito ay lalong hindi sila magkakaintindihan.“You should stay away from Wilfredo, Fernand. I know he was just using you against me,” he said.“Really? How can I believe you? Wilfredo was better than you, and I could feel his care for me, unlike you!”Nasaktan ang ego niya sa sinabi ni Fernand. He can’t blame him, either. He didn’t show care for his brother, but he really did. Hindi lang talaga siya natuto noon magpakita ng emosyon.“You’re just looking to my bad side, and that blinded you about my care for you. Hindi man tayo nagkasundo sa maraming bagay pero palagi akong nagpapakumbaba. Hindi mo lang na-appriate ang mga bagay na binalewala mo.”Fernand chuckled. “I never expect you will change, Federico. We’re opposite, and people who don’t know your dark side praised you, and they th
Read more
Chapter 53
TAWAG nang tawag si Monica kay Federico at kabado na dahil hindi pa bumabalik ang mga guwardiya. Alas-sais na ng hapon. Nakaapat na dial na siya bago sumagot si Federico. “Hay, salamat!” aniya. Napaluklok siya sa sofa at naibsan ang kan’yang kaba. “Monica, stay inside your house. Hindi ko muna pinabalik diyan ang guwardiya m dahil nagsu-survey ang mga pulis. Hinahanap nila ang mga sindikatong nanghuli ng residente riyan. Baka mapagdudahan ang tauhan ko dahil umaaligid sa baranggay n’yo,” ani Federico. “Eh, paano ‘yan? Susunduin mo ba kami ni Kenji ngayon?” “Yes, pero baka ma-late ako. May pinipirmahan pa akong papeles. Basta huwag kayong lalabas ng bahay.” “Oo. Dito lang kami sa loob maghihintay. Pero ano ba ang modos ng mga sindikato?” “I don’t have an idea. Puwedeng may kinalaman sa ilegal na droga ang ginagawa nilang pagdakip sa mga tao.” “Hindi kaya tauhan din ni Wilfredo ang mga sindikato at gusto lang bulabugin ang mga pulis? Kasi ang weird bakit dito pa sa baranggay nami
Read more
Chapter 54
SINABI ni Monica kay Federico ang mga sumbong ng kan’yang tiya. Kaagad tumawag ang binata sa isang agent nito at pinamanmanan din ang bahay nila. Ayon sa agent, positibong bahay nga nila ang target ng kahina-hinalang van. “Paano ‘yan? Baka akala ng sindikato ay naroon ako sa bahay namin. Hindi kaya may kinalaman dito si Fernand?” nababahalang wika niya. Tapos na silang mag-almusal at tinutulungan siya ni Federico sa pagsasampay ng mga nalabhang damit sa labas. Balisa rin ang binata. “Walang paramdam si Fernand. Pero maayos na ang usapan namin tungkol sa mana. Imposibleng manggugulo pa siya, unless ipipilit niya na kunin si Kenji.” “Baka ‘yon ang plano niya. Pero ano pa ba ang gusto niya? Mana lang ang kailangan niya ‘di ba?” “I’m not sure. He keeps on insisting on his rights for Kenji, meaning, interesado talaga siya kay Kenji. And I think there’s is another reason.” “Anong reason?” “Sa pamilya ng mga Sartorre, mahalaga ang may anak. Mas maraming anak, mas malaki ang chance na
Read more
Chapter 55
HINDI mapakali si Federico at pilit tini-trace ang location ng anonymous caller sa personal contact number niya. He didn’t give his number to someone not related to his personal life. Only his relatives can contact him. He’s not familiar with the caller’s voice, either. May filter kasi ang boses at parang nakakulong. Iilan lang sa kamag-anak niya sa Italy ang may alam ng cellular number niya na puwedeng gamitin kahit saang bansa. Matagal na iyong card niya, buhay pa ang kan’yang ama. Pagkatapos ng meeting niya kina Duke at Stefano ay tumambay siya sa hardin sa may swimming pool area. He tried to call back the anonymous caller using his business cellular number. It’s out of coverage area, meaning, naka-off na. The call left a puzzle in his mind, especially the message. Nang ma-trace niya ang IP address ng caller, hindi ito nalalayo sa area niya. Maaring kilala niya ito. Naisip din niya na puwedeng isa sa kamag-anak niya na nasa panig ni Wilfredo. Alam din ni Wilfredo ang personal co
Read more
Chapter 56
HINDI maalis ang kaba sa puso ni Monica habang lulan sila ng kotse patungo sa opisina ni Federico. Pinagpapawisan siya nang malamig at hindi mapakali sa upuan. “Kumalma ka nga, Monica. Lalo kang mahihirapan niyan,” sita ng kan’yang tiya na katabi niya sa backseat. Kandong nito si Kenji. “Eh, hindi ko maiwasan, Tita. Ayaw paawat ng kaba ko,” aniya. “Sa halip na magpadaig ka sa takot, magdasal ka. Magtiwala ka rin kay Federico na hindi niya kayo pababayaan. Marami namang bodyguards na nagbabantay sa atin.” Panay ang buga niya ng hangin at nakailang inom na ng tubig. Malayo pa sila sa kumpanya ni Federico kaya ayaw humupa ng kan’yang kaba. Nakasunod naman sa kanila ang kotse ng bodyguards pero hindi siya makampanti hanggat hindi sila nakararating sa distinasyon. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makarating sila sa kumpanya ni Federico. May nakaabang na mga bodyguard sa labas ng kumpanya at sinalubong na sila. Bantay-sarado sila hanggang makapasok ng gusali. Naghahanda na rin an
Read more
Chapter 57
NAPATAKBO palabas ng opisina si Federico matapos matanggap ang report ng kan’yang agent na kasama ni Monica. Tinambangan umano ng mga kalaban ang kotse at tinangay ang kan’yang mag-ina. Nanginginig siya sa galit at binulabog ang tauhan maging ang kasama niya sa organisasyon. Hindi umano kinaya ng bodyguards ni Monica ang dami ng kalaban at tila planado nang maayos ang pagsugod ng mga ito. Kumpiyansa siya dahil kasama ni Monica ang magagaling niyang agent pero naisahan ang mga ito. May ibang grupo na humarang sa kotse na backup upang mapalayo sa grupo ni Monica. Namatayan pa siya ng driver at isang agent. “F*ck!” gigil niyang usal habang lulan ng kotse. It’s too late. Nakuha na ng kalaban ang mag-ina niya. Halos paliparin na ng driver ang kotse ngunit hindi pa siya nakontento. Hindi na nila naabutan ang kalaban. Dinala na sa ospitala ng agents na sugatan at dead on arrival naman ang driver at isang bodyguard. Napasandal siya sa dingding sa labas ng emergency room ng ospital at naghi
Read more
Chapter 58
“F-FERNAND!” kabadong sambit ni Monica nang makita si Fernand na pumasok ng kuwarto. “Bakit kailangan mong gawin ‘to?” mangiyak-ngiyak niyang saad. Tumayo sa tapat niya ang lalaki ngunit hindi nagsalita. Sinuyod niya ito ng tingin. Nakasuot ito ng black suit at pansin niya na medyo nahumpak ang katawan nito, hindi kasing kisig ng unang kita niya. Kumislot siya nang tuluyan itong lumapit sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang baba. Inangat nito ang mukha niya kaya napatitig siya sa mga mata nito. Mayamaya rin ay lumayo ito pero walang sinabi. May dinukot ito sa bulsa ng pants, ang kan’yang cellphone. Inilapag nito iyon sa lamesa bago lumabas. Ang weird lang bakit hindi siya kinausap ni Fernand. Bumaba siya ng kama at kinuha ang kan’yang cellphone. Na-drain na ang battery nito pero may dala naman siyang charger sa bag. Nag-charge kaagad siya ng cellphone at hinintay malamanan bago binuksan. Nabuksan nga ang cellphone ngunit mahina ang signal. May data pa siya kaya nag-chat siya kay Fed
Read more
Chapter 59
NAG-CANCEL ng meeting si Federico at nagtungo siya sa headquarters ng CEG. Nadatnan niya ang tauhan nila na naghahanda para sa pag-atake sa kalaban. Naroon din si Duke at nagmando sa mga tao. “What happened, Eagle?” tanong ni Duke. Dala pa rin kasi niya ang gigil kaya nag-aapura siya. “We need to catch Wilfredo before he reach his main goal!” nanggagalaiting sabi niya. “May bagong impormasyon ka bang nakuha?” “Monica told me what she discovered, but it’s unclear. Sinabi niya na posibleng patay na si Fernand at malamang ay si Wilfredo ang nagpanggap na kapatid ko. He got all the details from Fernand, and he used it against us.” Napailing si Duke. “Wala talagang kuwenta ‘tong si Wilfredo. Calm yourself, Eagle. We’re not sure about Fernand’s status. Baka nagkamali lang si Monica.” Iginiit niya na nagkamali nga lang si Monica. Hindi matanggap ng sistema niya na tuluyang mawawala ang kakambal niya. Madudurog talaga niya si Wilfredo oras may ginawa itong masama sa kapatid niya. Inasi
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status