Lahat ng Kabanata ng The Sugar Baby : Kabanata 41 - Kabanata 50
64 Kabanata
40
Kaarawan ng ina ni Pierce kaya naman obligado akong magpunta. Ilang beses akong tinawagan ng mama nito para sabihin na 'wag ko raw kalimutan ang okasyon. Nang malaman nga nito na pansamantala kaming nanunuluyan sa bahay ni Pierce ay nagpahaging ito na sana ay hindi na kami umalis.Mula nang puntahan niya ako noon para sabihin ang buong katotohanan at humingi ng tawad ay naging maayos naman ang relasyon naming dalawa. Kahit noong kasal pa kami ni Nick ay tinatawagan pa rin niya ako para kamustahin.Sa pangkalahatan ay naging magka-vibes kami nito pero alam kong mas lamang ang pagmamahal nito kay Wyn na light of her life daw. Ang galing mambola ni Wyn kaya sold na sold ang lola."Happy birthday, Meemaw!" Sinalubong ni Wyn ng mahigpit na yakap si Minerva sabay bigay ng paper bag na regalo namin dito."Oh my only baby in this world. Thank you so much. You made my gloomy night such a bright one."Pagkatapos nitong halikan si Wyn sa pisngi ay ako naman ang bumati sa ginang. "Happy birthda
Magbasa pa
41
Ipinikit ko ang mga mata at tumugon. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Hinayaan kong magtagal ang halik ng ilang segundo hanggang sa idiin niya ako sa dingding at mas pinalalim pa ang halik. Doon na ako natauhan. Itinulak ko ito nang bahagya at hinihingal na umatras palayo dito."Iisipin ko na lang na lasing ka kaya mo nagawa ito. Nadala ka lang ng ispirito ng alak. Sige na. Uuwi na ako. Dadalhin ko na rin si Wyn.""Xylc, you know it's not just about the alcohol. Alam mong mahal kita. Mahal na mahal."Sinubukan nitong hawakan ako pero ang matalim kong titig ang nakapagpahinto rito."So what, Pierce? Ano naman ngayon kung mahal mo ako? Dapat bang mahalin din kita dahil sinabi mo lang na mahal mo pa rin ako hanggang ngayon? Kasalanan ko ba kung bakit ka ganiyan? Responsibilidad ko ba ang nararamdaman mo?" singhal ko rito.Dumaan ang kirot sa mukha nito bago umiling. "No, of course not. I am my own feelings. All I am just hoping now is that you could someday reciprocate it.""Ayoko, P
Magbasa pa
42
Mula ng gabing iyon ay hayagan kong iniwasan si Pierce. Mahirap dahil kay Wyn pero ginagawan ko ng paraan.Sinasadya kong tanghali nang gumising para hindi kami magpang-abot. Ako ang naghahatid kay Wyn tapos ito naman ang sumusundo. Sa buong maghapon hanggang gabi ay binubuhos ko ang oras sa trabaho para wala na itong panahon na kulitin pa ako."Ma'am Xylca, baba na po kayo. Ginataang munggo po ang ulam na paborito niyo po," bungad sa akin ni Telma, ang isa sa mga katulong ni Pierce nang pagbuksan ko ito ng pinto ng silid.Hinimas ko ang kumakalam na tiyan. Gutom na ako masyado. Nakalimutan kong magmeryenda kaya nagpoprotesta na ang mga alaga ko sa tiyan."Telms, umalis ba si Pierce? May sasabihin sana ako sa kaniya," pagsisinungaling ko.Gusto ko lang namang malaman kung nasaan ang lalake para makapag-decide ako kung bababa o hindi."Nasa theater room po, ma'am. May papanoorin po raw silang movie ni Wyn po."Nagliwanag ang mga balun-balunan ko. Pagkakataon ko na na makapuslit sa baba
Magbasa pa
43
"Mama, pwede bang tabi tayong matulog ni papa ngayong gabi? Please mama."Sandaling nawala ang atensiyon ko sa pinapanood sa TV. Nagkatinginan kaming dalawa ni Pierce na nakaupo sa dulo ng sofa sa sala bago ko ibinalik sa anak na naghihintay sa sagot ko.Nagpapababa lang ako ng kinain sa hapunan kaya tumatambay ako rito kasama si Pierce na ang kapal ng mukha na inayos pa talaga ang mga damit sa cabinet ko. Mamaya lang ay kukunin ko rin iyon at itatapon sa labas."Naku, nak. Uuwi iyang si papa mo ngayon sa bahay niya kaya malabo. Tayo na lang ang tabi ha?"Pinisil ko ang pisngi nito."Ha? Uuwi ka papa?" Tumabi ito sa ama na mabilis na umiling habang nakatitig sa akin ng pilyo. "Ha? Sino ang may sabi? Hindi ako uuwi, Wyn. Di ba sinabi ko na sa iyo na dito na titira si papa? Okay lang naman iyon kay mama di ba?"Sabay nila akong tiningnan. Si Wyn ay nagsusumamo ang mukha para makumbinsi ako."Ma, ayaw mo ba kay papa?"Napipi na ako ng tuluyan sa tanong ng anak. Si Pierce ay nanghahamon
Magbasa pa
44
“Hanep Xylca, a. Dati hardinero lang, ngayon ay may gwapong mamang labandero ka na.”Hawak ang malaking tiyan na nakisilip na rin sa akin si Pariah. Nasa kusina kami at tinatanaw ang laundry area kung saan nandoon at naglalaba si Pierce. Kinukusot pa nito ang panty ko na naisama nito sa pagkuha ng mga labahin kanina sa silid ko.Umalis ako sa pinto at inasikaso ang nilulutong kaldereta.“Hayaan mo siya. Gusto niyang nahihirapan eh. Ayaw mo nun, may free washing machine ako. Bawas sa sakit sa likod.”Dumampot ito ng bayabas sa mesa at tinabihan ako sa harap ng stove. “Narinig kong pumayag kang magkasundo muna kayo for seven days. Naku, alam na alam ko na ang galawang iyan. Ginawa na rin iyan sa akin noon ni Owen noong kasagsagan ng paglilihi ko rito sa pangalawa. Hayun, mas lalo akong na-in love sa unggoy. Effective ang mga ganiyang strategy, Xylca. Sabagay, sa ganiyan ka niya nakuha, ‘di ba?”Kinindatan niya ako saka sinubo ang buong hiwa ng prutas. “Ulol! Ano ako? Hindi na ako ganu
Magbasa pa
45
Susunduin na sana namin si Wyn nang tumawag si Marga kay Pierce para sabihin na dinaanan nito ang bata at ito na raw ang maghahatid sa bahay. Bilang pasasalamat ay dinulutan ko siya ng pagkain habang naglalaro ang mag-ama sa labas.“Thank you,” ani nito at ininom ang juice na ibinigay ko. Nasa kusina kami at bukas ang pintuan kaya pinanonood namin ang habulan ng dalawa.“Marga, ‘wag mo sanang mamasamain ito pero ‘wag mo sanang basta na lang sunduin sa eskwelahan niya si Wyn. Ayokong sumasama na lang bigla ang anak ko lalo pa at wala kami sa tabi niya. Alam kong nagmamagandang-loob ka lang pero nag-iingat ako sa anak ko. Baka masanay na basta na lang sumama lalo na sa mga estranghero.”Sinulyapan niya ako saglit bago agad na ibinalik ang tingin sa dalawa. “I get your point but I was just really trying to help.”“Na-a-appreciate ko naman pero hindi ko masyadong kailangan sa ngayon. Simula ngayon ay sasabihin ko sa teacher niya na kami na lang dalawa ni Pierce ang dapat na sumusundo kay
Magbasa pa
46
Lumabas ako ng silid pagkatapos patulugin si Wyn. Kumuha ako ng isang bote ng beer at mag-isang uminom sa kusina. Patay ang ilaw kaya malaya akong umiyak. Natatakot ako sa maaring isipin ng anak ko sa akin tungkol sa ginawi ko kanina. Mabait sa kaniya si Marga. Baka isipin nito na masamang tao ako, na baka ganon lang kadali sa akin ang saktan ang isang tao.Humagod ang pait at anghang ng alak sa aking lalamunan pero hindi sapat iyon para bumuti ang aking pakiramdam. Takot ako. Takot na takot lalo pa at hindi ko pala naitago sa ibang tao ang sikreto ko. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi alam ang lahat. Ayaw ko silang idamay sa problemang ako rin naman ang pumasok. Nagsunud-sunod na ang paglagok ko sa bote. Ginawa ko na itong tubig habang malalim akong nag-iisip ng solusyon. Pero kahit ano ang gawin kong paghuhunay sa utak ko ay wala pa rin akong mahanap na sagot. Hindi ko na talaga alam kung paano lulusutan ito. Muntik na akong malaglag sa upuan nang biglang bumukas ang pinto backd
Magbasa pa
47
“Ma,” bati ko sa ina nang mapagbuksan ko ito ng pinto. Agad kong kinuha ang mga dala nitong malalaking supot ng gulay at dinala sa kusina. Tamang-tama ito para sa lulutuin ko.Kumuha naman ito ng baso at ng maiinom sa ref. “Saan ba si Wyn? Ay! Biyernes pa pala ngayon. May pasok. Gusto ko sanang kunin para pumasyal sa bahay at nang makapaglaro naman sa kaniyang mga pinsan. Ano ba iyang niluluto mo?”“Ginataang munggo. Ihahatid ko na lang mamaya si Wyn sa inyo, ma. Ilang oras lang naman ang klase nila ngayon. May event pa kasi sila sa school. Kakahatid lang ni...”Nagbuntung-hininga ako. Hindi pa nga nila nila na nandito nagkakampo si Pierce ng ilang araw. “Himala at nagluluto ka na ng ginataang munggo,” ani nito na hindi na napansin ang hindi ko pagtapos sa sasabihin. “Akala ko ba hindi ka na kakain niyan. Ayaw na ayaw mo nga iyang niluluto ko noon. Nagtataka nga ako at hindi ka naman dating pihikan sa pagkain.”Nahinto ko ang paghuhugas ng monggo sa lababo sa narinig. Mula ng natang
Magbasa pa
48
“Mama! Halika! Sabay ka na sa amin! Ma!”Kumaway lang ako pabalik kay Wyn na tuwang-tuwa na nakasakay sa bumper car kasama si Pierce na sumisigaw din sa akin.“Xylc! Come on! Bump with us! It’s fun here!”“Okay lang ako. Kayo na muna at mukhang nakakahilo! Wyn! Tingin sa camera at smile!”Inakbayan ni Pierce ang anak at dalawa silang nag-pose ng wacky.“Ang cute cute naman ng mag-ama,” rinig kong wika ng isang ginang sa likod. “Mas cute ang daddy niya. Parang afam ang kagwapuhan,” sabi naman ng kasama nitong babae na nakaspaghetti-strap na sando.Siniko ito ng nakatatandang babae sabay nakaw sa akin ng tingin.“O, kalmahan at may asawa.”“Sus, okay lang iyan at hanggang tingin lang naman ako. At sure ka bang kasal? Wala namang singsing.”Nakangiting nagpatuloy na lang ako sa pagkuha ng mga pictures sa dalawa na nagpapa-cute pa rin sa kamera. Nang magsawa sa kakabangga sa kotse ay kinarga na ito ni Pierce para kumain sa paborito nitong bubuyog resto. Imbis na sa waterworld kami pumunt
Magbasa pa
49
Sa katahimikan ng gabi ay lumabas ako para tawagan ang kaibigan.“Pearl, ano iyong offer na sinasabi mo?” bungad ko agad. “Ikaw na babae ka, kapag ako niloko mo pa sa pangalawang pagkakataon may kalalagyan ka talaga sa akin. Oo, may nag-offer.”“Hindi nga sabi ‘tsaka kung makapagsalita ka naman, parang hindi ka naman nabayaran noon. Ano na, may investor ba talagang gustong bilhin ang mga apartments at ang formula ng product ko?”“Oo! Dalawang businessman. I-a-arrange ko na ba ang meeting ninyo?”Animo nabunutan ako ng tinik. “Oo naman. Salamat talaga, Pearl ha. Sigurado na ang bonus mo dito. Paki-schedule na lang ang meeting ha.”“Okay. Itatanong ko kung okay ba this Friday. Wala ka bang lakad sa araw na ‘yan?”Naalala ko ang imbitasyon ni Pierce na mag-dinner kami sa labas dahil may sasabihin daw itong mahalaga. Umalis ito agad papunta sa airport pagkatapos niya kaming ihatid sa bahay. Nasa Indonesia ito para sa trabaho. Sa Biyernes pa ito babalik. Nakatango ako pero pwede ko namang
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status