All Chapters of Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother: Chapter 91 - Chapter 100
121 Chapters
Chapter 90: Sama ng loob
Hindi ko alam kung ilang oras o gaano katagal akong pasalampak na nakaupo doon at umiiyak. Kumagat na lang ang dilim ay naroon pa rin ako. Hinintay na mabuhay ang mga ilaw sa loob ng bahay dahil umaasa akong nasa loob lang nito si Chaeus ngunit muli akong nabigo. Kasabay ng paglamon ng dilim sa buong paligid ay nilunok din nito ang kabuohan ng kanyang bahay na dati ay napakasigla at punong-puno iyon ng buhay. Iika-ika na akong tumayo. Pinagpag ang dumi na kumapit sa suot kong damit. Nanghahapdi pa rin ang aking mga mata. Namamaga iyon sa ginawa kong patuloy walang humpay na pag-iyak kanina. "Hihintayin pa rin kita, gaano man iyon katagal." humihikbing turan ko na puno ng pait at sakit. "Hihintayin kitang bumalik at magpakita, Chaeus."Isang sulyap pa ang ginawa ko sa pintuan ng bahay niya at mabagal na akong lumakad palayo. Basag na basag ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Si Chaeus iyon. Sobrang mahal ako. Baka nagpapalamig lang siya. Hindi
Read more
Chapter 91: Struggles plus Pretension
"Hoy, Hilary? Ayos ka lang?"Halos mapaupo ako sa bigat ng braso ni Josefa na umakbay sa akin. Umiikot ang mata sa kanya na tinanggal ko iyon. Ang aliwalas ng mukha niya. Halatang masaya at walang iniisip na problema. "Anong mayroon at mukhang ang laki naman yata ng ipinayat mo? May pinagdadanan ka?"Naabutan niya akong mabagal na naglalakad patungo ng classroom. Kakapasok ko lang ng gate ng campus. Malapad ang ngiti nito sa labi. Tiningnan ko lang siya. Umiling at saka umirap. "Spill the tea kung may problema ka?" "Wala. May iniisip lang akong malalim." "Sus, kunwari ka pa. Kilala kita. Hindi ka ganyan. Tingnan mo nga, nangangalumata ka pa!"Mabilis siyang pumunta sa harapan ko at dumipa. Hinarangan niya ako dahilan para matigil ako sa paglalakad. Tinaasan ko na siya ng isang kilay."Para kang sira diyan. Huwag mong sirain ang araw ko. Wala nga sabi akong problema!" tumaas na ang boses ko, nakukulitan na ako sa kanya. "Sabihin mo na."Humalukipkip pa siya. Nasa harap ko pa rin.
Read more
Chapter 92: Two Red Lines
Nasa kalagitnaan ng February nang mapansin ko na hindi nabawasan ang mentruation pads ko sa lalagyan. Regular ang buwanang dalaw ko at ni minsan ay hindi ako na-delay. Recorded madalas iyon kung kailan nagsimula hanggang kung kailan ito nagtapos. Hindi ko iyon nakakaligtaang gawin. "Hindi ba ako nagkaroon ng dalaw last month?" nagtatakang tanong ko habang pilit iyong iniisip. Inabot ko na ang cellphone at tiningnan ang calendar ko doon na si Chaues mismo ang nagturo. Imposible na makalimutan ko iyon. "Hindi nga yata!" bulalas ko pagkakita na wala akong markang ginawa doon, nilalagyan ko iyon ng marka kada first day. Wala iyong palya dahil katawan ko ito. "Nakalimutan ko lang markahan?" Hindi ko ito pwedeng malimutan dahil madalas ko itong gawin ever since na may nangyayari na sa amin ni Chaeus. At palaging first day ng dalaw ko ito ginagawa. So baka nga hindi ako niregla last month, nakalimutan ko lang ng dahil problemado. There's no chance na makalimutan ko talaga iyon. Kahit gaa
Read more
Chapter 93: Graduation Day
Nagawa kong mailihim sa lahat ang pagbubuntis at paglilihing nararanasan ko hanggang March. Pero syempre, napuna ng mga kaibigan ko ang malaking pagbabago sa aking katawan. Kung dati kasi ay payat ngayon ay unti-unti akong tumaba. Lumobo ang katawan na kahit ako ay nagtataka. Napilitan din akong magsuot ng maluwang na uniform, ang kinatwiran ko na lang nang tanungin nila ay dahil iyon sa nagbago ang size ko. Dahil wala pa naman sa aming apat ang nakaranas na mabuntis ay hindi na ito naging big deal at issue. Hindi rin sila nagduda kahit katiting na may ibang dahilan ang mabilisang pagbabago sa katawan. "Aba, diet-diet din naman, Hilary. Gusto mo bang palitan ka ng boyfriend mo? Hinay sa pagkain." si Josefa nang makitang nilalantakan ko ang fries na nakahain sa aking harapan. "Junkfood iyan!" "Oo nga, kaunti na lang iisipin kong maysakit ka ng eating disorder. Grabe ka kaya kung kumain. Wala na bang next na meal?" si Glyzel na namamayat. Kung ako ay tumataba salungat siya na halatan
Read more
Chapter 94: Buntis ako
Ang isang Linggong planong business trip nila Daddy ay nagbago at tumagal iyon ng isang buwan sa hindi ko malamang dahilan. Wala silang sinabing reason. Ang nakarating lang sa akin ay ang salitang extended daw sila ni Azalea doon. "Kung may kailangan ka, sabihin mo lang para magawan namin ng paraan." ani Daddy sa tawag. "Sige, Daddy..."Sanay naman akong mag-isa kaya hindi na ito big deal sa akin. Naging pabor pa nga iyon. Sa loob ng isang buwang iyon ay naging buwelo ako. Nagawa kong lumabas ng bahay at mamasyal ng ako lang. Hindi ko rin kasama ang mga kaibigan. Wala lang, naglalakad lang ako at nagbibigay ng mas mahabang oras para makapag-isip-isip. Ginamit ko rin ang pagkakataong iyon upang magpa-check up ako sa OB. Tutal ay 18 na ako kaya hindi na ako hiningian ng consent ng parents o sobrang lucky ko lang na hindi sila mahigpit."Sure po kayo na hindi na kailangan ng parents—"Sinabi ko lang naman na naka-fixed marriage ako at busy din ang asawa ko sa business trip kaya solo la
Read more
Chapter 95: The only option?
Tila nawalan ng lakas na nabitawan ako ni Daddy nang dahil sa aking sinabi. Ilang beses pa siyang umiling na para bang kapag ito ay ginawa niya ay magbabago kung anuman ang mga sinabi ko. Gamit ang nanginginig na kamay ay inilabas ko mula sa bulsa ang ultrsound ko at ang pregnancy test. Ito ang magpapatunay na totoo ang lahat. Inilahad ko na iyon kay Daddy upang ipakita. "Ito ang ebidensya nito, Daddy." parang iyak ng pusang nag-aagaw buhay na ang boses ko. "Hindi iyan totoo. Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hilary. Anong pinagsasabi mong buntis ka?"Kulang na lang ay mabali ang leeg sa patuloy niyang pag-iling. Bahagya la siyang umatras para bigyan ako ng distansiya. Tiningnan niya akong mabuti. Hindi pa rin siya makapaniwala base sa reaction niya. Ngalay na lang ako at lahat ay hindi niya rin tinanggap ang inaabot kong katibayan. "Dad, I'm pregnant—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang biglang agawin ni Azalea sa akin ang eksena. "Anong sinabi mo, H-Hilary?" Nilapitan niya pa a
Read more
Chapter 96: Kondisyon
Nanginginig ang laman na dumeretso ako sa kwarto at doon umiyak nang umiyak para ilabas ang lahat. Hindi ko matanggap ang sinabi ni Dad na paraan. Wala na ba siyang ibang maisip bukod doon? Bakit kailangan niyang tahasang sabihin sa akin na ipapatanggal niya ang bata sa tiyan ko? Kumukulo ang dugo ko sa suggestion niya para lang makaligtas siya sa anumang kahihiyan. Sukdulan na umabot siya sa pagpatay sa sarili niyang dugo at laman? Hindi ako papayag. Hindi pwede! Kung ipipilit niya, isama na niya ako sa tatanggalan niya ng hininga. Wala naman sa kanyang kasalanan ang bata, bakit idadamay? Sisiguraduhin kong hindi niya magagalaw ang batang ito na nasa sinapupunan ko kahit na umabot pa sa puntong palayasin niya ako dito. "Hindi papayag si Mama, baby. Hindi ako papayag na mangyari iyon. I'm gonna keep you alive, baby. Isisilang ka. Makikita mo kung gaano kaganda ng mundo. Maririnig ko ang iyak mo, maririnig mo ang boses ko. Aalagaan kita, maniwala ka sa akin." Kinabukasan ay maaga a
Read more
Chapter 97: Adoption Process
Matapos ng eksenang iyon ay kinausap ako ni Daddy. Hindi para i-discuss ang mga plano sa pagbubuntis ko kung hindi ang adoption process. At marahil ay nagdududa siya na papayag ako sa kagustuhan niya kaya nagawa niya pa akong papirmahin ng kasunduan namin. Kasunduan na kapag nanganak ako ay deretso ng kukunin ng magiging mga magulang ng bata ang anak ko."Hindi ko man lang ba siya pwedeng makasama ng kahit na mga ilang araw lang, Daddy?" may pag-aalinlangan sa boses ko, naiiyak na ulit ako. "Hindi na. Baka kapag nangyari iyon ay magbago bigla ang isip mo at hiindi ka na pumayag." "Kahit ang m-mayakap, hindi rin ba pwede?" tanong ko na pumiyok na ang boses na parang mayroong nakabara sa aking lalamunan. "Kung gising ka matapos mo siyang mailabas, mayayakap mo siya ng mga ilang minuto." "After that, wala na?"Tinitigan niya ako na parang nauubos na ang pasensiya sa mga nagiging tanong ko. Humihikbi na akong umiling. Ang damot niya kahit na lang sa pagkakataong ito hindi niya ako map
Read more
Chapter 98: Sino ang kamukha?
Napilitan akong mag-online class sa unang taon ko sa college para lang hindi ako mahuli sa klase. Tiniis ko iyon kahit na nahihirapan sa pagbubuntis. Hindi ko kailangang araw-araw mag-biyahe para pumunta ng University. Sina Daddy at Azalea ang pumunta ng school ko at nakipag-usap mismo sa principal. Saka na lang ako papasok ng face to face after manganak at makabawi na ng lakas. Mahirap pero pilit na kinaya ko iyon. Nanatili ako sa bahay. Lumalabas lang kapag may check up. Ang garden at pool ang naging main tambayan ko at naging saksi sa halo-halong emosyon ko. Maraming mga bagay akong nami-miss gawin pero naisip ko na mababalikan ko naman silang lahat kapag nanganak na ako. Iyon na lang ang iniisip ko kapag nilalamon ako ng mga ito."Kailangan mong maglakad-lakad para naman hindi ka mas mahirapang manganak, Hilary." palaging paalala ni Azalea sa akin araw-araw. Gusto kong maging normal delivery. Ayoko na magkaroon ng hiwa sa tiyan. Though wala naman akong magagawa kung iyon ang kap
Read more
Chapter 99: Huling Hiling
ZACCHAEUS PARKENSON POVSunod-sunod akong napalunok ng laway habang hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha. Hindi ako iyakin pero sa pagkakataong ito ay hindi ko ito mapigilan. Titig na titig ang mga mata kong hilam sa luha at nanlalabo sa mukha ng sanggol na nakangiting inaabot sa akin ng doctor. Sa tabi nito ay nakangiti at proud na nakatayo ang aking ina. "I-Ito na ba siya? Siya na ba ang anak namin?" hindi makapaniwala ang tono ng boses ko.Kagagaling ko lang sa airport. Dumeretso na ako agad sa hospital nang sabihin ni Mommy na on labor na raw si Hilary. Nang dumating ako dito ay nakapanganak na siya at wala na 'ring malay. Pumuslit ako papasok ng room niya kanina upang mayakap siya ng mahigpit kahit hindi niya alam."Hilary, I am really sorry baby kung mag-isa mong hinarap ang pagbubuntis mo. Babawi ako sa'yo. Hindi pa lang ngayon, pero pangako babawi ako." Nagawa ko pa siyang mabilis na halikan sa labi bago lumabas ng silid. Patungo pa lang daw doon si Tito at ayaw ko 'ring
Read more
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status