All Chapters of Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother: Chapter 81 - Chapter 90
121 Chapters
Chapter 80: Planado
ZACCHAEUS PARKENSON POVParang kinakapos ang hingang napasabunot na ako sa ulo habang tinatanaw ang pag-alis ng taxi kung saan nakalulan si Hilary. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko dapat iyon ginawa. Bilang pakunswelo, sana man lang ay inihatid ko siya. Sobrang nafru-frustrate ako kaya napagbalingan ko na ang sasakyan. Ilang beses kong tinadyakan ang gulong noon. Galit na galit ako sa sarili. “You are the fucking asshole, Chaeus!”Nang mawala sa paningin ko ang taxi ay madali akong pumasok ng kotse. Ilang beses na sinapak ang manibela nito dahil ayaw sa aking makisama. Ayaw nitong umandar kung kailan nagmamadali ako ay saka pa. Doon ko na ibinaling ang lahat. “What's wrong with you? Come on, umandar ka!” bulalas kong ubos na ang natitirang pasensiya. Ilang beses ko pa iyong sinubukan. Muli kong ginulo ang buhok hanggang napasabunot ako. “Simpleng hiling lang iyon, wala kang magawa. Hindi mo maibigay! Isa at kalahati kang tanga! Napaka-ungas mo! Wala kang silbing tao!”Muli ko
Read more
Chapter 81: Problemado
Matabang ang titig at iiling-iling na lumabas ako ng silid. Wala ako sa wisyo para makipagtalo sa kanya. Para na akong mababaliw kung ano at alin ang dapat na unahining isipin. Sobrang guilty na nga ako sa mga nagawa ko tapos dadagdagan niya pa? Gusto niya bang mawala ako sa tamang katinuan? Hindi ba siya nag-iisip ng mangyayari?“Saan ka pupunta? Ayaw mo rin akong kausapin?Diyan ka magaling, ang talikuran ako! Bumalik ka dito! Isa, kinakausap pa kita Zacchaeus!”Padabog na isinara ko ang pintuan. Mula sa labas ay dinig na dinig ko pa ang boses niya sa loob. Inilabas ko ang cellphone sa bulsa habang ilang ulit na ginulo ang buhok. Tinawagan na si Vaughn. Kailangan ko ng makakausap pero hindi si Lailani. “Ano, Chaeus? Ginawa iyon sa'yo ni Lailani?” halos mapaangat pa ang puwet niya sa upuan habang nakikinig sa aking sinasabi. “Pambihira naman!”“Yes, Dude. Ang buong akala ko ay ayos na kami. Maayos naman kaming naghiwalay. Okay ang lahat sa amin. Tinapos namin ang relasyon sa maayos
Read more
Chapter 82: Pag-aalala
HILARY EL FUENTE POVMalalaki ang mga hakbang na lumabas ako ng pintuan. Kamuntik-muntikan pa akong madapa nang biglang matisod ng dahil sa kakalingon ko upang tingnan kung malapit na sa akin si Chaeus. Mabuti na lang at agad nakahawak ako sa gilid ng aming pintuan. Kung hindi, mababangasan ako. Kasi naman ang Tukmol na iyon, lakas-loob na sabihin ba namang ihahatid niya ako. Ayoko ngang magpahatid. At saka, ikakasal na siya. Panindigan na lang niya ang comeback nila. Tigilan niya na lang ako tutal ay tapos na kami. Saka bakit niya ako ihahatid? Bati na ba kami? Imposible iyon. Imposibleng magkabati pa kami. Walang lovers na naging magkaibigan after ng break up. Kaya kahit ako ay hindi na umaasa. Malakas na akong napairit ng bigla niyang haklitin ang isa kong braso. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang nakalapit na. OA ko siyang nilingon. Pinandilatan na ng aking mga mata. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" hila ko ng braso ngunit mas lalo niya lang iyong hinigpitan."Ihahatid na kit
Read more
Chapter 83: Not Invited
Hindi ako mapakali nang gabing iyon lalo na nang malamang wala rin sa bahay sina Daddy at Azalea. Panay ang silip ko sa labas ng bintana matapos kumain ng dinner. Tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan na walang kapaguran. Mas lumalim ang pag-aalala ko. Kung anu-anong negative thoughts ang bumabalot sa aking isipan. Ipinilig ko ang ulo. Pilit na ibinaling ang atensyon sa ibang bagay pero bumabalik pa rin talaga sa matinding pag-aalala kung nasaan na si Chaeus. "Nakakainis na naman siya. Saan pa ba kasi siya pumunta? Pagabi na. Kay Lailani ba?" Sumama na ang panlasa ko nang maisip na baka nga nasa piling na ito ngayon ni Lailani. And only God knows kung ano ang ginagawa ng dalawa. Isabay pa na sobrang lamig ng panahon. "Sana man lang ay nagsabi siya para alam ko di ba? Hindi iyong pinapag-alala niya ako. Teka nga, bakit ko ba siya inaalala? Matanda na iyon."Badtrip na kinamot ko ang ulo. Bumabangon na ang matinding inis ko. Dapat ay hindi ako nag-alala and I am minding my own business!
Read more
Chapter 84: Binagyong Sala
Kanina pa namatay ang tawag niya pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nakahiga na rin ako. Hindi mawala sa isip ang paulit-ulit kong tanong na pupuntahan ko ba siya? Then what? Ano naman ang pag-uusapan namin? Lasing na siya. Baka pagpunta ko pa doon ay tulog na rin siya. Paano pa kami makakapag-usap? Sayang lang ang effort ko kung mapupunta iyon sa wala di ba?"Eh paano kung pagpunta mo naman doon ay hindi na siya lasing? I mean, nahulasan na siya? Saka paano kung hinihintay ka niya talagang pumunta?" malakas na tanong ko pa sa sarili. Galing iyon sa kabilang bahagi ng isipan ko. Humarap na ako sa kabilang dereksyon para pagnilayan pang mabuti ang magiging plano."Nakakainis naman kasi!" tadyak ko na sa ere ng mga paa dahilan para matanggal ang kumot. "Kung kailan gabing-gabi na saka pa tumawag." Mabilis akong bumangon. Tinungo ang wardrobe at kumuha na ng damit. Maigi pa ang pumunta na lang ako keysa naman magdamag din naman akong gising. At least nag-effort akong pumunta. Wal
Read more
Chapter 85: Comeback?
Hinainan niya ako ng lasagna at vegetable salad. Hindi na ako nagreklamo. May dala rin noon si Azalea kanina pero hindi ko rin naman tinikman. Kinain ko iyon. Inubos ang inilagay niya sa plato ko kahit na busog pa ako. Nagpagod akong pumunta dito kaya dapat na ubusin ko rin ang inihain niya. Habang kumakain ay nakaupo lang siya sa harap ko. Titig na titig siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako. Sa totoo lang ay naiilang na ako. Parang hindi na ako sanay sa mga titig niya. Nakakalunod iyon. Para akong puputulan ng hininga. Ngunit saglit lang iyon. Hindi rin nagtagal ay muli akong nasanay at agad na napalagay sa nakakapasong presence niya. Gusto ko sanang sabihan siyang magpalit ng damit, kaso baka bigla ko namang ma-offend. Hindi rin naman big deal iyon. Nasa bahay siya eh. "Ano iyong ginawa mo kanina para utuin ako? Umiiyak ka ba talaga at lasing o drama mo lang iyon para makuha mo ang buong atensyon ko?" Umirap pa ako. Mukhang napaglaruan ako ng
Read more
Chapter 86: Kabayaran
Doon ako sa bahay niya natulog ng gabing iyon. Binawi namin ang mga sandali na magkaaway at hindi kami nagpapansinan. Halos ay ilang oras lang ang tulog namin. Magkayakap na nag-usap. Pinagkuwentuhan rin namin ang mga nangyari. Feeling ko bawing-bawi na kami rito ni Chaeus. Kinabukasan pagising ko ay humahangos na pumasok si Chaeus sa kwarto na nagsabing kukuha lang ng tubig sa ibaba. Ini-lock niya ang pintuan ng kwarto. Namumutla at takot na takot. Mabilis akong bumangon. Hindi ko na alam kung saan pa hahanapin ang mga saplot sa katawan. Nakahubad pa rin kasi ako ng mga sandaling iyon. "Anong meron sa ibaba, Chaeus?" may nginig ang boses na tanong ko, alam kong may mali dito. "Si Mommy at ang Daddy mo..." hindi niya iyon magawang tapusin na nakabitin lang sa ere. Nanlaki na ang mga mata ko."A-Anong nangyari sa kanila?"Jusko, huwag naman sanang bad news iyon!Lumunok muna siya ng laway bago sumagot. "Nasa ibaba sila, kasama ang ilan sa mga maid." turo niya pa sa labas ng pintu
Read more
Chapter 87: Revelation
"Oh Hilary, isang Linggo lang kaming mawawala. Baka naman magpasaway ka pa sa Kuya Chaeus mo dito at bigyan mo pa rin siya ng sakit ng ulo?" paalala ni Daddy habang matamang nakatingin. Tapos na ang Pasko at napagpasyahan nila ni Azalea na ngayon gawin ang yearly vacation nila. Taon-taon nilang ginagawa iyon. Kasama nga nila sana ako pero mas pinili kong huwag na lang. Gusto ko ang manatili sa bansa at makasama si Chaeus. Syempre ay wala naman silang alam. "Hindi, Daddy.""Siguraduhin mo lang, Hilary. Malalagot ka sa akin pagbalik namin at maraming reklamo si Chaeus." Makahulugan ko ng sinulyapan si Chaeus na kung umasta ngayon ay para talaga siyang kapatid ko. "Chaeus, ikaw na ang bahala diyan sa kay Hilary. Huwag mong hayaang gumala kung saan-saan." sabat naman ni Azalea n asa postura ay ready na.May pa balabal pa siyang nakapulupot sa leeg. "Oo nga Chaeus, hangga't maaari ay huwag mo siyang payagang pumunta ng club." dagdag pa ni Daddy na buong-buo na ang tiwala sa Tukmol. "
Read more
Chapter 88: Masamang Kutob
Hinang-hinang napaupo na ako sa harap ng ER. Hindi alam kung alin ang uunahing isipin. Sarili ko ba o ang kalagayan ng aking ama. Si Dad iyon. Siya na lang ang natitira sa buhay ko. Abot-abot na ang kaba ko. Paranf lalabas na ang puso ko sa aking lalamunan. Naninikip na rin iyon. Feeling ko anumang oras ay aatakehin ako sa pag-aalala. Nang hindi ko na nakayanan ay malakas na akong umatungal ng iyak. Isinubsob ko na ang mukha sa palad na agad namang nabasa ng mainit kong mga luha. Hindi alintana ang katabi. Wala akong panahon sa kanya. Hindi dapat siya ang inuuna. Kahit gusto ko, hindi ko magawang lingunin si Chaeus na duguan pa rin ang mukha. "Sorry na, Daddy..." mahina kong usal na tuloy pa rin ang pagbaha ng mga luha, "Sorry na po..." Sising-sisi ako. Dapat hindi na ako nakipagbalikan noong naghiwalay kami dahil kay Lailani. Dapat doon pa lang ay tumigil na ako. Sana tinikis ko na lang ang sarili, nanindigang tapusin ang relasyon. "I am really sorry D-Dad dahil masama akong anak.
Read more
Chapter 89: Nangako ka!
Umahon ang matinding galit sa dibdib ko. Wala na akong pakialam kung muling magtampo sa akin si Daddy oras na makita niya ang asta ko. Kailangan kong tanungin si Azalea dahil siya ang huling kasama ni Chaeus. Paniguradong may alam siya. Kung saan pumunta si Chaeus o kung nasaan sa mga sandaling ito ang anak niya. Ilang araw ng out of reach ang phone number niya pero kampante pa rin ako dahil bukas ang social media account niya. Nang-seen pa nga siya ng mga message ko. Nababasa niya pa ang mga chat ko. Hindi nga lang talaga siya sa akin nagre-reply sa lahat ng mga pinagsasasabi ko. "Baka grounded siya ni Azalea? Sinabihan na bawal akong kausapin o kahit ang reply'an." Naiintindihan ko naman na iyon ang sitwasyon. Hindi na nga ako nagrereklamo di ba? Okay lang. Kaso di na makatarungan iyong pangde-deadma na ginagawa sa akin ng Tukmol na iyon. Si Chaeus iyon, ni minsan ay hindi ako kayang tiisin. Hula ko ay may iba pang nangyari at iyon ang gusto kong malaman mula mismo kay Chaeus or
Read more
PREV
1
...
7891011
...
13
DMCA.com Protection Status