Hearts in Disguise | Ducani Series #1

Hearts in Disguise | Ducani Series #1

Oleh:  Celestine_Lemoir  On going
Bahasa: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
120 Peringkat
33Bab
25.8KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Tinggalkan ulasan Anda di APP

Saki is a self-proclaimed future Mrs. Ducani. Wala siyang pakialam kung ilusyonada ang tingin ng lahat sa kanya dahil malakas ang paniniwala niyang ang ganda niya ay hinulma para sa isang Ducani. She was sure of it. Kung hindi rin lang Ducani ang apelyido ng lalakeng manliligaw sa kanya ay ligwak kaagad. Not until she met "Kanor". Ang gwapong janitor sa Ducani Empire at ang asungot na madalas siyang sabihang hindi niya dapat pangarapin ang magkakapatid na Klinn, Krei, Keeno, at Keios. Bwisit siya sa pagsasampal nito ng katotohanang cannot be reached ang magkakapatid pero hindi niya inasahang mahuhulog siya rito. Hindi na nga siya nakabingwit ng isang Ducani. Nainlove pa siya sa isa ring pobreng gaya niya. Will she hold on to her belief that she's made for a Ducani and only for a Ducani? O kakainin niya ang pride para kay Kanor?

Lihat lebih banyak
Hearts in Disguise | Ducani Series #1 Novel Online Unduh PDF Gratis Untuk Pembaca

Bab terbaru

Buku bagus disaat bersamaan

Komen
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-05-22 08:41:58
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-03-21 00:22:57
0
user avatar
GirlIn Black
Sana Mabasa ko parin to dito huhuhuhu
2021-12-06 15:01:56
0
user avatar
Seirene Prosch
Love this story! Nakaka-excite din bawat mangyayari next chap kaya mapapabasa ka na lang... Great work author!
2021-08-16 08:46:07
0
user avatar
Rucel Jenn Lopez B
After reading the story parang gusto ko na ring tumambay sa labas ng bahay ng crush ko charot. The author wants us to feel na kahit gaano mo itatak sa utak mo na mag-asawa ng mayaman, hindi mo kayang mapasunod yung puso mo at don't judge the person by its physical appearance. ❤️
2021-06-29 21:51:21
3
user avatar
AnnGiweng
We may have loads of checklist and standards, but at the very end our hearts rule and even if it's in disguise, one can totally tell it's beating for someone just like Saki and Kon
2021-06-23 06:07:04
0
user avatar
AnnGiweng
Corruption, hatred, forgiveness and love made the story worth every second to read and shed emotions.
2021-06-23 06:05:41
0
default avatar
amatesconfession
Hahahaha tawang tawa talaga ako dito kay Saki e, nasobrahan ng pangarap. Sa totoo lang yung mga story ni otor babalik balikan mo e, ito twice ko na nabasa same feels humahagalpak at umiiyak pa din ako.
2021-06-20 06:26:03
0
user avatar
Mylen Batistil Peñaflorida
the best story i have read in this site ganda nakakainlove at nakakaiyak and way to 2nd book im waiting....
2021-05-24 19:28:43
1
user avatar
AnnGiweng
pahingi ng confidence Mareng Saki 🤧
2021-04-27 18:21:29
0
user avatar
Binibining_Anxious
Basta mga akda mo sis Vana, no doubt magaganda lahat 😍😍😍
2021-04-26 16:41:48
0
user avatar
Denny BE Caunan Sa-onoy
💞💞💞💞💞
2021-04-20 21:19:25
0
user avatar
Pia Montesa
nahanap ko na rin si Kanor. Lumayas na mga kabet diyan😌
2021-04-04 16:19:23
0
user avatar
Jouana Rose Tangayan
Kaya pala sa library...Ang ganda pa naman ng stories mo...Masarap balik balikan yung Ducani Series
2021-03-31 18:24:30
0
user avatar
RUVIE VERGAS SUMILING
Pano mo nagawa itong story bat Ang galing
2021-03-26 20:13:34
0
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 8
33 Bab
Kabanata 1
Kabanata 1Ang sabi ng nanay niya, basta marunong siyang humiling ng tagos sa puso, ibibigay ang hinihingi niya. Pwes, hindi lang tagos sa puso ang panalangin niya. Tagos hanggang apdo at balunbalunan kung kinakailangan. Ni wala na nga siyang pakialam kung mahagardo versoza ang japanese beauty niya ang mahalaga ay matapos niya ang pagdarasal sa ikalabinlimang simbahan sa Maynila."Lord, anuena? Matagal pa ba? Kating-kati na akong maging Mrs. Ducani. Mahiya ka naman sa beauty kong pinagkaloob mo." Reklamo ni Saki habang nakatitig sa poon na nasa pinakaharap ng simbahan sa Sto. Domingo Church.Tahimik ang simbahan dahil iilan lang silang naroon para mag-alay ng panalangin—iyon ay kung panalangin ang tawag sa mga reklamo niya.Well, she's not entirely complaining. Siguro mga eighty percent lang daw dahil nag-alay naman daw siya ng dalawang Ama Namin sa pagitan ng mga reklamo niya.Nayayamot niyang kina
Baca selengkapnya
Kabanata 2
Kabanata 2"Last sip..."Inusog ni Mr. Ty ang baso ng alak sa pwesto ni Saki ngunit kaagad siyang umiling habang pilit na nakangiti. Ang damuhong ito? Gusto yata siyang lasingin nang mapagsamantalahan? Ramdam naman niyang matagal na itong nagkakagusto sa kanya kaya nga tuwing umuuwi ng China ang asawa't mga anak nito ay nagyayaya ito ng inuman sa bahay nito kasama ang buong team nila.But Misaki wasn't born yesterday. Kahit na sabihing mayaman ang intsik niyang boss, hindi niya ipagpapalit ang sariling pangarap sa madaling makamit na karangyaan.Besides, Saki believes she wasn't born to be someone's mistress nor just a second wife. She was made to be the first and the last. The one and the only.Only of course, of a Ducani.Sa mga Ducani lamang pipintig ang kanyang puso. Sigurado siya roon kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng nobyo kahit bente singko na siya.
Baca selengkapnya
Kabanata 3
Kabanata 3Umikot kaagad ang mga mata ni Saki nang makita na naman ang pamilyar na bulto na palabas ng Ducani Empire at talagang nakatitig pa sa kanya. Tignan mo nga naman? Hindi pa pala nasisisante ang kumag? Akala pa naman niya ay tinamaan ito ng malas nang makilala siya at milagrong nawalan ng trabaho. Nilalanghap pa rin pala nito ang amoy ng building ng mga asawa niya.Mataray niyang tinaasan ng kilay ang lalake saka niya tiniklop ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. "Nandito ka na naman?"Nakakalokong ngumisi ang lalake saka nito binagsak ang dust pan. Mwinestra nito ang kamay na tila sinasabing iyon ang pakay nito sa lugar pero pinaningkitan ito ng mga mata ni Saki."Madam, janitor ako rito. Nandito ako para alisin ang mga kalat sa lugar na 'to." Tila nakakalokong tugon nito bago siya tinaasan ng kilay. "Kayo ho? Nandito na naman kayo?"Nanlaki ang mga mata ni Saki at umawang ang kan
Baca selengkapnya
Kabanata 4
Kabanata 4Maingay ang mga empleyado ng maintenance department na masayang nagkakasiyahan sa function room ng building. Talagang tinupad ni Keeno ang sinabi ng kapatid. In order to help Kon give the old janitor the money it needed, he threw an insane hawaiian party for the maintenance team.Sumimsim sa kanyang beer si Keeno habang pinanonood mula sa main table ang kapatid na malayang nakakasalamuha ang kanilang mga empleyado. Kon was obviously keeping himself from getting close to their table—where he was supposed to be seated—to avoid their employees from getting a hunch of who Kanor Baltazar really is."Boss." Hayriss snapped her fingers to get his attention. Nabaling naman sa kanyang sekretarya ang kanyang atensyon."What is it?" He casually asked before taking another sip.Pinindot ni Hayriss ang tip ng kanyang electronic pen saka may chinekan sa kanyang tab. "Your brother, Keios, rescheduled hi
Baca selengkapnya
Kabanata 5
Kabanata 5"Ducani ako...kasi nagtatrabaho ako sa Ducani Empire. May rule kami sa kompanya na dadalhin namin ang apelyido ng may-ari sa lahat nang panahon para maisapuso namin ang pagiging bahagi ng kompanya."Napasimangot si Saki at halos tusukin ng tinidor si Kanor. "Yung legit na Ducani ang hinahanap ko hindi yung promoted to be a Ducani!"Mahinang humalakhak si Kanor saka tinaasan ng kilay si Saki. "Bakit? Hindi ba ako papasa bilang tunay na Ducani, hmm?" Mapanuya nitong nilapit pa ang mukha kaya uminit nang husto ang pisngi ni Saki. "Sabihin mo, Saki. Hindi ba?"Saki's heart almost jumped out of her chest when Kanor traced his fingertips on her burning cheek. Nahigit niya ang kanyang hininga at kinabig ang sariling ulo palayo bago pa siya traydorin ng kanyang sistemang nagwawala na dahil sa lalaki.Naging mapanuya ang ngiti sa mga labi ni Kanor, halatang naaaliw sa nakikitang reaksyon niya. Nan
Baca selengkapnya
Kabanata 6
Kabanata 6Kon watched his brother, Keeno, put its black ensemble of suit and tie. Siya ay tanging ang navy blue long sleeve polo, black pants, at black shoes mula sa isang kilalang boutique ang suot. Ang kanyang suit jacket at bow tie ay nakapatong lamang sa kanyang kaliwang hita, ang kanyang mga daliri ay panay ang tambol sa backrest ng sofang inuupuan.The room smells like freshly brewed coffee because of Keeno's coffee brewer. Dahil sa sobrang hilig nito sa kape ay mayroon itong sarili sa kanyang silid. Wala namang problema roon si Kon dahil kahit paano ay gusto niya ang amoy ng kape, ngunit mas type lang talaga niya ang lasa ng tsokolate kaya madalas siyang alaskahin ni Keeno na "Milo". "Keios is expecting Dad to be in the party." Basag ni Keeno sa katahimikang namamagitan sa kanilang magkapatid. Kon sighed heavily. "I know. But sorry, bro. I don't think it's the perfect time to show myself to our d
Baca selengkapnya
Kabanata 7
Kabanata 7Kon sipped on his glass of champagne while looking at the scene at the end of the staircase. Prenteng nakakalso ang isa niyang kamay sa wooden railing habang ang mga mata ay hindi naaalis sa dalawang pamilyar na bultong kanina pa niya pinanonood nang lapitan siya ng kapatid na si Keeno kasama ang sekretarya nito. Ang dalawa ay parehong suot ang kanilang mga maskara gaya niya at ang mga mata'y sinundan ang direksyong kanyang tinitignan sa ibaba.Tinapik ni Keeno ang kanyang balikat saka ito ngumisi. "Look who Krei just found?"Umismid si Hayriss. "You're lucky it's not Keios who's talking to her right now, boss."Kon smirked before he drank the last of his champagne. "Keios likes the innocent ones. That woman is a tigress." Tumingin siya kina Keeno at Hayriss. "Trust me. Hindi rin siya uubra sa isang iyan kung nagkataon."Mahinang natawa si Keeno. "And Krei isn't going to hit on that girl
Baca selengkapnya
Kabanata 8
Kabanata 8Nahaplos ni Saki ang kanyang mga labi habang wala sa sariling naglalakad patungo sa taxi bay. Pakiramdam niya ay nakalutang pa rin siya sa ere kapag naaalala niya kung paanong matapos niyang itango ang kanyang ulo, tuluyang lumapat ang malalambot na mga labi ni Kon Ducani sa kanyang mga labi.It was quick, but magical. Like a kiss of a prince in a fairytale she used to dream about when she was young. Ni hindi nga gumalaw si Kon at pareho lamang na sumara ang kanilang mga mata habang dinadama niya ang bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.Para siyang nanaginip. Tila hindi pa rin nga niya mapaniwalaang nahalikan siya ng isang Ducani. Talaga nga yatang pagdating sa Ducani, nahuhubad ang maskara niyang tigresa.She squirmed and then tried to calm herself down again. Para siyang timang sa itsura niya at pasalamat na lamang siyang madaling araw na kaya kaunti na lamang ang pwedeng makakita sa k
Baca selengkapnya
Kabanata 9
Kabanata 9Kon had to rush to the hospital when he heard the news. Mabigat man sa loob niyang hindi matupad ang pangako kay Saki na maglulugaw sila, kailangan niyang unahin ang nangyari dahil walang ibang makatutulong sa matandang janitor kung hindi siya.It was the man he paid to watch over Lori who called him. Nag-hire siya ng sariling nurse para rito nang hindi nalalaman ni Tatay Manny upang masigurado niyang lahat ng kailangan ay nairereport sa kanya. Si Lori na lang ang mayroon ang janitor at dahil hindi siya nito itinuring na iba, walang sawa niya itong tutulungan sa abot ng kanyang makakaya.Napabuga siya ng hangin matapos niyang ipasok sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone. Lumabas siya mula sa fire exit kung saan niya sinagot ang tawag, saka siya bumalik sa silid ni Lori, ang panganay ni Tatay Manny na nadiagnose na may butas sa puso. Lori's younger sister was taken by their mother. Naghiwalay kasi si Tatay Man
Baca selengkapnya
Kabanata 10
Kabanata 10Napasimangot na naman si Saki nang pumatak na't lahat ang alas dose ng gabi ay wala pa rin siyang tawag o text na natatanggap mula sa lintik na janitor na pinaasa siya ng lugaw date. Okay, she must be out of her mind for fussing around because of his version of date, but she just can't help it. Kumukulo talaga ang dugo niya at lalo lamang siyang naiinis dahil hindi niya kayang tukuyin kung saan ba talaga niya hinuhugot ang galit kay Kanor.Sa naunsyaming lugaw date o sa babaeng sumagot ng kanyang tawag?"None of the above, boba!" Sinampal-sampal niya ang kanyang mga pisngi bago sinabunutan ang sarili habang gumugulong sa kama. "Huwag mong sabihing isa sa mga 'yon ang rason mo?! Tanga! Tanga ka, Saki!" Asik niya sa kanyang sarili.She sighed. Bakit ba kasi niya iniisip pa iyon? Kanor should be the last of her concern. For goodness' sake they are not even friends, kung siya ang tatanungin. Mas lalong hindi
Baca selengkapnya
DMCA.com Protection Status