The Billionaire's Abandoned Wife

The Billionaire's Abandoned Wife

By:  shining_girl  In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings
39Mga Kabanata
350views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.

view more
The Billionaire's Abandoned Wife Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Matteo Lucas
Must Read!
2024-05-25 15:19:10
2
user avatar
Purple Moonlight
Super ganda! Sabay-sabay tayong ma-inlab sa kwento ni Diana.
2024-05-25 14:32:25
2
user avatar
Docky
Interesting story. Basa na rin po kayo 🤍
2024-05-09 21:16:58
3
39 Kabanata
Chapter 1: Pagkakamali
“Anong ibig sabihin nito?!”Agad na napabalikwas ng bangon sa kama si Diana nang marinig ang malakas na boses na iyon. Naguguluhan niyang kinuskot-kusot ang kanyang mata hanggang sa luminaw ang naaaninag niyang bulto na nasa may pinto ng silid. Agad na bumadha ang pagatataka sa magandang mukha ng dalaga nang makitang si Don Arturo Gutierrez ang naroon. Ito ang patriyarka ng isa sa pinakamayamang angkan sa buong bansa. Alam ng dalaga na kaibigan ito ng kanyang mga magulang subalit sa malabong isip ay hindi niya maintindihan kung bakit naroon ito mismo sa kanyang silid nang ganoon kaaga.Dahil hindi siya makaapuhap ng sasabihin ay bumaba ang tingin ng matanda sa kanyang tabi. Na sinundan din naman niya ng tingin.Awtomatikong nanlaki ang mga mata ng dalaga, nag-init din ang mga pisngi nang makita nito kung sino ang nasa kanyang tabi, isang lalaki-- hubad ang pang-itaas na bahagi ng katawan at tanging manipis lamang na kumot ang tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito—gaya niya.Na
Magbasa pa
Chapter 2: Mga Kalungkutan at Pagbabago
AFTER 3 YEARS Kanina pa pinagmamasdan ni Diana ang mga puntod na nasa kanyang harapan. Dalawa roon ay bagong gawa, pag-aari nina Armando at Eileen Saavedra, ang kanyang ama at madrasta. Isang buwan na ang nakararaan nang makatanggap siya ng tawag mula sa police station. Ibinalita ng pulis sa kanya na nasangkot sa isang aksidente sina Armando at Eilleen. Nawalan daw ng preno ang sasakyang minamaneho ng kanyang ama at nagdire-diretso sa bangin. Wala nang buhay ang kanyang madrasta nang maihaon ito ng mga rescuers sa bangin. Ang Daddy naman niya, nakipaglaban pa ng ilang araw bago ito tuluyang binawian ng buhay. Dalawang linggo na mula nang mailibing niya ang mga ito. Bukod kay Enrico, ang sampung-taong gulang niyang half-brother, naiwan rin sa kanya ang lahat ng utang at problema ng Saavedra Electronics, ang kumpanyang kanilang pag-aari. “Ma’am, hindi pa po ba tayo pupunta sa mansiyon ng mga Gutierrez?” pukaw ng driver niyang si Alonzo. “Nag-text po si Madam Sofia, tinatanong niyang
Magbasa pa
Chapter 3: Muling Pagkikita
Maingat na humakbang si Diana papasok sa chapel kung saan nakahimlay ang mga labi ni Arturo Gutierrez. Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang mabait na matanda. Kung mayroon mang mabuting idinulot ang pagpapakasal nila ni Nick, iyon ay nagkaroon siya ng lolo, bagay na hindi niya naranasan dahil maagang pumanaw ang magulang ng kanyang ama at tunay na ina.Mabait si Arturo, madalas din siya nitong dalawin at kumustahin noong malakas pa ito. Madalas nitong sabihin sa kanya na wala na itong kikilalanin pang asawa ni Nick kundi siya lang. Bagay na nais man niyang sang-ayunan, sadyang mahirap paniwalaan."Diana," tawag sa kanya ni Sofia nang makita siya sa kumpol ng mga bisita. Agad na bumaling ang lahat ng atensiyon sa kanya ng mga taong naroroon. Nahihiya man, nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa matandang babae."Wala na ang Papa,tayo-tayo na lang," panay ang hikbing sabi ni Sofia nang tuluyang mayakap ang manugang. Lihim itong nagpapasalamat dahil gaano man kalabo ang relasyo
Magbasa pa
Chapter 4: Mga Lihim
CHAPTER 4: Mga Lihim“Honey, are you listening to me?” ani Bianca kay Nick nang mapansing tahimik ito. Nasa tapat na siya ng kanyang apartment subalit hindi pa rin siya bumababa sa sasakyan ng lalaki dahil napansin niyang tila tulala ito habang nasa manibela. Marahan niyang hinaplos ang braso nito nang hindi pa rin ito sumagot. “Nick, are you okay?”Kumurap si Nick, bumaling kay Bianca. “Y-you’re saying?” Hindi alam ng lalaki kung bakit tila siya nabibigla sa sinabi ni Diana kanina sa kanya. He had always thought that she’s after the money—his money. At hindi nito makukuha iyon kung makikipaghiwalay ito sa kanya unless magkusa siyang magbigay ng pera dito.‘Well, she has her monthly allowance that you never fail to give. Baka sapat na iyon sa kanya,’ naisip niya. Subalit hindi niya pa rin maintindihan, she wanted annulment even with the provision from his grandfather’ will.Gumaganti ba ito sa kanya?Damn!Lalong umigting ang kanyang panga.“Oh my poor honey, I know how you loved your
Magbasa pa
Chapter 5: Bigyan Mo 'Ko Ng Anak
“Ate, kapag wala na ‘tong bahay, saan tayo titira?” inosenteng tanong ni Enrico kay Diana habang kumakain silang dalawa sa malawak na dining table.Natigilan ang dalaga sa tanong ng kapatid. “Saan mo nakuha ang balitang ‘yan?”Sinusubukan niyang ilihim sa kapatid ang lahat ng pinagdaraanan ng kanilang kumpanya at ang tunay estado ng kanilang kaperahan. Bata pa ito at walang muwang. Para kay Diana, tama nang ang pagdadalamhati kay Armando at Eileen ang isipin ng kapatid at hindi ang ano pa mang bagay.Kumurap si Enrico, maingat na binitiwan ang mga kubyertos at nahihiyang tumingin sa kapatid. “N-narinig ko sa mga k-katulong sa kabilang bahay, Ate. Sabi nila malapit mo na raw ibenta itong bahay kasi mahirap na tayo. Sa school, may nagtanong din sa akin kung mahirap na raw tayo kasi ‘yon daw ang sabi ng Mama at Papa nila. Totoo ba ‘yon, Ate? Mahirap na ba tayo?”Agad na humapdi ang dibdib ni Diana sa tanong ng kapatid. Wala sa sariling inabot ang kamay ni Enrico. “M-May mga problema lang
Magbasa pa
Chapter 6: Kasunduan
“W-what?” halos pabulong na sabi ni Diana, nanlalaki ang mga mata, hindi maintindihan ang sinasabi ni Nick. Sanay ang dalaga na laging nakasinghal si Nick sa kanya. Ilang beses niyang ipinagdasal noon na kahit man lang sana maging maayos ang pakikitungo nito sa kanya kahit hindi na siya nito mahalin dahil alam niyang imposible iyong mangyari. Subalit ngayon, na masyado itong pormal at seryoso sa pakikipag-usap, bakit tila hindi pa rin niya maintindihan ang asawa.“I know you heard me, Diana,” ani Nick, namulsa at humakbang palapit sa naguguluhan pa ring asawa.Lihim na ipinilig ni Diana ang kanyang ulo, mabilis na inayos ang huwisyo. “Hindi kita maintidihan, Nick. N-noong huling pag-uusap natin ay sinabi ko sa ‘yo ang gusto kong mangyari. I want an annulment. I still want it. Alam kong ‘yon din ang gusto mo. Pero bakit ngayon—“ Hindi na niya naituloy pa ang gustong sabihin, napasapo na lang siya sa kanyang ulo na bahagyang nanakit.Nagsasalimbayan ang iba’t-ibang uri ng emosyon sa
Magbasa pa
Chapter 7: Isang Pagtatagpo
“Ano? Pakiulit nga!” malakas ang boses na sabi ni Ella Santiago, ang dating kaklase at matalik na kaibigan ni Diana. Binisita ng huli ang kaibigan dahil naguguluhan na siya sa sitwasyong kanyang kinakaharap. Kasasabi lang niya rito ang tungkol sa usapan nila ni Nick nang magpunta ito sa opisina niya kanina.“Ella…”Rumolyo ang mga mata ni Ella. “Don’t Ella me this time, Diana. Sa tono mo parang kinokonsidera mo ang offer ni Nick. Matapos ka niyang iwan at saktan, naniniwala ka pa ba sa lalaking ‘yon? Sa dinami-rami ng mga ginawa niya sa ‘yo, dapat lang na magdusa rin siya!”Napabuntong-hininga si Diana, nahihiyang ibinaling sa iba ang tingin. Ramdam na ramdam niya ang galit sa tinig ng kaibigan. Bakit hindi, alam nito ang lahat ng paghihirap niya sa nakalipas na tatlong taon habang kasal siya kay Nick. Well, most of it. May isang lihim pa siyang hindi nasasabi rito. At sigurado siya, kapag nalaman nito ‘yon, hihilahin siya nito at itatago kung saan, h’wag lang siyang makisama ulit kay
Magbasa pa
Chapter 8: Mga Akusasyon
“Gutierrez?” anang estranghero kay Nick. “I didn’t know we’d meet here,” dugtong pa nito. “And I didn’t know you’d hit on married women too, Dimarco,” matabang na sagot ni Nick sa lalaki. Bahagyang natilihan si Diana sa itinawag ni Nick sa lalaki. Kusang naalala ng isip na kaya pala pamilyar sa kanya ang estranghero dahil ito si Ardian Dimarco ang half-Italian half-Filipino na isa sa mga kilalang investor sa iba’t-ibang negosyo sa buong mundo. Nakita niya sa mga lumang dokumento sa opisina ng Daddy niya na sinubukan ng namayapang ama na kunin itong investor sa kanilang kumpanya subalit tumanggi ito. Kung sana'y pumayag lang ito noon na mag-invest sa Saavedra Electronics, siguradong wala siya sa sitwasyong kanyang kinakaharap ngayon.Alanganing pinaglipat-lipat ni Diana ang tingin sa dalawang lalaki. Matalas ang tinginan ng dalawa. Kahit na hindi niya tanungin, ramdam niya ang pagkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga ito. Dahil ba iyon sa kanya? Imposible! Ngayon lang sila nagkita
Magbasa pa
Chapter 9: Mga Sakripisyo
"Ginabi ka yata, Diana," ani Yaya Beth sa dalaga, nang pagbuksan niya ito ng pinto sa mansiyon ng mga Saavedra. Tinanaw pa nito ang papalayong taxi sa labas ng mansiyon, kunot-noong sinundan ng tingin ang alaga, sa dibdib ay ang matinding pag-aalala. Na hindi naman nito maiwasang maramdaman dahil dati itong yaya ni Diana at ngayon nga ay ang kaisa-isang katulong na naiwan sa mansiyon nang mapilitang magbawas ng tauhan ang dalaga dahil sa malaking pinansiyal na suliraning kinakaharap nito. "May pinuntahan lang po kami ni Ella, Yaya," sagot ni Diana, nagdire-diretso sa pagpanhik sa hagdan. "Nag-taxi ka ba, anak? Sana ay tinawagan mo lang ako na magpapasundo ka. Maari ko namang gisingin si Alonzo at--" Nabitin sa ere ang sana'y sasabihin ng matanda nang pumihit paharap dito si Diana at bahagyang ngumiti. "Don't worry, Yaya. Maayos naman po akong nakauwi," anito akmang muling aakyatng hagdan. "Sandali, kumain ka na ba? Teka iinit ko 'yong pagkain kanina at--" "H'wag na po, Yaya. Kuma
Magbasa pa
Chapter 10: Desisyon
“Echo, ano sa tingin mo kung lumipat tayo ng bahay? ‘Yong mas maliit at ‘yong kasya lang tayong apat nina Yaya Beth at Alonzo. Pero may kwarto ka pa rin. ‘Yong toy collection mo, dadalhin din natin. Tapos pipiliin nating bagong bahay, ‘yong may access pa rin sa pool at malapit din sa school mo at saka sa work ko. Ano sa tingin mo?” alanganing tanong ni Diana sa kapatid habang kumakain sila ng hapunan. Silang dalawa lang ulit sa mahabang dining table. Natigilan si Enrico, marahang tumingin sa nakatatandang kapatid. “A-Ate, ibebenta na talaga natin itong bahay?” malungkot na tanong nito, unti-unti binitiwan ang mga kubyertos na hawak. Bumigat naman ang dibdib ni Diana. Nakukunsensya siya. Alam niyang nangako siya sa kapatid na hindi sila aalis sa bahay na iyon kung saan sila lumaki at namulat. Ang bahay na saksi sa masasayang araw ng kanilang pamilya. Subalit, nagdesisyon na siya. Mas mabuti pa na ang mansiyon na lamang na ibenta niya ang mansiyon kaysa tuluyang matali kay Nick at sa
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status